kabanata 50

2.2K 37 1
                                    

Lorice's POV

Napagdesisyunan ko na mag stay muna sa unit nina Milan at kuya Mikoy. Ngayon nga ay nandito ako sa bahay para kumuha ng mga gamit. Naghihintay naman sina kuya at Milan doon sa baba.

Matapos kong mailigpit at mailagay sa maleta ang mga gamit ko, kaagad na akong bumaba dahil pupunta pa si kuya sa ospital. Kami naman, ihahatid niya sa mall dahil mamamasyal raw si Milan at gusto niya akong isama.

"Te, kayong dalawa lang talaga ang nakatira rito?" tanong niya. Tumango naman ako. "Grabe, ang laki ng bahay."

"A, may aso naman kaming kasama. Kaso, nagkasakit at ginagamot pa siya ngayon."

"Ganon ba..."

"Tara na?" rinig kong galing kay kuya. I nod.

Si kuya na ang nagbuhat sa maletang dala ko. Napaka gentleman ni kuya. Hays, sana talaga magka jowa na rin to ulit.

Matapos kong masigurado na off na lahat ng appliances, nakasara na ang mga bintana at naka lock na rin ang bawat pinto ay inilagay na ni kuya ang maleta sa kotse, tapos sumakay na kami at nagmaneho na siya.

Ihahatid niya muna kami sa mall.

"MILAN, SAAN UNANG DESTINATION NATIN?" tanong ko nang makapasok kami sa mall.

"Hmm, kain muna tayo."

I agreed. Gutom na rin kasi ako, kahit na alas diyes pa ng umaga. Ewan ko pero napapansin kong gustong gusto kong kumain. Laging nasa isip ko yon, di ko lang ginagawa.

Ewan. Ano na bang nangyayari sa katawan ko?

"Dun tayo Greenwich. Nagustuhan ko kasi yung lasagna doon. Okay lang ba?"

Tumango ako. "Oo naman." at nagpunta nga kami roon.

We walked, hanggang sa makarating kami roon. Pero, habang papunta kami, feeling ko may sumusunod sa amin. Ewan.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba ton o totoo. Kasi naman, may napansin akong lalaki kanina, nakapang business attire siya. Hindi sana ako magdududa pero dumadaan kasi siya sa mga nadaanan namin, which I found very weird.

Hindi ko na sinabihan si Milan. Baka matakot siya. Pasalamat ako at hiningi ko na ang number ni kuya Mikoy. Madali lang akong makakahanap ng tulong kung magkataon man, pero wag naman sana.

Isa pa, napakaraming tao rito. Hindi naman siguro ton kikilos dahil marami ang makakakita sa kanya diba?

Hay Lorice! Ano ba yang sinasabi mo!

"Ate?" napatingin na lang ako kay Milan. Hindi ko namalayang naka order na pala siya ng makakain.

Umupo siya sa tabi ko at nagtanong. "Okay lang ate? Gusto mo, ipa-take out na lang natin--"

"O-okay lang ako."

"Okay. Kain na tayo?" Tumango lang ako nang marinig ko siyang nagsabi non. We both started to eat.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil parang wala nang sumusunod sa amin dito.

"Hay, medyo marami palang tao rito no. Doon kasi sa Bohol, hindi naman masyadong maraming tao kapag nagpupunta kami ng mall ni kuya."

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Ilang minuto rin ang itinagal namin doon. Habang kumakain ay nagkukwento siya sa naging buhay nila roon habang wala kami, mga ganap sa pag aaral niya, nagiging crush niya, at ang kalagayan nina mamang at papang.

"Miss ko na talaga sila. Hayaan mo, kapag umuwi na rito si Ford, magpapaalam ako sa kanya na magbakasyon na muna sa Bohol."

"Maganda yan. Yiee! Excited na ako!"

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon