DESTINY 18 - THREE WORDS

340 28 8
                                    

A/N: When you get to that part...
Rykhus [Ray-kus]
Aemare [Ey-ma-re]

Tip: Play the multimedia pag nando'n na kayo sa part na 'yon. Sakto talaga siya sa nararamdaman ni... you' ll know  (^_−)☆


Happy reading!







CAPTAIN POV

"Saan siya dinala?" Yesh was trying so hard to fight her tears. "Please, Ellie tell me."

"I... I don't know, Yesh. Pinasama siya sa yate and---"

"Yesh!!" Sigaw ko nang hindi na niya pinatapos ang sinasabi ni Ellie at patakbong lumabas ng bahay. "Shit!" Mura ko nang sumakay siya sa kotse at pinaharurot iyon. Agad namin siyang sinundan.

Pagdating namin sa dalampasigan, wala na ang yate ni Rehayna.

Dahan-dahan at parang nawalan ng pag-asang naglakad si Yesha palapit sa dagat.

"No!!" Sigaw niyang nagpasakit ng puso ko. I felt every pang of pain in her. Maging si Ellie humagulgol sa nakita.

It was like that night with Yuri.

Napaluhod siya at isinubsob ang mukha sa dalawang kamay. Lalapitan sana siya ni Ellie pero sa lagay din niya, lalo lang lalala ang sitwasyon. Parehong silang mahina ngayon.

"Ako na," pigil ko sa kanya.

I really don't know what to say so I just pulled her close and let her cry on my arms.

"Si Chase, Captain." Tila nagsusumbong na aniya. Maya-maya'y lumayo siya mula sa pagkakayakap sa akin. "Am I going through hell again?"

"Yesh..."

"Hindi pa ako tuluyang nakakalabas mula do'n sa una and now meron ulit bago? Siya ang humihila sa'kin palabas sa impyernong yun. Bakit nila siya kinuha?"

"I'm sorry, Princess pero hindi ko rin alam. I don't even know that Rehayna is here. But Yesh, you know that you can't be him---

"Captain!" She cut me off. "Kayo ang nagbalik sa'kin dito! Hindi ko hininging ibalik niyo ako. Kayo ang nagdesisyon nun. So why the hell did they get him!" She shouted furiously.

Silence enveloped us as she just stood there staring at the horizon. Eyes teary. Hair flown by the wind. Fists clenched. Expression hard.

"When Yuri was snatched from me by those people, pain is nothing compared to what I felt. Pinagsama-samang galit, takot, sakit at pagsisisi ang naramdaman ko. It was so damn painful that I just wanted to die.

"Bakit, Captain? Bakit ipinaparamdam niyo ulit sa akin ang gano'ng klaseng sakit. Funny thing is, this one is more painful. Akalain mo yun mas may isasakit pa pala yung naramdaman ko nun. You know why it's more painful this time?"

"Because it's Chase." I answered.

"No," iling niya. "Because it's Rehayna. Gano'n ba katindi ang galit nila sa'kin para ipadanas ulit nila ang ganitong klase ng impyerno sa'kin?"

"Yesh, hindi pa naman tayo sigurado sa kung anong nangyayari."

"Who are you convincing, Captain? Ako ba o ang sarili mo?"

"That's Rehayna, Yesh. She has always been on your side."

"So, why does she need to trick Ellie? If they really don't want me here, sana sinabi nila para umuwi na ako. They don't need to take my happiness away from me. Pagkatapos ng nangyari kay Yuri, hindi na ba talaga ako pwedeng sumaya? Kahit konting panahon lang, Captain. Hindi naman ako magtatagal dito, bakit hindi niyo man lang ako mapagbigyan?"

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon