Kabanata 11

3.3K 53 2
                                    

Lorice's PoV

Nagising na lang ako. Narinig kong tumutunog ang cellphone ko. Nang tingnan ito ay tumambad sa akin ang malaking ALAS NUWEBE NG UMAGA.

patay. LATE NA AKO! 

Pumunta na agad ako sa banyo para maghanda. Matapos ko gawin ang mga iyon ay hindi ko na naisip na kumain pa. Patay ako kay Sir nito. Ayaw niya pa naman ng nala-late.

Nang makalabas ng bahay ay tumakbo na ako papunta sa sakayan. Baka sakaling may masasakyan ako rito. Kaunti na lang talaga ang laman ng alkansyang natira sa akin pero bahala na! 

"Tonio, torno mo na." sabi nung lalaki na patang driver rin. Kaya naman tumayo ang lalaki at nilapitan ang kanyang motorsiklo. Swerte naman at mayroong nagmomotor na walang pasahero. Kaya naman, agad na akong sumakay sa motor niya.

Bago pa man niya pinaandar ang motor niya ay tumingin ang siguro'y nasa 50's nang driver sa akin at ngumiti. Pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya sa kung saan.

Binigyan niya muna ako ng helmet. "Isuot mo muna ito, hija." teka, pamilyar ang boses niya.

"T-thank you po." pinaandar na niya amg motor niya matapos ko itong sabihin.

"Kumusta naman ang araw mo, hija?" tanong niya.

"Okay lang ho." sabi ko. "M-medyo late na po ako sa trabaho manong."

Rinig kong tumawa siya. Napa- buntong hininga na lang ako. Ramdam kong mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo sa motor. At nagulat na lamang ako nang huminto siya sa harap ng condominium.

"Eto na po yung bayad--"

"Itago mo na yan." sabi niya. Nagtaka ako. Ipinilit kong ibigay ang bayad pero hindi niya talaga tinanggap. At nang maibigay ko sa kanya ang helmet ay umalis na siya.

Bakit hindi tinanggap ni manong ang bayad? Tsaka ang isa pang ipinagtataka ko, hindi ko naman sinabi kung saan ako bababa. Bakit alam niya?

Nagtataka akong naglakad papasok sa loob at nang makarating sa elevator ay iyon pa rin ang aking iniisip. Hindi man lang ako nagpasalamat sa kanya. Umalis kasi siya kaagad.

Umayos lang ako nang nakarating na ako sa harap ng condo unit ni Ford. At nang pumasok ako ay nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa, nagkakape, nang walang pang itaas na damit!

Dahil doon, napayuko ako.

"Good Mor--"

"Don't say that." pagpigil niya sa akin. "And you are late." Dagdag niya.

"Sorry po." nakatayo pa rin ako. Nang tingnan ko ang mukha niya ay parang mainit ang kanyang ulo.

Maya maya pa ay tumunog ang cellphone niya. May tumatawag siguro. Sinagot naman niya yung tawag.

"Okay. I'll drop the money on your account. Thank you."

Talaga bang hindi niya ako naaalala? Tinitingnan ko lang siya. Mas naging matipuno pa ang kanyang katawan ngayon. Mas nagiging gwapo siya bawat araw.

Pero, sayang lang talaga at hindi niya ako naaalala.

Kasi ako, matapos ang gabing iyon ay nagustuhan ko na siya. Nalaman ko rin na isa pala siyang sikat na tao. Pero sa dinami dami ng mga babaeng pwede niyang ikama, ako ang nabigyan ng pagkakataong iyon.

Nang matapos siya sa pakikipag usap sa kabilang linya ay tumingin siya sa akin. Naka ekis ang mga kilay niya.

"Get ready." sabi niya. "May pupuntahan tayo."

Tumango lang ako. Siya naman ay inilapag ang basong dala niya at umalis sa harapan ko. Nang makaalis ay napabuntong hininga ako.

Ano na naman kaya ito?

Maya maya pa ay nakita ko na lang siyang puro kulay itim ang suot. Itim na jacket, cap, pantalon at itim na sapatos. Naka mask rin siya. Pero, ang gwapo pa rin niya.

Nang lumabas siya sa condo ay sumunod na ako sa kanya.

Nakarating kami sa parking lot at ibang sasakyan na naman ang narito. Ewan ko kung anong brand na naman ng sasakyan to. Basta, maganda siya, at kulay puti naman. Sumakay kaming dalawa rito.

Siya ang nagmaneho. Hindi ako marunong e.

Habang nasa sasakyan ay walang ingay na bumalot dito. Napakatahimik lang. Ni isang salita ay wala kaming inilabas.

Nang huminto ang kotse ay napatingin ako sa car window at nagtaka. Bakit nandito kami sa mall?Narinig ko rin siyang nagsalita.

"You know how to use this right?" sabay bigay ng isang ATM card sa akin. Tumango ako. He also gave me a paper. Siguro nakasulat dito yung pin at amount ng perang iwi-withdraw ko.

"Go. You know what to do."

"Di po ba kayo sasama sa akin--"

"Are you out of your mind? Don't you know who I am? Artista ako. Ikakapahamak ko kapag lumabas ako sa kotse na to." Oo nga naman, nakalimutan ko kasi.

"Now, go. Wag nang masyadong matanong."

Lumabas na nga ako ng sasakyan. At agad na pumunta ng mall. At ginawa ko ang sinabi niya. Nagwithdraw ako ng pera dito sa mall.

Tiningnan ko ang papel na binigay niya sa akin. iti-nype ko ang pin. Pero nang tingnan ko ulit ang papel para makita yung halaga ng perang iwi-withdraw ko, doon na ako nagulat.

50 thousand pesos!

Napalunok laway ako. Malapit lapit rin ang halagang to sa utang naming dapat kong bayaran! 

Teka nga! Baka magalit na si sir. Kaya naman, binilisan ko na lang ang pag wi withdraw at ipinasok sa shoulder bag na dala ko ang pera.

Grabe, ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera!

Nang makaalis na ako ay muli kong binasa ang papel. Nagulat na lang ako nang makita ang sandamakmak na nakasulat rito. May P. S. pa!

P. S. 1. Buy these all, with gift wraps na. -Ford.

Bibilhin ko to lahat?!

-20 teddy bears (different colors) 2 canvases, 2 sets of paint brushes. 2 sets of water colors. 20 sketch books. 5 boxes of pencils, 20 pcs. Sharpeners, 20 crayons, 20 erasers..

P. S. 2. Each canvas, sets of paint brushes and water colors will be in different gift wraps.

P. S. 3. GET MY ORDERS FROM THESE RESTAURANTS AND IN GROCERY COUNTER.
CUSTOMER NAME: TAN
Jollibee, Mall's grocery store counter 2, penshoppe, boardwalk, toy kingdom, nike, groovy, Dunkin' donut


Agad ko nang sinimulan ang trabahong ito. Hindi naman masyadong mahirap.




One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon