kabanata 45

2.4K 42 1
                                    


Ford's POV

"Fudge has stomach cancer. It has been treated last time pero hindi non napagtibay ang digestive system niya. Naapektuhan rin ng lubos ang immune system niya. For now, unstable pa ang condition niya."

I remember what Dr. Jung said. And I feel sad. Pati si Fudge, nalagay na rin sa panganib.

Good thing Lorice is now okay. Hindi ko alam kung paano niya natamo yung sugat pero ang mas magandang balita naman ay ligtas na siya.

"Magiging maayos na ba si Fudge?" tanong niya. I cant answer her question right now. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya. I dont know how to explain. I dont know if paano ko ipapaliwanag kay Lorice yung mga sinabi ni doc.

"He'll...be fine."

Papunta na kami ngayon sa mansion ng papa niya. Nilingon ko siya at parang hindi siya mapakali.

"Wife, are you okay?"

"Oo."

"Nervous?" tanong ko. She sighed and nodded. She cant hide her nervousness on me. Malalaman ko rin naman kahit hindi niya sabihin. I'm his husband, to-be.

"Dont be nervous. He's your father." napangiti siya. "Kapag kinakabahan ka, or if you feel anything, tawagan mo ako. Text me, okay?" muli siyang tumango.

Ilang minuto pa ang nagdaan at sa wakas, nakarating na rin kami sa mansion ni Mr. Torres.

I parked the car. Lumabas ako, and then I assisted her. I intertwined our hands at sabay kaming naglakad. Hanggang sa nakita namin si Mr. Torres na nakatayo sa may hardin malapit sa mismong mansion.

I saw his smile when he saw Lorice. A smile from a loving father. Napangiti na lang ako dahil doon.

"Lorice," nang makalapit ay agad niyang niyakap si Lorice. "Welcome home, my dear."

"Salamat po."

"Are you ready for tonight?" tanong niya kay Lorice. For what?

"Para saan?"

"I want the whole industry to meet my lovely daughter--"

"Pa, okay lang sa akin kahit hindi nila ako kilala."

"But, its at least I can do. I want them to know that I dont have only one daughter. I want them to know you."

"I agree with your dad." bulong ko sa kanya. "I want them to know who really my Lorice Alli is." 

Napangiti siya. "S-sige ho, payag ako."










Lorice's POV

ALAS SINGKO NA PERO HINDI pa rin kami nagkakausap ni Gail. Papa already introduced her to me formally. Pero ang madaliang pagkakasundo na gusto kong mangyari, hindi nangyari. Kabaliktaran ang ipinapakita niya.

Kanina pa kaming tatlo rito sa sala. Umalis kasi kaagad si Gail. Pinagaan naman ni Ford ang loob ko kaya hindi na rin ako masyadong nagpaapekto.

Masayang masaya kaming nagkwentuhan. Ako, si Ford, at si papa. Wala na rin naman daw aalalahanin sa mga isusuot namin kasi naman, naihanda na nila iyon. Isang tawag lang sa telepono, darating na kaagad.

Kapangyarihan talaga ng mga mayayaman.

"So, you already proposed to my daughter?" Ford nodded when he heard that. I smiled. He's proud to say na nag propose siya sa akin.

My father hold my hand and looked at the ring. "Simple, but elegant. This is what your mom really like before." napangiti ako nang ma mention niya si mama.

Ma, alam kong nakangiti ka na dyan ngayon. Kasi nakita na ako ng tunay kong ama.

"After my trips on other countries, I'll marry your daughter, pa. Kaya, nandito na rin naman tayo, I will formally ask for your daughter's hand."

"Fordan," he smiled. "Hindi na kailangan. I want a beautiful life for my daughter at alam ko naman na kaya mong ibigay iyon sa kanya. You're also my son in heart, remember? So I fully trust you. Isa pa, masaya ang anak ko sayo kaya hindi ako tutol. Just call me if you need an assistant for the wedding. And also..."

Also?

"Also, kailan na ninyo ako bibigyan ng apo?"

APO AGAD?! "Pa naman!"

Natawa lang si Ford. Kaya naman, nilingon ko siya. Agad naman siyang pumormal at tumahimik nang tingnan ko siya ng masama.

"I'm just joking. But, sana bigyan niyo na ako kahit isa. Kasi naman, look at me now, I'm getting older and older. Baka ilang taon na lang ang itagal ko. I want to see my grand children."

Napabuntong hininga na lamang ako.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon