kabanata 70

2.1K 36 2
                                    

Lorice's POV



Ilang araw ang lumipas at natapos na rin kami sa pag aasikaso sa pagpunta doon sa probinsya. Sabi rin ni kuya, hindi matutuloy ang pagpunta niya sa ibang bansa dahil may bagong doktor nang na-assign. Isa pa, nag volunteer siyang maging therapist ni Gigi.

Naging madali naman para sa amin ang pagpaplano, at ang mismong pagpunta sa probinsya. Mula sa pagpunta sa airport hanggang sa makarating na kami rito.

Napangiti na lang ako nang makita ang mga pagbabago rito. Ibang iba na ito kumpara sa dati. Pero, maganda pa rin.

Nang makarating ay dumiretso muna kami sa isang pribadong resort na binili niya. Ito muna ang titirahan namin pansamantala habang nagpapagaling si Gigi.

Sabi ni kuya, hindi magiging madali ang lahat. Dahil nakasalalay ang lahat ng ito kay Gigi.

BAWAT ARAW ay hindi naging madali para sa bata. May mga araw na palagi lang siyang tulala at hindi makausap. Minsan naman, nagsisisigaw siya parati at laging umiiyak dahil sa hindi malamang kadahilanan. May mga gabing hindi siya makatulog ng maayos dahil sa mga bangungot at masasamang napapanaginipan niya.

Pero, hindi sumuko si Ford. At sa paggabay na rin ni Kuya Mikoy, unti unti kaming nakapag adjust sa sitwasyon.

Araw araw ay may mga therapy session si Gigi. At nakakatulong iyon dahil matapos ang mga hindi magagandang araw na nagdaan, unti unti niyang nalalaman kung paano kontrolin ang mga emosyon niya.

Hindi naman nasasayang ang mga paghihirap ni Gigi, ang tinitiis ding paghihirap ni Ford, at lahat ng mga efforts nila mapagaling lang ang bata. Dahil unti unti, nakakamit na namin ang inaasam na paggaling niya.

At hindi rin kami nagsisi sa desisyong dalhin siya rito. Dahil kalaunan ay natuto na si Gigi, kung paano niya haharapin ng paunti unti ang kinakaharap niyang pagsubok.

SINUBUKAN SIYANG pasalihin ni Kuya Mikoy sa isang art workshop, at nagustuhan niya ito. Mula noon, nagagawa na niyang mag kwento sa amin, ng kung ano ang ginagawa nila roon, at ang mga nakilala niyang kaibigan.

Nakagandang progress ito na nagawa ni Gigi.

At mula nang ipasok siya ni kuya sa workshop, salitan na kami ni Ford sa pag aalaga sa kanya. At inaamin ko, gustong gusto ko ang ginagawa ko.
Mas naging close rin kami. At gustong gusto ko na nandito siya sa tabi ko. Gusto kong ipaghain siya ng agahan at tulungang magbihis bago pumunta sa workshop nila. Parang nagiging nanay na niya ako.

Mas natuwa ako nang sabihin niya sa akin na naaalala na niya ako, nung P.A. pa ako ni Ford non. Naalala niyang ako yung tinulungan niya sa pagbibitbit ng mga pinamili ko noong panahong iyon. Siya pala ang batang yon.

At ngayon, naging mahaba haba ang kwentuhan namin ni Gigi. Marami kasi siyang baong kwento kada uwi niya galing workshop. At gusto ko ring malaman kung ano ang mga nangyayari sa kanya doon.

Masaya niyang ibinabahagi ang mga ito sa akin. Hanggang sa umabot kami sa usapang ito.

"Ate, pwede po bang mama na lang ang itawag ko sa inyo? Para pagbalik ko sa workshop bukas, masabi kong may mama ako."

Narinig ko ang sinabi niya. Habang sinusuklayan ko ang medyo kulot niyang buhok ay napangiti na lang ako.

"Oo naman. Sabihin mo sa kanila na mama mo ako."

And she smiled. "Talaga po?"

"Oo..."

"Salamat po..."

Then this adorable girl hugged me. Na touch tuloy ako dahil sa ginawa niya. Ganito pala ang feeling ng may anak ka, no.
Napakasarap sa pakiramdam.

NANG MAKATULOG si Gigi, saka ako pumunta sa kwarto namin ni Ford. Nang makahiga ako sa kama ay nakaramdam ako ng yakap mula sa aking likuran. Napangiti na lang ako.

"Wife, matagal ko nang pinag iisipan to." rinig kong sabi niya.

"Ang ano?"

"What if... ampunin natin si Gigi? Napamahal na kasi siya sa akin. And I really want to adopt her, dati pa. Payag ka ba?" tanong niya sa akin.

Kaya naman, humarap ako sa kanya. "Oo naman, payag ako."

Tinawag niya akong mama kanina. Kaya noong sabihin ni Ford na gusto niyang ampunin si Gigi, agad akong pumayag.

I saw him smiled. Kaya ngumiti rin ako.
Basta kahit ano mang maging desisyon niya, susuportahan ko siya.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon