WAKAS

2.8K 45 1
                                    

Lorice's POV

Matagal na ring panahon ang lumipas mula nang nangyari ang lahat ng iyon. At matapos ng mga yon, naging masaya na ang pamumuhay naming mag asawa, kasama ng mga anak namin.

Hindi ko alam kung bakit hindi na ako ginugulo nina Tita Merda at ng step father ko. Hindi ko na rin sila nakita. Pero isang araw, napag alaman ko na lang lumipat na pala sila ng ibang matitirahan.

Si Aling Aiding naman, hindi na rin naman niya ako ginugulo. At nagpapasalamat naman ako dahil doon.

Naalala ko rin sina Aunt Violet at Gail. Sabi ni papa, hindi na raw muna sila babalik dito sa Pinas. Masaya ako para sa kanilang dalawa, dahil natanggap na raw ni Gail si Aunt Violet bilang ina niya.

Nang mamatay ang mga magulang ni Ford, napakalungkot niya. Kaya naman, nagpapasalamat talaga ako sa mga anak namin, at sa lahat ng nagmamahal sa kanya dahil heto na siya ngayon at ngumingiti kasama namin.

Mas natuwa pa nga ako dahil sabi ng nanay ni Ford sa kanya na tanggap na niya raw ako bilang asawa ng anak niya. Hindi man kami masyadong nagkakilala noon pero masaya ako dahil sa mga salitang iyon.

Sapat naman na sa akin ang mga yon.

NAKARAMDAM AKO ng halik sa aking pisngi. Galing yon sa asawa ko, dahilan kung bakit ako napangiti.

"Ang lalim yata ng iniisip mo." napatingin ako sa kanya.

"Hindi naman."

Ngayon ay nasa bahay na kami. Katatapos lang ng binyag ni baby Faye sa simbahan at nandito nga kami, kasama ang mga mahal namin sa buhay, sa isa sa mga pinaka importanteng pangyayari sa buhay namin.

Kita ang tuwa sa mukha ng mga bisitang naririto, lalo na sina mamang at papang na talagang bumisita rito sa Maynila para makita si baby Faye, at makilala si Lu.

"Arang gwapaha jud sa imong mga anak day." Napakaganda talaga ng mga anak mo, hija.

Napangiti na lang ako nang marinig ang sinabi ni mamang.

"Bisita pod sa probinsya nato ushay ha." Bumisita rin kayo sa probinsya minsan ha.

"Opo, mamang."

Napangiti siya, at nabaling ang tingin kay Ford. "Ampingi ni si Ayang ha. Pinangga jud ni namo sa iyang papang." Ingatan mo itong si Ayang ha. Mahal na mahal talaga namin siya ng papang niya.

"What did she say? And who's Ayang?" bulong ni Ford sa akin.

"Ako si Ayang. Palayaw nila sa akin yon doon sa probinsya. Tsaka sabi ni mamang, ingatan mo daw ako kasi mahal na mahal nila ako."

Kaya agad niyang tiningnan si mamang at ngumiti. "Opo naman, mahal na mahal na mahal ko po siya. Aalagaan at iingatan ko po siya..."

Dahil sa sinabi niya, mas napangiti niya si mamang.

"Yang, adto sa ko sa imong kuya Mikoy ha." Yang, doon muna ako sa kuya Mikoy mo ha.

"Sige, mamang."

Nang makaalis si mamang ay natuon naman ang atensiyon ko kina papang at papa. Karga karga ni papa si baby Faye at naglalaro naman sina papang at Lu.

Kapag nakikita kong ganito kasaya ang pamilya nakita kong ganito kasaya ang pamilya ko, sumasaya rin ako.

Sa tingin ko, ito na ang ganti ng Diyos sa akin matapos kong maranasan ang lahat ng mga paghihirap na iyon.

Sobra sobra pa ang ibinibigay niya, at nagpapasalamat ako dahil doon.

Hindi ko man masyadong naranasan ang ganito kasayang pamilya noon, at hindi ko na rin kasama si mama sa mga oras na ito, alam na alam kong sobrang masaya siya para sa amin, sa akin.









Ford's POV

I AM HAPPY. No, more than happy. Kasi, kahit wala na ang mga magulang ko, alam ko namang may mga nagmamahal pa sa akin ngayon.

My wife, my kids, and my whole family.

And I am contented with this.

Yakap yakap ko lang ang asawa ko habang pareho kaming nakatingin sa mga bisita na abalang abala sa pagtingin kay baby Faye, at kay Lu.

And I know God knows how thankful I am for giving this life, even I'm not worthy.

Pero sabi nga ng maganda kong asawa, worthy naman tayong lahat. And I believe her.

Naalala ko kung paano kami nagkakilala, at kung paano ko siya nakuha. On how I got crazy in finding her, hindi ko man lang nalalaman na nasa tabi ko lang pala siya.

For me, that was all His plans. At nagpapasalamat ako dahil bawat hakbang ko pala patungo sa hinaharap ay napakaganda. At hanggang ngayon ay hindi ako nagsisisi sa pinaka unang pangyayaring iyon.

'Personal assistant ko siya. And my eyes don't want to lose her. She's just my P.A. but... why I'm so fucking in love with her?'

Ito ang mga linyang hindi matanggal tanggal sa isip ko dati. P.A. ko lang siya dati, pero ngayon katuwang ko na siya sa buhay.

Dati, ayaw lang matanggal ng mga paningin ko sa kanya. Ngayon, hinding hindi ko na tatanggalin, at wala akong balak tanggalin.

She's just my P.A., pero iminulat niya ako sa tunay na kahulugan ng buhay, at pag ibig. Tinuruan niya akong tanggapin ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan ko, at kung paano tatanggapin ang Diyos sa buhay ko. Ipinalabas niya ang tunay na ako.

Why I'm so fucking in love with her? Because she got all what I wanted, and I needed. She's a total package. Beauty inside and out, amazing, strong, faithful and a soft hearted person.

I love everything on her.

At hindi ako nagsisising tinanggap ko siya sa buhay ko.

Napatingin ako sa napakaganda kong asawa. And she smiled. And everyday, her smiles getting more sweet. She's getting more beautiful everyday.

"I love you, wife. I love you only."

Nakangiti naman siyang sumagot. "I love you too."

Then I kissed her forehead, and of course her lips. And she kissed me back. I'm really complete.

I wish no more. Dahil masaya na ako sa pamilya ko. I have my friends, my loved ones that are always there for me. And now, my own family that will love me, and give all happiness in my life.

I will use my strength to protect you all, to love you with all my heart, and to fight for you.

Loving God, I never regret every single thing in loving this amazing and beautiful woman. I will be forever give thanks to you for all of this. Thank you!

I love you too much. I cant live without you. Heaven is my witness, and that is a fact. You are the answer to all the prayers from my heart. All of me is yours.

Lorice Alli Delfin Torres Tan, ikaw lang ang mamahalin ko habang nabubuhay ako, wala nang iba.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon