Lorice's POV
Kanina pa ako naghihintay doon pero parang wala namang tao. Uuwi na rin sana ako pero nag text yung employer na bumalik na sina Sir Kiel. Kaya ang ginawa ko, humanap ako ng kakainan. Nagutom na ako sa kahihintay.
Sakto naman at sa di kalayuan ay may nahanap akong karinderya. Mabuti na lang at mura ang mga presyo nila rito. Naabutan na lang kasi ako ng gabi sa paghihintay pero wala pa rin kaya kumain muna ako. Matapos non ay agad rin akong bumalik sa condominium.
Muli akong nagdoor bell nang makarating doon sa unit. Tatlong beses kong sinubukan, hindi pa rin ako pinagbuksan. Mawawalan na sana ako ng pag-asa pero sa Ika-apat na pagkakataon ay bigla na lang bumukas ang pintuan.
Papasok ba ako o hindi?
Sa huli, napagdesisyunan kong pumasok. Dahan dahan akong naglakad hanggang sa nakapunta ako sa sala. Nakatayo lamang ako roon.
Nanlaki na lang ang aking mga mata nang may makitang lalaki na bumababa sa hagdan.
Si... Ford...
Agad na ginapang ng kaba ang dibdib ko. Papaano kung mamukhaan niya ako? Naaalala pa kaya niya ako? Siya ba ang magiging amo ko?
Ford's POV
I KNEW IT. The door just opened. Sinadya ko talaga iyon. Nakita ko sa monitor ang isang babae na nasa labas. Siguro siya yung mag-aapply. Kaya naman, I let her enter.
At nang makita ko siya, damn I can't stop staring at her face. Damn I can't take off my eyes on her, damn, my eyes.
"Good evening po, sir." rinig kong sabi niya. Nang makaupo ako sa sofa ay tinitigan ko lang siya.
Familiar talaga yung mukha niya. I just can't remember if how did we met, kung nagkita man kami dati.
"Y-your name? " tanong ko sa kanya.
"Lorice Delfin po."
Maganda siya, not on time lang dumating.
"Why are you late?" tanong ko. "I was waiting for you, pero hindi la dumating sa tamang oras. Ang pinaka ayoko sa lahat ay yung nala-late."
"Sorry po, sir." hindi siya makatingin sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas at wala pa ring ingay sa buong unit ko. Kaya ako na lang ang bumasag sa katahimikan dito.
"Just... Forget it." I looked at her again. From head to toe, bagay siyang maging P. A. ko. Kahit late, may appeal rin naman siya and I think she'll do.
"Be early tomorrow, may pupuntaham tayo." tumayo ako at tumalikod, "And please... lock the door when you leave."
Lalakad na sana ako nang magsalita siya.
"Sir..." I heard she said. "Tanggap na po ba ako?" tanong niya. Sa halip na humarap ay nag-thumbs up lamang ako.
"S-salamat po! Aagahan ko po ang pagpunta ko rito bukas. Thank you sir!" nang sinabi niya iyon ay parang may naalala ako.
Nang nilingon ko siya, naglalakad na siya papaalis. I just... remember someone. Yung boses niyang iyon, even how she said thank you was really familar.
Hays.
Baka pagod lang to, Ford. Medyo marami rin akong nainom kanina kaya baka naman epekto lang iyon ng alak.
I'll just sleep, baka bukas mawala na to.
Lorice's POV
"BUTI na lang at may trabaho ka na! Makakabayad ka na rin!" -Manang Aiding.
Napa buntong hininga na lang ako. Kanina pa kasi nangungulit itong si Manang Aiding, kung may trabaho na ba ako o wala pa. Buti na nga lang at tinanggap ako ni Ford kanina.
Pero... hindi kaya niya ako naaalala?
Nakita ko na lang ang sariling nakahubad sa harap ng gwapo at makisig na lalaking ito. And this man was... Ford, a former member of a famous group CHANSE.
Sa loob ng kwarto ng hotel na yon nangyari ang isa sa mga hindi ko malilimutan, ang pagkuha niya sa pagkababae ko. He took my virginity that night, at the hotel.
Habang nasa elevator ako at pauwi na ay naalala ko ang nangyari sa amin one year ago. Wala rin kasi akong ideya kung bakit nangyari ang mga iyon pero... hindi ko pinagsisisihan dahil siya ang kasama ko.
Tuwang tuwa rin ako dahil siya ang magiging amo ko, natanggap ako sa rrabaho, at may ipambabayad na ako sa mga utang namin, salamat sa Diyos at tinanggap niya ako.
Sana lang, maalala niya ang nangyari sa amin noong gabing iyon.