kabanata 7

3.6K 63 1
                                    

Lorice's POV


Nasaan na ba ako? Iniwan lang ako ni Ford rito. Ang alam ko, pinarada niya yung sasakyan. Pero di siya bumalik rito. Saan kaya iyon dumaan?

Nandito na ako sa harap ng entrance ng kompanya. Pumasok na lang ako sa loob.

"Good morning maam." sabi ni manong  guard.

"Good morning ho." magtatanong na lang ako kung saang banda ang office ni Ford rito. "Ah, kuya, pwede po bang magtanong?"

"O, ano yun hija?"

"Hindi ko alam kung nasaan yung office ni Sir Ford. Pwede po bang magpasama roon?"

"Ah, kay Sir Ford. Okay po. Pero, ano bang kailangan mo kay Sir?" tanong niya.

"P. A. niya ho ako."

"Ganon ba? Teka lang. Dindie!" sabay tawag sa isang babae. Lumapit ito sa amin. Nang makita niya ako ay napatingin siya sa akin. Pero ibinalik rin ang mga mata kay manong guard kalaunan.

"Bakit ya?" tanong niya rito.

"Ihatid mo muna siya sa opisina ni Sir Ford." walang sagot ang babae. Tumango lang siya. Nang naglakad siya papalayo ay sinundan ko ito.

"Salamat manong guard" ngiti lang ang isinukli ni manong sa akin.

Itinuon ko ang atensiyon sa paglalakad. Ang laki naman ng kompanyang to. Ganito pala ang nasa loob ng building mga entertainment. Ang ganda.

Habang naglalakad kami ay panay ang tingin ko sa bawat kwartong nadadaanan namin. Pati na sa mga taong nakapila, sa practice room, at ilang opisina. Hanggang sa nakarating kaming dalawa sa harap ng opisina ni Ford, nang walang usapang naganap.

"Ito na yon. Katukin mo na lang. Baka nandyan na si Sir." sabay talikod niya at lumakad paalis. Magpapasalamat sana ako pero umalis na siya. Napa buntong hininga na lang ako.

Nasa tenth floor pala ang opisina niya.

Agad na akong pumasok at nakita si Ford na nakaupo roon. Naka ekis ang kilay niya at parang mas nagdlim ang paningin niya nang makita niya ako. Napa lunok-laway ako.

"And where have you been woman?!" medyo may kataasan ng tono niyang pagkakasabi.

"Iniwan niyo po ako roon sa--" bago pa man ako matapos magsalita ay tumayo siya. May dala siyang mga papeles.

"Give me your hand." rinig kong sabi niya. Kaya naman, tinaas ko ang dalawa kong kamay. At binigay niya naman sa akin ang mga papel na yon.

Medyo mabigat tong mga papeles na to.

"Now that you're my P. A., you only not do such stuffs like other P. A.'s do. Like I said, mahirap ang magiging trabaho mo." sabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Pero kung titingin siya sa akin ay siya namang pag iwas ko sa mga mata niya.

"Bring that papers to Kiel's office, now. And get back here after 15 minutes." yun ang sinabi niya, tsaka bumalik sa table niya.

Patay. Hindi ko alam kung saan yon.

"Go!" nagulat ako nang marinig iyon. Wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng opisina. Itatanong ko sana kung nasaan iyon pero wag na lang.

Ang sabi niya ihatid ko ito sa office ni sir Kiel. But goodness I don't know if where it is.

Palingon lingon ako at nagbabakasakaling may dumaan dito, kahit isang empleyado lang.

Napakagat labi na lang ako. Paano na ito?

Pwede akong bumaba at magtanong kung nasaan ang office ni sir Kiel. Tama! Iyon na lang ang gagawin ko. Kaya nagmadali akong naglakad para maibigay ko na ito pero nagulat na lang ako nang may bumangga sa akin.

Nahulog tuloy ang mga papel na hawak hawak ko. At naman! Kumalat ito sa sahig!

"Oh, sorry." napatingin ako sa kanya. Abala siya sa pagpulot ng papel at nang matapos iyon ay kaagad na niyang ibinigay sa akin.

Hindi ko alam kung empleyado siya rito. Mukhang hindi naman. Hindi na lang ako nagtanong sa kanya.

"Sorry." nang muli ko itong marinig ay may iba na akong naramdaman. Hindi ko alam kung bakit. Pero binalewala ko na lang iyon.

"Okay lang--" Hindi pa ako tapos magsalita pero may narinig na akong sumigaw, ng pangalan ko.

"Lorice!"

Sir... Ford?

Nabigla ako nang hawakan ako ng lalaking iyon sa aking kamay at hinila papalapit sa kanya. At nang tingnan ko si Ford ay bakas ang sobrang galit sa kanyang mga mata. Ewan ko kung bakit.

"So, your name is Lorice." hindi ako nakapagsalita.

Mas nagulat ako nang lumapit si Ford at hinawakan rin niya ang kamay ko. Hinila rin niya ako, dahilan upang mapayakap ako sa kanya.

Sumumsob ako sa kanyang dibdib. And I smell familiar manly scent that makes me remember all what happened one year ago. Damn!

Nahulog na naman ang mga papeles na dala ko. Pero hindi lang iyon ang inaalala ko. Parang may tensyon sa pagitan ng lalaking tumulong sa akin at kay Ford. Ewan ko ba.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon