A/N: When you get you to that part, Ydlandia is read as I-di-lan-di-ya.
At dahil New Year na...
I wish your 2020 will be filled with health, happiness, and love that your heart can hold. Because you, yes you, deserve it. Because you, yes you again, are worth it. Don't ever forget that.
I also want to thank you for being a part of my 2019 and that you guys are the highlight of my 2019. Thank you for making my 2019 so, so awesome!
Happy New Year, my Chasers! #loveyouall
ELLIE POV
Hindi na ako nagulat nang madatnan ko si Chase sa kusina at kasamang nagkakape ni Tito Jett. Nasanay na kaming bigla na lang siyang dumadating.
Siya na rin ang kasamang pumapasok at umuuwi ni Yesh. Ayoko naman sumabay dahil magmumukha lang akong third wheel. Isa pa, hindi ko talaga kinakaya ang sweetness nila. Well, si Chase lang. Hindi talaga siya nahihiyang ipakita ang nararamdaman niya kahit maraming nanonood sa kanila. Sinusuway siya ni Yesha pero walang epek talaga.
But something is off with Yesh. Madalas nakikita ko siyang malungkot. Minsan tulala. Laging nakatingin sa phone niya na parang may hinihintay tapos bubuntong-hininga dahil mukhang bigo siya sa anumang hinihintay niya.
Hindi rin niya gaanong pinapansin si Chase. May mga times pa nga na umiiwas siya. Hindi lang talaga niya matakasan nang tuluyan dahil lumalambot agad ang puso niya 'pag nakita niyang malungkot ito. Hindi niya matiis. Marupok ang bruha!
Nakatambay kami sa garden kasama sina Hailey at Niko nang biglang dumating si Chase at walang sabi-sabing nahiga sa tabi ni Yesha. Ginawang unan ang mga hita niya.
Ibinaba ni Yesh ang binabasa niyang libro upang tingnan siya. "What are you doing?" Tanong niya rito.
"Resting. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi."
"Chase, bawal 'yang ginagawa mo."
Bawal nga naman ang PDA sa school.
"I'm the SC President."
"Exactly. Ano na lang sasabihin ng mga estudyanteng nakakakita sa'yo?"
"Bibigyan ko na lang ng detention ang sarili ko." Aniya tsaka tumagilid, sinubsob ang ulo sa tiyan ni Yesha at niyakap siya sa baywang.
Napapikit si Yesh, nagtitimpi.
"Okay, I'm out." Tumayo ako. "Hindi ko kaya ang sweetness na 'to. Baka magkapantal-pantal na ang balat ko sa dami ng kagat ng langgam."
"Ako rin." Tumayo sina Hailey at Niko sabay ayos ng mga gamit nila.
Iniwan namin silang gano'n pa rin ang posisyon.
Ilang hakbang mula sa kanila ay nilingon ko sila. Malalim ang paghinga ni Yesh. Something is really bothering her. Hindi lang ang mga ginagawa ni Chase. May iba pa. Maging ang pakikitungo niya ay iba.
"Sa room lamg kami." Paalam nila Niko.
"Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Lucas na pumalit sa pwesto nila. "Aren't you happy for her? For them?"
Ako na siguro ang unang magiging masaya 'pag naging masaya ang best friend ko... Pero ako rin ang unang matatakot.
Madali para sa inyo ang tanungin ako nang ganyan dahil wala naman kayong ideya kung anong pwedeng pagdaanan nila.
Kung sana gano'n lang kadali ang lahat, baka ako pa ang naging president ng love team nila... But that's just not the way it is.
Hindi ito ang mundo ni Yesh.
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
JugendliteraturJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.