kabanata 75

2.3K 34 0
                                    

Tracy's POV

"Asawa ng CHANSE member Ford, ligtas na isinilang ang isang baby girl." 

Nang buksan ko ang tv, ito ang bumungad sa akin. At labis na pagkainis ang naramdaman ko. Pero, hindi ko muna ito pinatay.

"Isang healthy baby girl ang gumulantang sa social media matapos i post ng co-member ng CHANSE na si Kiel ang larawan ng isang baby habang karga niya ito. Ang sabi niya sa instagram post, 'Ninong na naman ako. Salamat Ford!' Umani ito ang libu-libong papuri mula sa mga tagahanga ng CHANSE.

Kinumpirma na rin ng CHANSE member at TRIPLE A entertainment CEO na si Dragon Sandoval ang balitang ito.

"Matagal na hindi naging aktibo si Ford dahil sa mga importanteng rason, at isa na riyan ang nalalapit na panganganak ng asawa niya." -Dragon.

Nag viral kamakailan ang video ng CHANSE member na nagpropose sa kanyang girlfriend. Naglaho rin ito matapos ang concert comeback nila, at nabalitaang nagpakasal sa isang pribadong resort sa probinsya ng Bohol.

Sa ngayon, hinihintay pa ng media ang magiging mga pahayag ng CHANSE member."

Nagpakasal na siya? And they now have their child. At dahil doon, agad na napalitan ang sanang matagal ko nang plano. Pero, natitiyak ko namas maganda ang planong ito.

Halos ilang buwan rin akong namahinga mula sa showbiz. At sigurado akong hindi nila makakalimutan ang pagbabalik ko.

Dahil ang sunod na ibabalita na lang ay ang pagkaubos ng mga Tan.

"Its alsmost nine months, Tracy. And I think that's enough." rinig kong sabi ni papa. At tama siya. It is really enough. "Kailan tayo kikilos?"

Nang sinabi iyon ni papa ay naisip ko na sabihin ang bago kong plano.

"Kailangan din nating makuha ang batang to." sabi niya sabay bigay sa isang larawan. "Hindi lahat ng bata ay namatay sa masacre. Nakaligtas ang batang yan at maaring gawin nila yang witness."

Dahil sa narinig ko, sobra sobra na ang galit na nararamdaman ko. Bakit ba lagi na lang may sumisira sa plano ko?

Hindi ko hahayaang isang bata lang ang makakasira sa lahat ng pinaghirapan ko sa loob ng napakaraming taon. Hindi!

"I have a better plan." napatingin ako kay papa. "Ford just have his daughter, its a baby. At gusto kong gamitin ang batang iyon para makapaghiganti."

"You mean, you want to kidnap the child." sabi niya. And I nod.

"When?"

"Tonight, pa."

"Okay. I'll tell my men to be ready." I nod when I heard him said that.

Tonight, a girl namedTerresita, who lost her parents because of the Tan family will have her biggest revenge. Together with Lauro, who lost her lady love because of them.

Tonight, they will taste our revenge. And it will be their top nightmare.











Ford's POV

"Mana talaga to sakin e. O! ngumiti siya..." napangiti na lang ako nang marinig iyon mula kay papa.

Kakabisita lang nina lola at kuya Freed dito kanina. Pati sina Kiel, Steve at Dragon ay pumunta na rin dito. Maaga lang silang umuwi kasi dinumog ng mga reporter ang ospital.

Nag post kasi ng picture si Kiel habang karga niya si Faye.

"Ang cute talaga ni baby girl... Ano ngang pangalan niya?" tanong ni papa habang karga niya si Faye.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon