Lorice's PoV
Napakayaman talaga siguro ni sir Ford. Kasi naman, napaka engrande ng mga party na pinupuntahan niya. Hays.
Pero, medyo akward lang. Kasi naman, pinagtitinginan kami ng mga tao. Ewan ko kung anong meron sa akin kaya nila ako tinitingnan.
"Siya yata yung tinutukoy ni Ford sa conference kanina."
"Siguro. Akala ko pa naman, tambalan nina Tracy ay magkakatotoo, di pala."
"Mas maganda naman si Tracy sa kanya."
"Hayaan mo na sila sa mga pinagsasasabi nila. Dont mind them." rinig kong sabi niya. Napa-'okay'na lang ako.
"You're beautiful tonight." napangiti niya ako dahil doon.
Hindi ko na inalala yung mga narinig ko kanina. Basta kasama ko si Ford, ayos na.
Nang makarating kami sa venue ay panay lang ang dikit sa akin ni sir Ford. Hindi niya ako iniwan di gaya nung nagpunta kami sa isang party last time. Weird but... I like it.
"Fordan!" napalingon kami nang marinig ang boses na ito. And when I saw his face, nagulat na lang ako. Oh my!
Siya yon! Siya yung lalaking nakasabay ko sa elevator! Teka... Siya rin yung lalaking naghatid sa akin sa condominium. At ngayon, he's so elegant sa sout niyang black tuxedo.
He's... rich. Then, why he's on that place? At hinatid pa niya ako?
"Is she your... girlfriend?" tanong niya. Agad namang sumagot ng 'oo'si Ford. Di ko mapigilang ngumiti.
Tiningnan ako ng lalaki. I forgot his name pero no his face. I know he is that man.
"Ikaw nga yon... Yung sa condominium, at sa parkingan ng motor, right?" tanong niya.
"Opo. Teka, ikaw talaga yon? Di ako makapaniwala. Ang yaman niyo ho pala!" nang nasabi ko iyon ay ngumiti siya.
"It's nice to see you here hija. Ikaw pala ang girlfriend ng anak-anakan ko." hindi matanggal ang ngiti sa mukha niya. "Magaling kang pumili, Ford."
Maya maya pa ay may mga kaibigan na ang lalaki na lumapit sa kanya dahilan upang umalis kami ni Ford sa kinatatayuan namin.
Narinig rin namin ang isang magandang musika at nakikita ang mga panauhin na sumasayaw."May I have this dance?" tanong niya. Tumango lang ako bilang tugon.
Mas lalo akong kinilig dahil magandang kanta ang pinapatugtog gamit ang saxophone. Beauty and the beast.
"May I ask something?" tanong niya sa akin. "I want you to be honest."
"Si-sige."
"Do you find me so strict since the first day of your job?" tanong niya.
"Baka magalit ka sir--" napailing siya.
"No, I'll not."
"Yung totoo, oo. Lalo na nung nasa office tayo... Tsaka nung sumakay tayo ng motor mo. Yun lang naman, siguro..."
Napayuko na siya. "May nasabi po ba akong mali, sir?"
"Wala naman." hinigpitan niya ng kaunti ang paghawak sa kamay ko. "Pwede pa akong magtanong?"
"Oo naman."
"Kung may mag offer man sayo na magtrabaho sa kanya, bigger salary and more offers, tatanggapin mo ba?"
Hala... Bakit nagtatanong si sir sa akin ng ganito?
"Umm," tiningnan ko siya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hinihintay kung ano ba ang isasagot ko sa tanong niya. Mas napangiti ako dahil doon.