Ford's POV
Matapos ang concert, naging busy na ako para sa nalalapit naming kasal ni Lorice. I sont want her to be stressed kaya ako na ang nag asikaso ng lahat.
We decided to be official in the eyes and hands of the Lord, and I am really excited.
My wife is currently at papa Antonio's house. Doon ko muna siya iniwan para may kasama siya. I already talk to her na aasikasuhin ko si Gigi, and she understands it.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali. I'm too thrilled to know the truth. Gustong gusto ko nang malaman ang totoo. Kung sino ba talaga ang may pakana ng lahat.
Para mapagbayaran na nila ang nagawa nila sa mga bata, at kina sister.
I'm still waiting, kailan magigising si Gigi.
Until, I saw her hands... they're moving. Maya maya pa, nakita kong iminulat niya ang kanyang mga mata.She's.... awake!
"Gigi..." pagtawag ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako. Walang emosyon ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit ganon ang reaksyon niya.
Hanggang sa naalala ko ang sinabi ng doktor, na may mga parte ng alala niya ang mawawala. Pero, hanggang kailan naman kaya iyon?
"Gi... Ako to, si Kuya Ford mo. Hindi mo ba ako naaalala?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Tiningnan niya pa rin ako. Hanggang sa dahan dahan niyang banggitin ang pangalan ko.
"Kuya Ford?" she said. I dont know if what's happening on me. Dahil nang marinig ko ang sinabi niya, bigla na lang akonf naluha nang hindi ko nalalaman.
Maybe its tears of joy. Tama. Tears of joy.
"Yes... I am kuya Ford." and I touch her face. "Thank God you're awake, Gigi."
Matapos non, muli siyang natahimik. At kinabahan na ako nang sinapo niya ang kanyang ulo.
"Why? Tell me, Gigi... Anong masakit sayo?" paulit ulit kong tanong. Pero hindi siya sumagot. Sa halip, sumigaw siya.
She keeps on shouting. Kaya pati ako aynatataranta na. And then I saw it. So, I press the emergency call button so that they can assist me on Gigi.
Maya maya pa ay dumating naman ang mga nurse at si Doc. Fajardo. They helped me in asaisting Gigi.
Napakalma naman nila ito. And, I have to wait again until she's okay.
"Doc, naaalala niya ako. But after she remember me, bigla na lang siyang sumigaw." tiningnan ko ang bata na nasa hospital bed. "Ano bang nangyari sa kanya?"
"Na-trauma ang bata. Merong nakapagpa trigger sa pasyente. A patient with that condition usually wakes up na nakatulala, hindi makausap. But when she heard a word and remember something from it, doon na nagsisimulatng bumalik ang mga nangyari sa kanya, causing her to act like that." paliwanag niya.
I looked at Gigi again. Poor child.
"May mga times na mauulit ang nangyari sa kanya kanina, not only once. At makakasama sa bata kung makikita niya ang same environment na nakita na niya. Makakapag bigay iyon ng trigger sa bata, and...it may affect her mental and even physical state."
Nag alala ako nang maipaliwanag ni Doc. Fajardo ang nangyari kay Gigi, at kung gaano siya maaapektuhan.
"Is there any way to cure her immediately?" tanong ko sa kanya.
"Meron, but not really immediately. It needs time. But it is better for the patient. I can assure that it is effective." sabi niya.
"What is it?"
"Therapy. At kailangan muna siyang malayo sa kahit na anong bagay na nakapagbigay sa kanya ng reason to remember what happen on her. Well, I can do the therapies. All you have to do is to find a place where she can recover. Much better if far from the city." he said.
Far from the city...
"THAT'S WHAT YOUR COUSIN SAID. " napatingin lang ako sa kanya.
Matapos niya akong sunduin sa bahay ni papa, at nang makarating na kami sa bahay ay ikinuwento niya ang mga nangyari sa ospital.
Naawa tuloy ako doon sa bata. She's too young for traumas.
"Ano namang sabi ni kuya?" tanong ko sa kanya.
"He said that he can do the therapies. Ang sa atin lang, kung may mahahanap tayong lugar na malayo sa city. Its for Gigi's better and full recovery."
Ganon pala.
Teka nga... Malayo sa syudad... Paano kaya kung sa probinsya na lang namin? Matagal na akong hindi nakakauwi roon. Tsaka, napakaganda ng lugar na iyon.
"Ford, e kung doon na lang sa probinsya namin?"suhestiyon ko.
"That's a good idea. Tell me where your province is. And I will book a flight immediately."
Tumango naman ako nang marinig ko ang sinabi niya.
"And also... after Gigi's recovery, doon na lang tayo sa probinsya niyo magpakasal. Its more beautiful there... and more safe for you and our baby."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko ring maikasal doon. Maganda ang view doon e. Malayo rin sa gulo.