kabanata 73

2.1K 36 2
                                    

Ford's POV



After the wedding, bumalik kami ng Manila. Naging abala rin ako sa maraming bagay. I am busy in my job, in taking care of Gigi's adoption, and in taking care of my beautiful pregnant wife.

Pero, kahit na napakarami ko nang inaasikaso, hinding hindi ko pinapabayaan ang kasong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ipinapasara.

They all deserve justice.

Ngayon ay nandito kaming dalawa ni Gigi sa police station. We decided na babae na lang ang magtanong sa kanya. Because she's still a child and she needs only to be calm, lalo na at may mga chances pa rin na bumalik balik ang trauma niya.

At nang sisimulan na ang pagkuha ng statements galing kay Gigi, ang tanging naiwan sa silid ay siya, at isang babaeng pulis.

Nasa loob sila, at kami naman ay nasa kabilang silid na katabi nito. This and the interrogation room has a transparent glass, kung saan nakikita namin ang nangyayari doon.

Kasama ko ang iba pang pulis at ang mga investigators na tumutulong sa amin para malutas ang lahat ng ito.

"Maririnig natin ang mga sasabihin ng bata mula rito, sir." napatango na lang ako.

Also in this room, they have tools that they use in order for us to hear, and record every single detail that would help in this case.

Napatingin na lang ako sa babaeng pulis na nagtanong nang nagsimula siyang magsalita.

"Kumusta ka, hija." she said.

"Maayos naman po."

"May mga itatanong lang ako sayo ha. Wag kang matatakot sa akin. Hindi kita sasaktan."

I saw her nod.

"Maaari bang ipaliwanag mo sa amin kung ano ang nangyari bago mangyari ang aksidente?" tanong ng pulis.

Yumuko si Gigi. Sandali siyang hindi nagsalita. Matapos non, isinalaysay niya ang nangyari.

"Wala naman pong nangyari sa amin mula umaga hanggang gabi. Maayos po kaming lahat doon. Pero..."

"Pero ano?"

"Pero, nagising po ako galing sa pagkakatulog kasi nauuhaw ako, saka ako bumalik ng kwarto. Pagkatapos po no'n, pumasok po ako sa banyo. At paglabas ko, nakita kong may dugo sa sahig." then she cried.

Umiyak lang siya ng umiyak. Hinayaan muna siya ng pulis, at inutusan ang kanyang kapwa pulis na kumuha ng maiinom at panyo para kay Gigi.

At nang mahimasmasan ay muling tinanong ng pulis si Gigi. At sinahot naman ito ng bata.

"Natakot po ako. Kasi lahat ng mga batang kasama ko sa ampunan, puro duguan. Kaya tumakbo ako papunta sa kwarto nina sister pero wala rin sila doon."

Muling naluha si Gigi.

"Pinuntahan ko po sila sa opisina. Pero, nakahiga na rin po sila sa sahig, at duguan. Nilapitan at ginising ko sila pero hindi na sila nagising. Si sister Mary po yung nilapitan kong buhay pa. Ang sabi niya..."

"Anong sabi ni sister sayo?"

"Tumakas na raw po ako. Hanapin ko raw po si kuya Ford. Tapos po non, namatay na po si sister. Kaya tumakbo po ako papaalis ng ampunan at naging batang kalye ako."

God, thank you dahil pinaglandas mo ang daan naming dalawa ni Gigi.

"Nakita mo ba ang mukha ng mga pumatay sa kanila?" tanong ng pulis.

"Hindi po. Pero may sinabing pangalan si sister. Terresita at Lauro."

Terresita...Lauro... Wala akong kilalang Terresita o Lauro.

Kung yung mga taong iyon nga ang pumatay sa kanila, bakit? Anong rason nila? Bakit hindi na lang ako ang pinatay nila?

Pero, kung sino man ang mga iyon, sisiguraduhin kong magbabayad sila.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon