kabanata 9

3.5K 64 1
                                    

Lorice's POV

"NOW, your job is to be with me only. Dito ka lang sa tabi ko, para madali kitang...mautusan." yun ang sabi niya.

Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa isang napakagandang mansyon. Bahay niya ba ito? Sa kanya ito? Ang ganda naman.

Medyo hindi ako komportable sa suot kong damit at sapatos. Pero baka mapagalitan niya ako kaya naman, hindi ko ito pinapahalata.

"Buti naman at nakarating ka." nasa harap kami ngayon ng isang matandang lalaki. "Fordan."

Fordan?

"I just did what I want, pa."

Pa?

Matapos niya iyong sabihin ay tinalikuran niya ang lalaki. Naglakad kami papalayo rito. Nilingon ko ito at tila ba parang wala lang nangyaring usapan dahil ngumiti ito sa harap ng iba pang tao na naroon na sa kanyang harapan at nakikipag usap sa kanya.

Dinala niya ako sa isang bakanteng table. He told me to sit down, na ginawa ko naman.

"Wait for me here. May pupuntahan lang ako." napatango lang ako sa narinig ko. Ayaw ko man na mawala siya sa paningin ko, pero hindi pwede.
Kaya maghihintay na lang ako rito.

"Champagne, maam?" napalingon ako at nakita ang isang lalaking waiter na nag aalok nito. Dahil sa walang magawa, tinanggap ko ang inilahad niyang alak.

Nasarapan ako sa inuming ito.

Ilang minuto pa ang lumipas at medyo sumakit ang ulo ko. Naka tatlong baso na kasi ako.

"Miss," napalingon ako at nakita ang isang lalaki. Pamilyar ang mukha niya. "Can I dance with you?"

Tama! Siya yon! Siya yung nakabangga sa akin doon sa office kanina! Nakakahiya naman kung tatanggihan ko. Kaya nang ilahad niya ang kanyang kamay ay tinanggap ko ito.

"Akala ko, di na tayo magkikita." sabi niya nang makarating kami sa dance floor. He hold my right hand. At iginiya niya ang kaliwa kong kamay patungo sa kanyang balikat. Then he put his arms on my waist.

"You look so pretty on your outfit." he said.









Ford's POV

MAY PINUNTAHAN lang ako sandali. I was looking for Mr. Turivago for a collaboration, between our entertainment and their high-quality gadgets.

Kaibigan siya ni papa at alam kong pumupunta siya sa mga ganitong party. Pero, imbis na makita ko siya rito, she's the one that I saw.

"Ford."

Tracy. My very first love. The very first person who broke my heart.

"How are you?" tanong niya nang makalapit sa akin. Hindi ako nakapagsalita. I can't believe that the one I ask to marry me and rejected me is now here in front of me.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Let's dance."

Hinila niya ako patungong dance floor. At nang ginawa niya iyon, all the memories one year ago came back like lightning.

It's a very good day. All of these were ready. I'm gonna ask her to marry me.

Napagdesisyunan kong alukin ng kasal ang kasintahan kong si Tracy. We've been together for almost a year, at siya lang ang tumagal sa dinami dami ng nakarelasyon ko.

I think she's the girl for me.

Matapos ang mga nangyari kina Dragon ay mas nagkaroon ako ng lakas ng loob na pakasalan ang minamahal ko.

They didn't know that I have a girlfriend pero malalaman rin nila. I'm gonna tell them after this proposal.

I am confident na sasagutin niya ako. Dahil mahal niya ako at gusto niya akong makasama habang buhay.

Mas lalo akong na excite nang makita siyang naglalakad papunta sa akin. Then together with this beautiful music, I proposed to her.

But... She refused.

Hindi ko pa rin malimutan ang araw na iyon. Ang tagal na non pero hindi pa rin ako maka move on. It's too hard for me, lalo na't mahal ko pa rin siya...hanggang ngayon.

"I just came back here," sabi niya. "Hindi ko pa rin nalilimutan ang proposal mo."

Wala pa rin ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko. Why she's saying these things?

"You still have the ring, right?" it's on my pocket.

We're dancing. Tahimik lang ako. Pero sa tingin ko, mas maganda na itong wala akong sinasabi ni isang salita.

Hanggang sa naalala ko si Lorice. Nilingon ko ang table kung saan ko siya iniwan at wala na siya roon. Until I saw Freed. And she's dancing with that guy!

Shit!

Kahit na kailan ay wala akong tiwala kay Freed. I know that I'm bad but that bastard is times two!  He's a maniac in diguise. And the one he's dancing with is my P. A!

He really wants to take everything on me. And hell! I didn't want to give it to him.

But this music is good. Because it has to change partners. And I'm sure my P. A. will be in my arms again.

And that beat came. We changed partners and my P. A. is now in my hands.

Pero, I think she's drunk.

"I told you to wait for me." bulong ko sa kanya. Wala siyang sinabing salita. Nagulat na lang ako nang mas ilapit niya ang kanyang katawan sa akin. And because of that, mas hinigpitan ko ang paghawak sa kanyang bewang.

Mysterious lines of current are flowing on my system.

Few seconds passed, the lights' colors changed. It turned dark and only spotlights give light on the dance floor. Kaya nakagawa ako ng paraan para makaalis kaming dalawa doon.

Nang makasakay ay agad na akong nagpahatid sa condo unit ko. Goodness! Ano bang ginawa ng babaeng to! What did she drink at nalasing siya!

"Makakabayad rin ako..." napatingin ako sa kanya nang marinig ko siyang nagsalita. Makakabayad rin siya?

Hinubad ko ang coat at ipinasuot ito sa kanya, at isinandal ko siya sa aking balikat. I don't know why I'm doing this but she's still a girl.

Ngayon ko lang ito nagawa ulit, after Tracy broke up with me.

Nang makarating sa condominium ay inalalayan ko siya papunta sa floor ng unit ko. And with that, another memory flashed in my head.

I was doing this same thing on that girl one year ago.

Binalewala ko na lang muna iyon. Nang nagbukas ang elevator sa floor ko ay kaagad na kaming dumiretso doon.

Nang makapasok sa unit ay inihiga ko siya sa sofa.

"Ang sakit ng paa ko..." muli ko siyang narinig na nagsalita. Masakit ang paa niya?

I look at her feet at naalala ang kanyang sinabi. I removed her shoes and both her left and right foot. Namumula ito at may maliliit na sugat.

Dahil ba ito sa sapatos?

Then why didn't she tell me?

"Makakabayad rin ako ng utang..." narinig ko ulit ang boses niya. Why she keep on saying that?

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon