kabanata 6

3.9K 64 1
                                    

Lorice's PoV

Gumising ako ng maaga dahil naalala kong may pupuntahan kami. At gaya ng binilin niya, maaga rin akong nagtungo sa unit niya. Pareho ng nangyari kahapon, bumukas ang pintuan at pumasok na ako. Nagtungo ako sa sala at nakatayo lamang ako roon. Naghihintay sa pagdating niya.

Habang wala pa siya ay nilibot ko ang aking paningin. Simple pero elegante ang dating ng unit ni Ford. Malawak ito at maganda. May kasama kaya siya rito?

"Good thing, you're early." napatingin ako doon sa may hagdanan. At nakita ko siyang naglalakad pababa.

Naman... Napakagwapo niya. Bagay na bagay ang kulay indigo na long sleeve sa kanya. Hindi na tuloy naalis ang tingin ko sa kanya.

"Lorice, am I right?" tanong niya. Napatango naman ako. Parang di niya yata ako naaalala. Hays.

"Mahirap ang trabaho mo." sabay suklay sa buhok niya. Ang gwapo!

"K-kakayanin ko po."

"Hmm," sabi niya. "We'll see. Diretso tayo sa office ko. I'll give you whatever I want you to do kaya humanda ka. Let's go." sabay lakad papalabas.

Medyo strikto.

Napalunok laway ako. Mukha ngang magiging mahirap ito. Pero para makabayad sa utang, lahat kakayanin!

"Diyan tayo sasakay, sir?" tanong ko sa kanya nang makarating sa labas ng condominium. Nakita ko ang isang kulay itim na motor. Parang pang racing naman yata to.

Maya maya pa ay binigyan niya ako ng helmet without saying a word. Dito nga kami sasakay. Sinuot ko naman ang bigay niyang helmet.

"Sakay na." sabi niya. Walang pagdadalawang isip akong umangkas sa motor niya. Pero hindi man lang nagsabi kung paaandarin na ba ito o hindi pa. Agad niyang pinaharurot ang motor na siya namang dahilan ng pagsigaw ko.

"Quiet!" rinig kong sigaw niya. Di ko kasi mapigilang simigaw. Bigla na lang huminto ang sinasakyan namin.

"Gusto mo bang maiwan dito?" tanong niya.

"H-hindi po."

"Good." tsaka niya binuhay ang makina ng motor, at pinaharurot na naman ito. Wala na akong nagawa kundi ang itikom ang bibig ko, kahit na sobra na akong natatakot.

Nakapikit ako ngayon. Ayokong idilat ang mga mata ko, mas lalo lang akong matatakot.

"Put your hands on my waist." rinig kong sinabi niya. Ha? Ano raw?

Put your hands on my waist.

Wala sa isip akong yumakap sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko pero bahala na!

Mas napakapit ako sa kanya nang pinaandar niya ng mabilis ang motor na sinasakyan namin. Hindi ko alam kung waist pa ba to pero bahala siya.

Nakapikit ako at mahigpit na nakayakap sa kanya. Baka kasi mahulog ako rito. Mas mabilis pa sa sports car ang pagpapatakbo niya.







Ford's POV

"WE'RE here." dalawang beses ko nang sinabi pero hindi pa rin siya bumibitiw sa pagkakayakap sa akin. Tinanggal ko ang helmet ko. I hold her hand para matanggal ito sa pagkakayakap but when I touched it, there's a familiar heat na naramdaman ko rito. Weird.

Biglang nag iba ang heart beat ko. Why the hell is this happening?

Ilang segundo pa bago ako makabalik mula sa pagiging lutang. Why I just felt that?

Hinawakan ko ang isa pa niyang kamay ay hinawi ito palayo.

"So-sorry sir." rinig kong sabi niya.

"Baba na." agad niya naman itong ginawa. Pinarada ko ang motor. After that, naglakad na ako papuntang office.

Buti na lang, di pa ako late.

Nang makarating sa office ay nakita ko ang sandamakmak na papel sa table ko. Fuck! Ang dami naman nyan! 

Agad ko itong tiningnan. And shit! This is Kiel and Steve's paperworks!  Bakit dito nila tinambak sa office ko?  I called Steve's secretary to pick this papers.

Trabaho nila ito, hindi akin.

"Sir, wala po si sir Steve. Pero ang bilin po niya sa akin na ipa-approve muna yung papel sa inyo before ko iyan ibigay kay Mr. Sandoval." paliwanag niya. In short, he wants me to sign all of these.

"Okay." then I ended the call.

Tiningnan ko naman ang papel na para kay Kiel. And these were the same as Steve's. Sarap pag untugin ng dalawang iyon.

"Hey, Lo--" natigil ako sa pagbasa sa mga papeles na nandito nang mapansing wala yung P. A. ko. Where is she?

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon