Kabanata 15

3K 59 0
                                    

Lorice's POV



"Ate Candy," sabay bigay sa pera, "Pasensya na at ngayon lang ako nakabayad."

"Okay lang yun. Kaibigan ko rin naman ang nanay mo. Naiintindihan ko rin naman ang sitwasyon mo. Pero... si Aiding lang ang pinoproblema ko."

"Mapapakiusapan ko pa naman ho siya, siguro."

Nabayaran ko na si ate Candy. Isa siya sa mga napagkautangan namin dati. Pati yung punerarya ay nabayaran ko na rin pero kalahati pa lang. Ang problema ko ngayon, yung nakatambak na bayarin sa ospital at kay manang Aiding.

May itinira akong kaunting pera para sa sarili ko.

Napa buntong hininga na lang ako.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay ay nagulat na lang ako nang makitang nakakalat na ang mga damit ko.

Agad akong kinabahan nang makita si manang Aiding na lumabas.

"Tutal hindi ka rin naman makabayad sa utang mo, kaya ibinenta ko na ang mga mapapakinabangan pang gamit. Tsaka," sabay turo niya sa mga damit ko. "Wala namang kwenta ang mga to kaya hindi ko na sinali."

Napaiyak na lang ako dahil sa nakita ko.

"Nako Lorice! Wag mo akong maiyak-iyakan dyan! Sawang sawa na ako sa mga ganyan mo! Kulang pa nga ang kinita kong pera sa pagbebenta ng mga gamit mo!"

Agad akong lumapit at lumuhod sa harap niya. "Maawa ka naman sa akin manang Aiding--"

"Hindi na tatalab yan! Singkwenta mil ang utang mo sa akin! Walang awa awa Lorice. Luging lugi na nga ako sa negosyo ko kaya palalayasin na lang kita sa bahay na to! Hindi ka naman makapagbayad kaya--"

Singkwenta mil? Trenta lang ang utang namin.

"T-teka lang ho. Trenta mil lang po ang utang namin. Bakit po naging singkwenta?"

"Umutang si Merda sa akin noong nakaraan."

Umutang si Tita Merda?

Nawalan ako ng lakas dahilan upang mapaupo ako sa dito sa daan. Umutang si Tita Merda. At ako ang magbabayad?

"Sige na! Lumayas ka na! Dalhin mo na yang nga gamit mo bago pa ako magkainteres na sunugin yan." sigaw niya sa akin.

Wala na akong magawa kundi ang pulutin isa isa ang mga gamit ko. Saan na ako titira nito? Wala pa akong sapat na pera para makahanap ng mauupahan. Paano na to?








Ford's POV

"LORICE Alli Deifin lost her mother one year ago. She's living alone and facing the debts of her family. kalahating milyon ang utang nila sa ospital. She still have remaining debt to the funeral home, and a widow named Aiding."

"That's all about her debts?"

"Yes, sir."

"Okay, thank you." and I ended the call.

Hindi alam ni Lorice na sinundan ko siya. And I was shocked... sa nakikita ko ngayon. She's crying and... kinukuha ang mga gamut niya na nakakalat sa daan.

Maya maya pa ay tumunog ang phone ko. And it's my mom calling. Kahit labag sa kalooban ay sinagot ko ito.

"What do you want--"

"Please come here son... I-I cant... breathe..."

What the hell!

"P-papunta na ako. Just open your GPS para ma-track ko ang location mo."

I ended the call. Nagmadali ako sa pag da-drive. I really need to hurry. My mom is in danger and I need to help her.

Nang makarating ako sa kung saan ako dinala ng GPS na to ay nakita kong nakabukas ang gate. Ano pa nga bang gagawin ko? Agad na akong pumasok.

Pati ang pintuan ng bahay ay nakabukas. That's why I entered. But, my heart's races suddenly gone when I saw her, drinking a glass of wine.

Fuck!

"Buti naman at sa pagkakataong ito ay dumating ka na talaga Fordan." nakaupo lang siya. Ako naman, nakatayo lang. Naisahan niya ako.

May katabi siyang babae. Hindi ko kilala kung sino siya. Her face wasn't familiar and whatever. I don't care.

"Siya nga pala, she is Gail--"

Hindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin at lumabas na ako ng bahay. Sabi ko na nga ba at may ipapakilala na namang babae ang magaling kong nanay.

Sabi ko na nga ba at ito na naman ang aabutan ko. I really should not believe her sa susunod.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon