kabanata 30

2.6K 57 3
                                    

Lorice's POV

"What's your full name hija? And how old are you?" tanong niya sa akin.

"Lorice Alli Delfin po."

Nang matapos kaming maghapunan ay dinala ako ni lola rito sa hardin. Ewan ko kung bakit.

"You have a beautiful name, just like your face." she said. "Can I ask you more hija?"

"Oo naman po."

"What's your family business?" tanong niya.
"Can you tell me about your mama? Your papa?"

Nalungkot akong bigla. Wala na akong pamilya, maliban sa malayong kamag-anak ni mama na nasa probinsya. Lalo na nang sabihin niya ang salitang mama at papa.

"Ang totoo pos kasi..." Sasabihin ko na lang ang totoo. "Mahirap lang po kami."

Matapos kong sabihin iyon ay tumahimik ang buong lugar. Kinabahan ako. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Akala ko, hindi na ako kakausapin ni lola pero naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko.

"Continue, I'll listen."

"Patay na po si mama. Si papa naman po, may ibang babae. At ako, hanggang ngayon ay nagbabayad pa rin ng utang na naiwan sa akin."

Humarap siya sa akin. She smiled at me na para bang wal siyang narinig ni isa sa mga sinabi ko.

"I like your simplicity, hija. I like your voice, and I like your honesty. Alam mo, you're one of the very good gifts that my grandson received, even is he's a stubborn child."

"Salamat po."

"Sabihin mo, anong nagustuhan mo dyan sa pasaway kong apo?" tanong niya.

Natawa ako. "Pasaway si Ford?"

"Sobra. Ngayon lang yata yan bumait. Napakapasaway ng batang yan dati. Even his parents, hindi yan masaway. Pero ngayon, malaki na siya at may girlfriend na, but still, he's a stubborn." Pareho kaming nagtawanan dahil sa sinabi niya. "Now tell me how you like him."

"Kasi... gusto ko lang po siya. Napaka-sweet niya. Lagi niya akong napapangiti, pinapakilig, at higit sa lahat, hindi niya ako iniwan."

Nginitian ako ng ginang na siyang ikinatuwa ko.

"La, pwede po ba kayong mayakap?"

"Of course, hija, of course."

I hugged her. And for this time, parang naramdaman ko ulit ang yakap na mula sa isang ina.

"Thank you po."

"Welcome." she said. "Lorice, understand amd love my grandson. I give all my blessings and support for the two of you. At pag pinaiyak ka ng pasaway kong apo, tell me. Para maparusahan ko yan. Okay?"

"Opo." we both laughed again.

"Take care of Ford."

"I will, la."





Ford's POV

I JUST SAW GRANDMA, HUGGING Lorice. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. But one thing is for sure, gusto niya si Lorice.

Maya maya pa ay nakita kong naglalakad papalapit sa akin si Grandma. And there's a big smile on her face.

"Fordan, she's a treasure. Keep her." yun lang ang sinabi niya at pumunta sa loob ng bahay. "I'll talk to your parents, puntahan mo siya."

"Yes, grandma."

"Pag pinaiyak mo siya, lagot ka sakin. By the way, I like your outfits tonight."

Napangiti na lang ako nang marinig iyon mula kay grandma.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon