Kabanata 3

4.5K 69 1
                                    

Ford's POV

"Magandang hapon po, sir Ford." bati ng guard. I smiled. At agad na dumiretso sa Norton ko. I will be at Rusteau's and then didiretso ako sa bagong bukas na branch ni Dave.

Nang maisuot ang helmet ay nagmaneho na ako. And while driving, naalala ko yung mag-aapply. Paano kung dumating yung babae roon? Ewan. Bahala na. I'll just do these appointments first. After that, I'll take care of this applicant.










Lorice's PoV

GALIT akong hinarap ni manang Aiding. Hindi pa rin kasi ako makabayad ng upa hanggang ngayon. Wala pa kasi akong trabaho at nagsisimula pa lang akong maghanap.

Nalaman niya ang tungkol sa pag-a-apply ko bilang P. A. ay inapura na niya akong magbayad.

"Siguraduhin mo lang talaga Lorice na makakabayad ka! Dahil kung hindi, makikita mo na lang na nakakalat na sa kalsada ang mga gamit mo!"

Sisiguraduhin kong magkakatrabaho ako. Dahil kung hindi, wala na akong matitirahan.

Nang makarating ako sa condominium ay agad na akong nagmadali. Baka nariyan na at kanina pa naghihintay ang mag i-interview sa akin.

"Magandang hapon, maam." bati ng gwardya. Ngumiti ako sa kanya.

Teka, saan nga ba yung condo unit niya? Hindi ko alam kung saan. Ang sabi rito sa text na natanggap ko mula sa employer, nasa fifth floor daw yun. Kaya naman, kahit na hindi ko alam kung saan ko makikita iyon.

Sumakay ako sa elevator at nakita ang isang lalaki. May katandaan na siya, siguro mga nasa 50's na. Ngumiti siya sa akin.

"Saang floor ka hija?" tanong niya.

"Fifth floor po."

Muli siyang ngumiti. "Bago ka lang dito?" tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"Ako si nga pala si Antonio. Matagal na akong nakatira rito. Sixth floor naman ang punta ko."

Napangiti ako. Hindi pala kami pareho ng destinasyon. Pero ayos lang. Sa tingin ko, makakasalamuha p ako ng iba pang mababait na tao rito.

"Nandito na tayo, hija." sabi niya. Kaya naman, lumabas na ako at nagpaalam.

"Hanggang sa muli, hija." huling sabi niya habang kumakaway at sumara na ang elevator.

Ngayon Lorice, ikaw na naman mag isa. Hahanapin ko na yung unit. Nasaang unit kaya nakatira yun?

Maya maya pa ay may text akong natanggap, mula sa employer ko. Sabi niya, nasa huling banda raw yung unir kaya doon ako nagtungo.

Nag doorbell ako ng ilang beses pero parang wala namang sumasagot. Ewan. Napa buntong hininga na lang ako. Maghihintay na lang siguro ako rito.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon