DESTINY 74 - CHASE DESTINY

273 27 10
                                    

YESHA POV

"Chase!!" Napabalikwas ako ng bangon, habol ang hininga at pinunasan ang pawisang noo. Saka pinadausdos ang palad sa aking mga mata. Unti-unting pumatak ang mga luha ko.

Ilang gabi ko nang napapanaginipan si Chase. At tuwing nangyayari iyon, nilulukob ng hindi maipaliwanag na kaba ang buong sistema ko. Pitong buwan na siyang wala at pitong buwan na rin akong araw-araw kinakain ng kabang iyon.

Nilingon ko ang veranda. Unti-unti nang pumapasok ang sinag na nagmumula sa papataas na araw. Huminga ako nang malalim, nanatiling nakatanaw sa labas. I slowly closed my eyes, remembering that sunrise in our quiet place.

"Yesh, are you okay?" Mabilis kong pinunasan ang mga luha nang marinig ang boses ni Ellie. Halata sa boses nito ang pag-aalala. Ayoko nang mag-alala siya.

Hinarap ko siya at nagpilit ng ngiti. "I'm fi---" Kusa akong napahinto sa sinasabi nang dumapo ang paningin ko sa hawak niya. "What is that?"

"White dress, hindi mo ba nakikita?" Sagot ng magaling kong kaibigan.

Bahagya akong tumungo at hinilot ang pagitan ng mga mata. "What's it for?"

"You will wear it today."

Tumaas ang kilay ko. Muli kong binalik ang tingin sa damit. "Why?"

"Pinapatawag ka ng Yrieum."

"Pinapatawag lang ako kailangan naka-white dress pa?" Tumayo ako at lumapit sa damit saka pinasadahan ang mga detalye. "Ako ba pinagloloko mo, Ellie? Nakikita mo ba 'yan?" Turo ko sa damit. "Oo, madalas puti ang suot ko' pag humaharap sa Yrieum pero hindi ganito ka-OA! One shoulder dress with lace talaga?" Bumagsak ang tingin ko sa isa pang niyang hawak. "Don't tell me I also have to wear that white stilleto?"

"Of course!"

"Eh kung pinapana kita ngayon?!" Masama na nga gising ko, dagdagan pa ng ganitong pambungad!

She answered with a blank face...but I know better. "Isusuot mo ba o ako pa magsusuot sa 'yo?"

Sabi na nga ba. "Can you at least tell me why?"

She sighed, nauubusan na ng pasensya. "Yesh,' yan nga ang sinabing isuot mo. Sumusunod lang ako sa utos."

"Walang karapatan ang Yrieum na sabihin kung anong isusuot ko, Ellie. So, what is this?" Seryosong tanong ko.

Maingat nitong nilapag ang damit sa kama bago lumapit at marahang hinaplos ang buhok ko. Lumalam ang kanyang mga mata. Hindi nagtagal, may tumakas na luha sa mata niya.

Natigilan ako at agad na nag-alala. "Ellie---"

"It's okay." Putol nito sa sasabihin ko at mabilis na pinunasan ang luha. "Sumusunod lang talaga ako sa utos, Yesh. Pwede ba kahit ngayong araw lang wala munang tanong, sumunod ka na lang?" Pakiusap niya.

Mataman ko siyang tinitigan. May emosyon sa mga mata niyang hindi ko mawari kung ano. Mukha siyang malungkot na hindi. Parang gusto niyang umiyak na hindi.

Muli kong tiningnan ang damit. I really don't understand why I have to wear such an elegant dress. Pero ngayon ko lang nakitang ganito ang kaibigan ko. May kakaiba sa kanya, hindi ko lang talaga makuha kung ano. Para bang napalaking bagay para sa kanya na isuot ko iyon.

I sighed in defeat. "Fine, I'll wear it." Pagpayag ko. At pakiramdam ko makakalas lahat ng buto ko nang bigla akong yakapin nito.

Ano bang nangyayari sa amazonang 'to?

Pilit ko siyang nilayo pero lalo lang niyang hinigpitan ang yakap. "Saglit pa. Saglit na lang. Pagbigyan mo na ako."

Naguguluhan man sa inaakto niya ay gumanti na lang ako ng yakap. Hinagod ko rin ang likod niya. "Ayoko ng ganitong yakap mo, Ellie. Kinakabahan na ako. Huwag mo akong takutin. Papaulanan talaga kita ng palaso. Letse ka." Biro ko pero ang totoo, sobra na ang kabog ng dibdib ko.

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon