Lorice's POV
Dalawang araw na ang lumilipas. At ngayong ikatlong araw ay nandito kami ni Fudge sa isang park. Ipinasyal ko muna siya.
"Smile Fudge!"
Laking gulat ko naman na ngumiti talaga siya! Pero super super super cute niya!
Nang mapagod sa paglalakad ay umupo ako sa isang bench. Kumandong na naman sa akin itong si Fudge.
Ipinkit ko ang aking mga mata. Ang sarap ng simoy ng hangin. Napangiti na lang ako. Pero, napalitan ito ng lungkot nang makakita ako ng isang bata, kasama ang ama at ina niya.
Naalala ko tuloy si mama.
Bigla ko ring naalala ang tungkol sa sinabi ni sister sa akin nung nakaraan. Mas lalo akong kinabahan dahil doon.
Sino kaya yung buyer na yon?
Ewan ko.
Magsusumbong ba ako kay Ford? O hindi?
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"awrff?" napatingin ako kay Fudge. Naramdaman kong hinaplos niya ang mukha ko. At napangiti niya ako dahil doon.
"Uwi na tayo?"
"Awrff!"
"Cute mo talaga!"
Naglakad na kami para makauwi sa unit.
Kailan kaya uuwi si sir Ford?
Ilang minuto rin kaming naglakad at sa wakas ay nakauwi na rin kami sa unit.
At nagulat na lang ako nang makita sila sa unit ni sir Ford. Sina... Sir Kiel at sir Steve!
"I-ikaw ba si Lorice?" tanong sa akin ni Kiel. Napatango lang ako.
"Wow. You're supposed to be my P. A. kung hindi lang kita binigay kay Fordie."
"Awrrf!"
"FUDGE!" sabay nilang sinabi. Agad namang lumapit si Fudge sa kanila. At ang cute nilang tingnan... Silang tatlo.
Pero nagulat na lang ako nang narinig ko ang boses niya.
"Why you two are here?"
Sir Ford!
Napalingon tuloy ako. Di ko napigilang ngumiti. Bumalik na rin siya sa wakas!
"Hi Ford..." sabay nilang sinabi. Pinagtaasan lang sila ni sir ng kilay.
"E kasi... May photoshoot at fanmeeting tayo mamaya." sabi ni sir Kiel.
"Pwede namang i-text niyo na lang sa akin hindi ba?"
"Sorry, alam mo namang hindi kami ganyan. We want to sent this message personally. Haha. Siya nga pala... Pasalubong naman galing Bangkok, Ford." dagdag ni Steve.
Nilingon ko si Ford at nakita siyang napailing. "Pasalubong? Okay. Parehong nag sign ang entertainment company at ang channel sa atin. Now, happy?"
Mahina akong natawa dahil doon.
"Ano ba yan... Sana sumama ako sayo doon no." Sabi ni sir Steve sabay pout.
"Well, Steve, sayo naman talaga yung trabahong yon. Di mo lang inasikaso."
"I'm... just busy with her."
"Ewan ko sayo."
Maya maya pa ay tumayo na sina Sir Steve at sir Kiel. Naglakad sila papalabas ng unit. "Sige na, aalis na kami. See you later Ford!" ngumiti pa sila at nag hand wave.
"Bye bye." ngumiti lang ako sa kanila. "Bye Fudge!"
"Awrrf! Awrrf!"
Biglang tumahimik ang buong lugar nang umalis sina sir kiel at Steve.
Nabigla ako nang may inihagis na box si sir. Buti na lang at nasalo ko naman ito.
"Wear that tomorrow night." sabi niya at naglakad papunta sa kanyang kwarto.
Tiningnan ko ang itim at maliit na box. Ano naman kaya ang laman nito?
Savanna. Iyon ang nakita kong nasa box. Binuksan ko ito. And then I just saw this starfish-like hairpin.
Ang... ganda nito.