Lorice's PoV
"Ano hong kailangan niyo, maam?" tanong ng guard na ngayon ko lang nakita.
Nandito ako sa labas ng bahay ni papa. Ibibigay ko lang ang sulat. Hindi ko alam kung tama ba talaga ang naging desisyon ko. Pero, sana lang hindi ko pagsisihan to.
"Manong, pakibigay po ito kay pa-- Mr. Torres, pwede ho ba?"
"Okay po." ibinigay ko ang sulat, at ang kwintas na ibinigay ni kuya Mikoy sa akin. "A maam, anong pangalan po yung sasabihin ko kay sir?"
"Lorice, ho. Salamat."
May pinapirmahan siya sa akin. Matapos noon, umalis na ako.
Nag iisip pa ako kung saan na ako titira. Kasi naman, iniwanan ko rin ng sulat si Ford. Hindi na rin ako dapat na nasa tabi niya dahil sa desisyon ko.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang lahat ng ito.
Iniwan ko ang cellphone na binigay niya sa akin no'n. Ang gamit lang na pag aari niya na dala dala ko ngayon ay ang singsing na binigay niya sakin.
Sorry talaga, Ford.
Doon na rin siguro ako titira sa unit nina kuya Mikoy. Tapos, magpapatulong na lang ako para makapunta ng probinsya. Iyon na lang kasi ang paraan para makalayo na ako at hindi ko na siya masaktan pa.
"ATE AYANG, SIGURADO KA SA GINAWA MO? TALAGANG GINAWA MO YON?" tanong nang tanong lang sa akin si Milan.
Hindi na ako sumagot pa. Tango lang ako ng tango. Iyon lang ang tanging sagot ko sa bawat tanong niya sa akin.
"Ayang, sabihin mo nga ang totoo." rinig kong sabi ni Kuya Mikoy. "Hindi pwede yan. Iniwan mo yung tao do'n. Pag gumising yon,hahayaan mo lang siya na bumasa ng sulat na nagsasabing 'hiwalay na tayo'. Hindi ganon ka simple para sa isang lalaki ang bagay na yon. Kaya sabihin mo sa akin kung bakit mo nagawa yon."
Nang narinig ko si Kuya na nagsasalita, tumatama sa puso at utak ko lahat ng mga sinabi niya. Kaya naman, hindi ko na talagang napigilang umiyak.
"Ayang..." nakaramdam ako ng may yumakap sa akin. "Sabihin mo kay kuya ang problema, at tutulungan kita."
"Kuya..." now, I cant stop crying. "Hindi naman kasi madali ang sitwasyon e."
"Ano ba ang nangyari?" tanong niya.
"May kapatid ako sa ama. At nasa panganib ang buhay niya. Sabi ni papa, na trauma daw si Gail. At kahit na ano ang hiling niya, dapat ibigay. Kuya, mabuti kung gamit yung gusto niya pero hindi e. Si Ford yung gusto niya. Kung hindi ko hihiwalayan si Ford, magpapakamatay si Gail."
Sandaling natahimik ang paligid.
"Ayaw kong hiwalayan si Ford kuya. Kaya, iniwan ko lang siya doon. Alam ko, maiintindihan niya naman ang rason ko, siguro. Alam kong mali, pero hindi ko rin naman gustong may mawalan ng buhay dahil lang sa akin."
"Ayang..."
"Mali ba ang ginawa ko?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam. Pero, ang maipapayo ko lang talaga, kausapin mo siya ng maayos tungkol sa bagay na iyan. Ayang, alam kong mahal na mahal ka ng kasintahan mo. At ang ganyang mga lalaki, mababaliw yan sa paghahanap sayo."
Kinabahan ako sa sinabi ni kuya. Pero kapag makikita ko kasi si Ford, hindi ko talaga kayang iwan siya.
Hindi ko alam... Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Ford's POV
Shit! What the hell is this?!
Nang nagising ako, nakita ko na lang ang sulat na ito sa tabi ko. Its from... Lorice.
