Lorice's POV
"Good morning, my wife." iyon ang agad na sumalubong sa akin. "Gutom ka na ba?" tanong niya sa akin. Tumango ako. And then I feel a kiss on my nape and cheek. He's so sweet. I like it.
"Medyo matagal akong makakauwi mamaya. Magiging busy kasi kami sa come back namin."
"Okay. Basta mag iingat ka, at wag kang magpagutom."
Hindi pa ako nakakabangon at sinimulan niya na namang halikan ang aking labi. I'll be preparing breakfast. Let's eat together."
I nod as an answer.
Bumangon siya. Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Alam kong umaga na pero napagod ako kagabi. So I decided to rest for little more time.
When I opened my eyes, naalala ko ang lahat, bago pa man ako makarating dito da puder ni Ford. Lahat ng paghihirap at lungkot. Pero sa bawat araw na naranasan ko yon, parang nasusuklian naman lahat.
P. A. lang ako dati, pero ngayon girlfriend na niya ako. Sobrang saya ko dahil hindi lang pala ako nag nakaramdam ng pagkagusto. We have same feelings for each other.
Napakasaya ko sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.
"NANDOON SI FUDGE SA OFFICE." sabi niya sa akin habang inaayos ko ang ang neck tie niya. "Dadalhin ko na siya rito mamaya. And also, punta tayo sa orphanage bukas. I already miss them."
"Sige."
Matapos naming kumain ay tinutulungan ko na siya sa pag aayos para sa pag alis niya. And with this, feeling ko para na talaga kaming mag asawa.
"Aalis na ako." isa pang halik sa pisngi at labi ang iginawad niya sa akin. Matapos non ay naglakad pa siya papalayo.
Nang makaalis si Ford ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Wala naman akong magawa rito. Wala pa si Fudge dahil mamaya pa siya uuwi.
Dahil walang magawa, kumuha na lang ako ng walis at maglilinis na lang ako rito.
Ilang minuto rin ang ginugugol ko sa paglilinis. Nilinis ko ang kwarto, banyo, kusina at sala.
Matapos noon ay nanood na lang ako ng palabas. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at may nag message sa akin.
"May nagbabanta sa buhay namin at ng mga bata, Ford. Tulungan niyo kami."
Nagbabanta? Sino naman yun? At sino tong nag text? Unknown number naman kasi kaya hindi ko alam kung sino ang nag send.
At maya maya ay nag ring muli ang phone ko kaya naman, sinagot ko ang tawag."Hello? Sino to--"
"Hello? Hello! Ford!"
"Too bad for calling for help, sister. Huling araw niyo na to." matapos ko iyong marinig ay may kasunod itong isang putok ng baril, at boses ng mga babae. Mga iyak at sigaw ang narinig ko.
Sister?
Maya maya pa ay sunod-sunod na ang mga putok ng baril na narinig ko. Rinig ko rin ang iyakan...ng mga bata. Sandali lang... Mga bata?
Kinabahan ako ng sobra sa mga narinig ko. Ngayon, hawak ko pa rin ang cellphone pero hindi na ako makagalaw. Biglang nanigas ang buong katawan ko. Hindi ko malaman kung bakit.
Hanggang sa wala na akong narinig na mga ingay. Maya maya pa ay bigla na lang nag end call. Kaya naman, kahit na nanginginig ang mga kamay ko ay di-nial ko pa rin ang number pero wala nang sumasagot.
Hindi ko alam kung sino ang mga yon. Pero ang mga boses nila, napakapamilyar.
Sister? Mga bata?
Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko matapos iyong marinig. Naisipan kong tawagan si Ford para sabihin kung ano ang narinig ko.