Kabanata 63

2.2K 42 1
                                    

Freed's POV

Its already evening. Nandoon na ulit si Fordan sa hospital room kung saan siya nagpapahinga. Grandma was also there. She wants to have more time with him bago kami umuwi sa mansyon.

I'm still here, outside of Lorice's room. Hinintay ko na makabalik si Fordan sa kwarto niya. Kukumustahin ko lang ang dating nagustuhan ko, na ngayon ay magiging sister-in-law ko na.

"Are you my cousin's friend also?" napatingin ako sa kanya. And the one who spoke is a doctor.

I nod. Well, hindi ko alam kung tatanggapin ba niya ako as her friend but nothing is impossible, diba?

"Hindi pa naman siya tulog. You can visit her." nakangiti nitong sinabi. "O siya, mauuna na ako, Mr.?"

"Freed." sabay lahad ng kamay ko sa kanya.

"Mikael." then he accepted my hand. Matapos non ay umalis na siya. Ako naman ay pumasok na sa kwarto ni Lorice.

And I saw her. Hindi pa siya natutulog.

"Hey."

Nang nakuta niya ako ay kita ng gulat sa mga mata niya. Yeah, I know. Terrible kasi yung last naming conversation. Magkaaway pa kami ni Fordan noon.

"Dont worry, I have no bad intention to you. I just want to say 'congratulations'. I heard you're pregnant."

And she nod. "Thank you."

"Umm, I want to say sorry for what happened last time. And maybe, to start a friendship with you. Tutal, magiging sister in law rin naman kita. Wag kang mag alala, Fordan and I were okay."

Inilahad ko ang aking kamay. At tinanggap niya naman ito.

"Buti naman at okay na kayo." nakangiti niyang sabi. " Wala na yon. Sige, friends na tayo."

Thats it. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Napagtanto ko na bagay nga sila ni Fordan, and I'm happy for that. Ngayon, may tatawag nang kuya sa akin. Not just one, but a couple.

"Ate, nandito na ako."

Pareho kaming napatingin. At nanlaki ang mga mata ko nang muli kong makita ang nakapagandang mukha na iyon.

That lady, I saw her again! Hindi ako pwedeng magkamali! She's her! She's really her!

"O, Milan. Nandyan ka na pala." sabi ni Lorice.

Napangiti ang babaeng tinawag ni Lorice na Milan. Is Milan her name?

"A-ate, nakalimutan kong kunin yung cellphone ko sa opisina ni kuya e. Pwede bang kunin ko muna? Babalik naman ako rito."

"Oo naman."

"Salamat! Sige aalis muna ako." and she just leave in this room.

Hindi ko na malaman ang nararamdaman ko ngayon. I'm super hapoy because I saw her again. And at the same time, I'm really nervous.

"Hey, Lorice. Sino yon?" tanong ko sa kanya.

"A, siya ba? Si Milan yon. Pinsan ko." sabi niya.

Milan. What a beautiful name, for a beautiful girl.

"Bakit mo naman naitanong?"

"A-umm, nothing. Oh, I have to go." nagmamadali akong lumabas ng kwaro niya. Maybe I can follow that beautiful girl Milan.

"Sige, salamat ulit." I said.

"Welcome!" iyon na lang ang huling narinig ko at lumabas na ako ng kwarto.

Pero paglabas ko, hindi ko na siya nakita. Hindi ko rin naman alam kung saan iyon pupunta. Maybe I have to wait for her here?

Oh, yes! Tama! Maghihintay na lang ako sa kanya rito.

Ilang minuto rin akong naghintay rito. Hanggang sa muli kong makita ang napakaganda niyang mukha, nang malapitan!

Kaya naman, inayos ko ang sarili ko.

Pero, nagce-cellphone na naman siya e, gaya nung una ko siyang nakita. Lalampasan na sana niya ako. Pero, hinarangan ko siya sa daan, dahilan para tumingin siya sa akin.

Damn, she have beautiful eyes too!

"Excuse me, dadaan lang ako--"

Agad kong pinutol ang sanang sasabihin niya. I ask her name immediately.

"What's your name, pretty?" agad kong tanong. Usually, mga babae pa ang nagsasabi ng pangalan nila sa akin. Hindi ko lang alam sa kanya. Kung sasabihin ba niya ang pangalan niya sa akin.

I hope so.

"At bakit ko naman sasabihin sayo?" she just said what?!

Wala nang sabi sabi at binangga niya ako. Iniwan niya akong nakatayo lang at nakatulala.

"Unbelievable..." really unbelievable.

But... I found her more interesting.

Mukhang nakahanap na ako ng katapat ko. Someone that can challenge me. And I like it.

Well pretty, I will soon know your full name. Ms. Milan...

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon