Milan's POV
Ngayong araw ay bibigyan ako ni kuya ng free tour dito sa ospital. Gusto raw niya na may malaman akong ilang mga bagay tungkol rito, dahil hindi lang naman specifically na about medicine ang dapat kong matutunan.
He wants me to be immuned on what's here in the hospital. Dahil doon rin naman ako mapupunta. Kaya excited na excited akong naghanda para makapag simula na kami.
Nauna na si kuya roon. Kasi, aasikasuhin niya pa raw yung isa niyang pasyente.
Pasyente...
Naalala ko yung kapatid ni kuya Ford. Sabi ni kuya, nabaril daw yun e. Hindi ko naman alam kung bakit. At hindi ko nga lang rin nalaman yung pangalan niya. O kung nalaman ko iyon, di ko na matandaan. Ewan.
Hays, naalala ko tuloy yung nangyari nang gabing iyon, nung araw ng kasal nina ate Ayang. Hindi ko pa nga alam kung sino siya noon e, tapos sinabihan pa na niya ako ng 'I like you'. Hays!
Kapag naaalala ko yon, naiinis ako e. Bakit? Sinabi ko lang naman yung buong pangalan ko dahil lang narinig kong sinabi niyang 'I like you'. Naman!
Hay nako, Milan! Wag mo na ngang sirain ang araw mo dahil lang doon sa sinabi niya nung gabing iyon!
I must go! Wa na juy oras na angay sayangon. Wala na talagang dapat na sayanging oras.
Nang makarating sa ospital ay nakita ko kaagad si kuya na nakatayo sa may labasan.
"Napakatagal mo bang naghintay rito, kuya?" tanong ko.
Umiling naman siya. "Hindi naman. Naasikaso ko naman na yung pasyente kaya okay na. Ano, tara?"
Nang sinabi niya iyon ay kaagad naman akong tumango, at sabay kaming pumasok sa loob ng ospital.
At ayun na nga... Kung saan saan ako dinala ni kuya. Sa lab, sa opisina niya, sa mga rooms na may specific na uses, nurse station, at pati sa mini park ng ospital nila, kung saan may mga nakita akong pasyente.
Pinaintindi niya rin sa akin ang mga gawain ng isang nurse, doktor, at lahat ng mga nagtatrabaho sa ospital. At dahil doon, mas na inspire akong mag aral.
Kaya mas ginaganahan akong mag aral ng medicine e!
At ang huli naman naming pinuntahan ay ang isang private room. Hindi ko alam kung anong meron dito pero bago kami pumasok ay nakangiti siyang humarap sa akin.
"Hindi lang naman kasi iyan ang rason kung bakit kita pinapunta rito. May iba pang reason." sabi niya.
Kung hindi lang ito, ano pa?
"Anong reason naman iyon kuya?"
"Kaya tayo nandito sa private room na ito kasi nandyan ang taong gustong mag i-sponsor sa pag aaral mo."
Mag... ii sponsor?
Hindi ako agad na nakapagsalita. Bakit... ngayon lang sinabi ito ni kuya sa akin? Hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko.
Gulat, sobrang kasiyahan, at nerbyos!
"Kuya..."
"Diba, marunong kang gumamot ng small cuts?" tanong niya, at tumango naman ako. "Good. Naaksidente kasi yung magiging sponsor mo. And he wants you na gumamot ng sugat niya."
He? Wants me?
"Mabait naman yung taong iyon. I'm sure magkakasundo kayong dalawa, like we do."
Ay syempre naman... Sabi mo 'he' e. Natural, mga lalaki kayo.
Napabuntong hininga ako. Magagamit ko pala ang mala-doctor skills ko ngayon. At may sponsor pa ako para sa pag aaral ko!
Ayos na ayos tong araw na to!
"Okay!" napangiti si kuya sa sinabi ko. "I'm sure hindi magsisisi ang sponsor ko sa akin."
"Good luck." Iyon na lang ang huling narinig ko, at tuluyan na akong pumasok sa private room na ito.
Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko. Dapat na magpasalamat talaga ako sa taong magiging sponsor ko--- no...way...
S-siya?
"Its nice to meet you again, Milan." agad na napawi ang ngiti ko nang makita ko ang pagmumukha niya. Bakit siya nandito?
Teka... dont tell me, siya ang sponsor ko? Siya ba? Hala! aba't nakangiti pang humarap ang taong to!
At wala siyang damit pang itaas. He's just... Half naked!
Tiningnan ko lang siya. Kasi hanggang ngayon, punong puno pa rin ng pagtataka ang isip ko.
Magiging sponsor ko talaga tong taong to?
"Your brother said, you are good in curing small cuts." sabi niya. Pero hindi ako nagsalita.
Tiningnan ko ang katawan niya. Well structured muscles, and 6 pack abs. Di na masama.
Milan... Control!
Maya maya pa ay natuon ang atensiyon ko sa mga sugat na nasa kanang braso niya. Sinubukan niya itong igalaw, pero namilipit siya sa sobrang sakit na idinulot nito sa kanya.
"Fuck..." alam kong mahina niya itong sinabi pero narinig ko pa rin siya. Kaya, agad akong napatingin sa mga gagamitin ko sa paggamot.
Nasa isang table ito malapit sa hospital bed na kinauupuan ng taong to.
Nang makalapit ako roon ay nilagyan ko muna ang kamay ko ng alcohol. Saka na ako lumapit sa kanya para tingnan ang sugat niya.
Hindi naman masyadong malalim ang mga sugat na ito. Pero masakit pa ring tingnan e. Sigurado akong napakahapdi nito.
Hindi na lang ako nagsalita. Sinimulan ko na ang paggamot rito, nang narinig ko siyang nagsalita.
"Sorry for not showing on the past days."sabi niya. Abala pa rin ako sa ginagawa ko kaya napa 'okay lang'na lang ako. Anong klaseng sagot yon Milan?
"You have good grades, Ms. Milan." sabi niya. At dahil doon, sandali akong napatigil sa ginagawa ko. I have... good grades. Alam niya yon...
Syempre alam niya yon! Part ng isang sponsor ang tingnan ang grades ng grantee niya.
Nang nakabalik ako mula sa pagiging lutang dahil sa sinabi niya, ipinagpatuloy ko na ang paggamot sa kanyang mga sugat.
At saan naman kaya nanggaling tong mga sugat na to?
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. At maya maya pa, narinig ko siyang nagsalita.
"You know, I'm really attracted on you since the first time I saw you." rinig kong sabi niya. Kaya biglang nanginig ang mga tuhod ko, at hindi sinasadyang nadiinan ko ng hawak ang isa sa mga sugat niya.
"Fuck! It hurts!"
"S-sorry... Di ko sinasadya--- ahhhh!"
Bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ito, dahilan kung bakit na out of balance ako.
Napapikit na lang ako pero nakaramdam akong may kamay na nakahawak sa bewang ko.
"Fuck!" rinig kong muling pagmura niya. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng parang nakahiga na ako. Kaya naman, iminulat ko ang aking mga mata. Tama nga ako.
Now, he's on top of me. Nakahawak pa rin siya sa bewang ko, at mura lang siya ng mura.
"That hurts, young lady." he said. Alam ko... Kaya nga ako nag so-sorry e.
"Sorry na nga kasi--"
"I dont accept apologies." inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko, dahilan kung bakit ako kinabahan.
"Give me your number. And I'll forgive you." he said.
Give what? My number?!