A/N: Yung plano kong 2-3 chapters lang ang Ydlandia pero inabot ng part 5. Face palm!
Nga pala, gusto ko rin magpasalamat dahil umabot na ng 50k+ reads ang My Destiny Book 1! Ayieee!! Love nila ako! Hahahaha.
Maliit pa yun kumpara sa iba pero milestone na yun sa'kin. Who would have thought na yung diversion at libangan ko lang dati, may napapasaya! (at napapaiyak hehehe!)
Kamsahabnida my sweet readers! Saranghae!!!
P.S. It's a perfect birthday gift! Thank you!
Happy reading!
CHASE POV
"Did you tell her how you feel?" I asked after he said what happened that night they talked.
"Did you even fvcking listen to what I just said!" He instantly snapped. "Tangina, Chase. Katumbas ng kwentong yun ang sakit na ayoko nang maalala tapos hindi ka nakinig?!"
"I did."
"Then why the hell are you still asking me that!"
"Just answer it." Giit ko.
"Tangina..." mahinang mura niya. Uminom muna siya ng beer at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin.
Halata naman na mahal niya. Pareho naman kami. Pero gusto ko pa ring marinig. Ayokong nanghuhula o nag-a-assume. I need a definite answer.
"I didn't." Bulong niya. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya ng luha.
"Do you love her?"
He scoffed, "just what the fvck are you trying to do? Torture me?" Muli siyang uminom at pabagsak na binaba ang bote.
"Mahal ko siya... sobra. Tangina! Mahal na mahal ko siya, Chase. Mahal na mahal!" Sa bawat salitang sinabi niya, ramdam ko ang pagmamahal... sinseridad at... sakit. Hindi na niya napigilan ang umiyak.
"Then why didn't you tell her?"
"Nakikinig ka ba!" Sigaw na niya at napatayo. "Ikaw nga ang mahal niya! Tangina! Ikaw ang mahal niya. Simula pa noon, ikaw na!" Para siyang nauupos na kandilang napaupo. Tinakpan nito ang mga mata at muling umiyak. "Kahit kailan hindi siya naging akin. Dahil noon pa man, noong naguguluhan ka pa... kayong dalawa... alam ko nang ikaw ang mahal niya."
I heaved a sigh, "she's hurt from her past. And we are too. The three of us has something in the past that we are trying to run away from. Something that greatly pained us. Ayoko ng maulit yung nangyari sa atin. Kapatid na kita. I've seen you got crashed when Bianca left. I've seen you lost interest to live when your mom died. I've seen you turn into a different person when we... when we parted ways. I like her so much but you also like her. What am I supposed to do?
"Akala mo ba madali para sa'king makitang nasasaktan ka? Sa tingin mo ba magiging masaya ako knowing na nasasaktan ka?"
"So, what are you saying? Na huwag akong sumuko? Na lumaban ako? Sa suntukan, alam kong hindi ako mananalo sa'yo. Pero kay Yesha? Alam kong may laban ako. Nauna ako sa kanya and with who she sees in me and with Captain on my side, how can you win over me? Nasa akin lahat ng alas."
"No..." sabat ni Seb. "Alas ang hawak mo, oo pero sa pagkakataong ito, mas mataas ang queen. At yun... yun ang hawak ni Chase. Kaya kahit na sa'yo lahat ng alas, talo ka pa rin."
"Maliban sa queen, hawak din ni Chase ang Jack at ikaw yun, Lucas." Dagdag ni Dustin. "Hawak ka niya hindi dahil mas mababa ka, kundi dahil handa kang magpaubaya at pumrotekta, maging masaya lang sila."
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Teen FictionJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.