For words, but it caused a lot of worry, fear, and every emotion na hindi ko gustong maramdaman. But now, I feel it."Sorry, Thank you, Goodbye." -Lorice
Ano to?!
Agad akong bumangon at hinanap siya sa buong bahay. Pero, wala siya. Nag aalala na ako. Natatakot na ako. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko.
I tried to text her many times, call her many many times but she's not answering.
Bumalik ako sa kwarto. I called her once again pero may narinig akong nag ring. Hanggang sa nakita ko na lang ang phone niya na nasa kwarto lang pala.
Damn! Where are you, wife?
Mula kanina hanggang ngayon ay naghihintay lang ako sa kanya rito. I just sit here on the sofa and waited for her to come back.
Maya maya pa, may narinig akong nagbukas ng pinto.
Its her!
Agad na akong lumapit sa kanya. I hugged her. "Saan ka ba galing? Alam mo bang kanina pa ako nag aalala sayo? Thank goodness, you came back--"
"Nabasa mo yung sulat ko..." she said. But, I didnt mind it.
"Wag ka na ulit aalis."
"Alam kong nabasa mo ang sulat ko, Ford."
"Fine. I read it. But I dont care--"
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Hindi ko alam kung para saan ang sulat na iyon. Hindi ko alam kung bakit niya iyon iniwan sa akin. I have no idea.
"Para saan yon? Why did you gave me that letter?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan.
She didnt answered. Pero, umiyak siya. Kaya naman, hindi ko na inulit ang tanong ko.
"Sorry..." she didnt stop on crying. Napaupo siya sa sahig. I hurriedly help her to stand up again.
"Sorry.... Sorry...." she keeps on saying sorry. Pero, bakit?
"Lorice..." I hugged her. "Tell me, anong problema."
"Kilala mo si Gail, diba?" who's that? Yung isa pang anak ni papa Antonio? At bakit nasali siya rito?
"Sabi ni papa, bumalik daw yung trauma niya dahil sa nangyari sa kanya dati. At kung hindi masusunod ang mga gusto niya, papatayin niya ang sarili niya. Hindi alam ni papa ang gagawin kaya sinabi niya sa akin na... makipag break ako, sayo."
What?!
I cant believe to all what I heard. No way! Hindi ako papayag na mag break kami! No!
Tiningnan ko siya sa mga mata niya. And I wiped her tears. "Gusto mo ba akong hiwalayan?" tanong ko.
"Hindi... Pero--" hindi pa siya natatapos magsalita ay hinalikan ko na siya.
"Pero?"
"Buhay ng kapatid ko ang kapalit--" I kissed her again.
"I dont care."
"Ford..."
"Kung takot ka na mawala yung babaeng yon, mas takot akong mawala ka sa buhay ko."
"Pero, kapatid ko siya."
"At mahal kita. And if you want to break up with me, hindi ako papayag. Not a chance. Hindi ako papayag na hindi ka sumaya dahil lang sa babaeng yon."
I claimed her lipa once again, and she kissed me back. I know... I know she loves me and she dont want to break up with me. Hindi rin naman ako papayag.
"Pero...paano na to? Pumayag ako sa sinabi ni papa na hiwalayan ka."
"I'll talk to him. And whether he like it or not, hindi ako makikipaghiwalay sayo. Never."
And after I said that, she hugged me. I hugged her.
"Sorry ulit..." rinig kong sabi niya. "hindi na ako aalis."
"Alam kong hindi mo ako iiwan."
Nang kumalas kaming pareho sa pagkakayakap sa isat isa, kinuha ko ang singsing na binigay ko sa kanya. I hold her hand and isinuot ito sa kanya.
"Damn, dapat pala pinakasalan na kita agad."
"Ford naman e..." napayuko siya. "Sorry na ha... Wag kang magalit sa akin."
"I'm not mad." I kissed her forehead. "I love you."
"I love you too."
That's it. Sorry Lorice, I know that you're so kind and selfless, but I'm not. I'm selfish. At para sayo lang ako. Para sa iyo lang.