Lorice's POV
"You always like to take away everything to me." nagtama ang mga mata namin ni Ford. Pero di kalaunan ay nagsalita siyang muli.
"But not this." he said.
You always like to take everything to me? But not this? Anong ibig sabihin ng mga iyon?
Napatingin ako sa lalaki. Nakangiti lang siya. Nang tingnan ko si Ford, galit pa rin ito.
"Why the hell you're here?" rinig kong sabi niya.
"Chill, I just want to give you this." sabay bigay kay Ford ang isang invitation letter.
Kinuha naman ito ni Ford. Pero nang makuha ito ay hinawakan niya ang aking bewang at tumalikod kaming pareho. Nang naglakad siya ay siya ring paglakad ko.
Hindi ko alam kung bakit nagkaganito siya. Pero sa tuwing dumidikit ako sa kanya, lalo na't hinawakan niya ang bewang ko ay nagsisitayuan ang mga balahibo ko.
This touch was same as what he did year ago.
Nang makapasok kami sa opisina ay ni-lock niya ang pinto at nagulat na lang ako nang isandal niya ako sa pintuan. Napapikit ako dahil nakaramdam ako ng kaunting kirot sa likod.
Nang imulat ko ang mga mata ay tumingin ako sa mga mata niya. Nakatingin rin siya sa akin.
"I said get back here after 15 minutes! And why you are fucking talking with that man!?" galit niyang sinabi.
Gumapang ang kaba sa dibdib ko. Pero bakit parang sobra ang galit niya? Galit lang ba siya dahil natagalan ako? Hindi naman ako nakipag usap sa lalaking iyon.
"Sir, kasi--"
"Just... shut up." tumahimik na lang ako.
"Damn!" rinig kong sigaw niya.
Nang umalis siya ay nagtungo siya sa table niya at binasa ang invitation na ibinaigay sa kanya. Matapos noon ay muli akong nakarinig ng mura galing sa kanya.
Nakita ko na lang siyang hawak ang phone niya.
"Clean those papers on tenth floor and get my car ready." sabi niya. Matapos noon ay inayos niya ang kanyang buhok at tiningnan ako, from head to toe.
Binuksan niya ang pinto. Isinara rin niya ito. Tumingin siya sa akin. He hold my hand at muling binuksan ang pinto.
Nang makalabas kami ay wala na ang mga papel na nakakalat. Patuloy pa rin siya sa paglalakad at sumunod lang ako, without saying a word.
Hanggang sa makarating kami sa parking lot ng building. At tumambad sa akin ang isang limousine.
"Get in." rinig kong sabi niya.
"Saan po tayo pupunt--"
"I have three big rules, lady. I don't want getting late. I Don't want to hear questions. Just shut up and do everything as I say. Now get in and don't ask."
Pumasok na lang ako sa loob ng sasakyan.
Tahimik lang ako habang nasa loob kaming dalawa. Siya naman ay para bang nag iisip, at tututok sa phone niya. Ewan ko pero minsan ay nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin.
May dumi ba sa mukha ko?
Hindi nagtagal ay huminto rin ang sinasakyan namin. Bumaba kaming pareho at tumambad sa akin ang isang mall. Bakit kami nandito?
Nang pumasok kami sa loob ay wala akong nakita ni isang customer na naroon. Tanging mga staff at empleyado lang ang narito.
Napunta kami sa isang clothing store. May babae roon at nang makita kami ng babae ay agad niya akong inasikaso. At para saan naman to?
"Ako nang bahala rito Sir." sabi nung babae at tumango lang siya. Teka, ano ba to? Para saan ba to?
Ford's POV
THIS invitation is from my father. And ime sure na irereto niya na naman ako sa mga anak ng mga kumpare niya. And I don't want want it.
Medyo nairita ako kay Lorice. But damn this mind! Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko kapag nariyan siya. Magagalit ba o maiinis.
Pero, sakto rin ang pagdating niya sa puder ko. She's my P. A. and I can be with her everyday. Kaya nga narito kami sa mall na nirentahan ko, para mamili ng isusuot niya for that party.
And everyone will never ask my father for me to marry their daughters.
Umupo ako sa sofa. Naalala ko kung anong nangyari kanina. Nang hawakan ko ang kamay niya ay nakaramdam ako ng kakaiba. It feels like... there's a memory that we shared together pero hindi ko lang alam kung siya nga ba ang kasama ko.
Hindi ko matandaan.
Pero, napakapamilyar talaga niya.
"Here she is, Sir."
Nakatingin ako sa isang magazine. Natuon ang aking atensiyon dito habang naghihintay kay Lorice. And when I saw her, I just... can't take off my eyes on her.
She's... stunning!
She's wearing a red fitted gown. At bagay na bagay iyon sa kanya.
"Sir, okay lang kayo?" rinig kong tanong niya. "Gusto niyo, palitan ko na lang to?"
"N-no. That's fine." hindi ako makatingin sa kanya. Tiningnan ko na lang ang oras sa relo ko. "Do her make up, please."
"Sige sir." nang naglakad na sila ay tsaka ko lamang ibinalik ang aking mga mata sa kanya.
She's very simple in terms of fashion pero kung mabibihisan ng maayos, lilitaw ang sobra niyang kagandahan.
Shit Ford! Ano bang sinasabi mo!
Ilang minuto pa ang lumipas at may nakita akong babaeng naglalakad. When I saw her face, I was more than amazed. Hindi ko alam kung ngingiti lang ba ako o tititig sa kanya.
She's gorgeous.
"Perfect." wala sa isip na lumabas mula sa labi ko.
"I-I mean... Natapos na rin sa wakas. Tara na."
Hindi ko na siya tiningnan pa. Baka matulala lang ako. Kaagad na akong naglakad papalabas ng mall. Naghihintay na rin ang limousine na sinakyan namin. Also, mag aalas sais na ng gabi.

BINABASA MO ANG
One Night Love
قصص عامةOne night love, a year ago, they met after both hearts got broken. Intoxicated, CHANSE member Ford Tan started to fuel their desires with a kiss. Mula noon, hindi mabura sa isip ng binata ang pinagsaluhang init nila ng misteryosong dilag. For him, t...