Lorice's POV
Uuwi na sana ako sa bahay nang imbitahan ako ni kuya na kumain muna, sa apartment raw na inuupahan niya.
Pinsan ko naman to. Isa pa, ang tagal ko na rin siyang hindi nakakasama kaya naman, bonding na rin ito para sa aming mag pinsan.
Nandito kami sa grocery department ng mall. Good thing its still eight kaya hindi pa ito nagsasara. Nandito kami dahil mamimili siya ng ingredients para sa lulutuin niya.
"Husband material ka. Tanong ko lang, may girlfriend ka na ba?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Dati, pero nag-break din kami insan. Matagal na rin akong single."
"Ay, sorry."
"Okay lang."
"May kakilala ako, kaibigan ko. Gusto mong ipakilala kita sa kanya?"
Ngumiti siya. Hindi siya nagsalita at umiling iling na lang. Dahil siguro yon sa sinabi ko. Mayamaya pa ay umabot ang usapang lovelife ko.
"Ikaw, naa na ba kay uyab?" Ikaw, may boyfriend ka na ba?
Tanong niya. Syempre, tumango ako at ngumiti. Ipinakita ko rin ang singsing na bigay ni Ford sa akin.
"Hala! Ikakasal ka na? Ang bilis talaga ng panahon no. Pero, nasaan naman siya?"
Bigla kong naalala si Ford. Nasa ibang bansa siya ngayon. Ewan ko, nakailang text na ako sa kanya pero, ni isang reply ay wala akong natanggap galing sa kanya.
Hindi pa siya nag te-text. Kahit isang tawag, wala akong natanggap. Bakit kaya hindi siya nag rereply? Bakit hindi niya ako tinatawagan?
Nag aalala tuloy ako palagi. Hays, baka busy siya.
Sobrang nami-miss ko na siya.
"Okay ka lang?" tanong niya. Tumango ako. "Tara na, tapos na akong kumuha ng ingredients. Bayaran na natin to sa counter."
I nod, then followed him.
After that, agad na kaming naglakad papalabas ng mall at sumakay sa kotse niya. Grabe, yayamanin na tong insan ko.
Mahigit kalahating oras din ang naubos bago kami makarating sa inuupahan niyang apartment-- condo? Teka, familiar ang condominium nato.
Dito nakatira si Ford dati.
Ano to, coincidence?
"Tara na." nakita ko na lang siyang lumabas ng kotse. Doon na ako bumalik mula sa lutang kong isip.
"Ha? A-oo." saka ako sumunod.
Naglakad kaming dalawa papasok. Nag iba ng kaunti ang itsura ng condominium. Mas gumanda na ito.
"Saang floor ka nakatira?" tanong ko nang nasa elevator na kami.
"Third floor." napatango ako.
Matapos non ay katahimikan muna ang bumalot sa amin at sa tuwing magkakatinginan kami ni insan ay pareho kaming napapangiti.
"Lets go." sabi niya. Sumunod naman ako. Hanggang sa makarating na kami rito sa third floor. At yung unit niya, nasa bandang dulo rin.
Tumalikod ako nang nag type siya ng password. Pati security, nag improve na. Hindi kasi ganyan ang security rito dati, yun ang naaalala ko. Hays, ewan.
Una niya akong pinapasok nang mabuksan niya ang pinto. Pero, nagulat ako nang may narinig akong boses ng babae.
"Kuya! Nandito ka na pala!"
Napatingin ako kay kuya. "Is that... Milan?" then he nod. Oh my!
Akala ko siya lang mag isa. Pero kasama niya si Milan! Agad akong nagtungo sa sala at nakita ko ang isang babae. Si Milan nga!