Lorice's PoV
INIWAN na talaga ako ni mama ngayong araw. Katatapos lang ng libing niya at tumambad na naman ang sandamakmak na mga utang namin mula noong naospital siya hanggang nailibing.
Ang magaling na tatay ko naman, nahuli kong kahalikan si Tita Merda na matagal na niyang kabet. Ngayong araw ko pa talaga sila mahuhuli. Mga walang hiya!
Nakita ko rin sa social media ang mga pictures ng mga kaklase kong graduate na ngayon sa college.
Wala na. Ako na lang mag-isa. Ang makakasama ko na lang sa buhay ay ang mga talak ni Aling Aiding araw-araw, at itong mga utang. Nakakainis!
Ngayon ay naimbitahan ako ng isang dating katrabaho dito sa club. At dahil marami akong problema, naisip kong ibuhos na lang ito sa pamamagitan ng alak.
"Kuya..." pagtawag ko sa bartender. "Isang daiquiri--" napalingon ako nang marinig ang boses ng isang lalaki. Sabay namin iyong nasabi. Coincidence lang siguro.
Tumabi siya sa akin. Parang pamilyar ang mukha niya.
Agad niyang ininom yung alak nang makaupo siya. Ako naman, hindi pa rin maalis ang mga tingin ko sa kanya.
"One more." sabi niya nang maubos ang daiquiri sa baso niya. Binigyan naman siya ni kuya bartender.
Nang tumingin siya sa akin ay umiwas ako ng tingin. Ininom ko na lang yung daiquiri sa baso ko.
Inilapag ko ang baso. Tinitigan ko ito ng ilang sandali. Dito ay naalala ko na unang beses ko pa palang makainom ng alak, at daiquiri ang pinili ko dahil nakita ko rin si mama na uminom nito dati.
Sumikip ang dibdib ko. Namalayan ko na lang na pumatak na ang mga luha galing sa mga mata ko. Pero, hinayaan ko na lang muna ito.
"Broken hearted?" napatingin ako sa kanya. Pinunasan ko ang luhang nasa pisngi ko at umiling.
"May mga problema lang."
Pamilyar pa rin talaga ang mukha niya. Pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.
"Give me one bottle of that, please." sabay turo doon sa alak. Hindi ko na alam kung anong alak iyon. Nang mailapag ito sa harap naming dalawa ay nagsalin siya ang alak sa baso niya. "Want some?"
Inilapit ko ang aking baso at nilagyan niya rin ito. Tapos ay itinaas niya ang basong hawak niya. "Cheers?"
"Cheers."
"Ganyan naman kasi kayong mga lalaki. Manliligaw tapos manloloko, tsaka mang iiwan." tapos ininom ko ang alak na nasa baso.
"Not all. And definitely not me." uminom rin siya. "My girl actually left me."
Natahimik ako. Talaga?
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Sa mukha mong ito, iiwan ka? Gwapo ka naman at mukhang may pinag aralan kaya... imposible."
"It's true. She left me. I proposed to her earlier and she rejected me... and walk away."
"Sorry."
"It's okay." Iniwan pala talaga siya.
Binitiwan ko ang kanyang mukha at sinalinan niya ng alak ang baso ko. Sinalinan rin niya ang sariling baso at sabay kaming uminom.
Nakakailang bote na kami pero parang hindi pa rin kami nalalasing. Ewan ko, dala lang siguro ito ng mga problema namin sa buhay.
"You're pretty." sabi niya.