DESTINY 12 - YDLANDIA PART 3

512 26 9
                                    

A/N:  Long update ulit. I don't feel like cutting it so tada long chap!

Happy reading!





LUCAS POV

"Akin na siya, Lucas. Akin na."

Ramdam ko ang diin sa bawat salitang binitiwan ni Chase. Madiin ngunit ramdam ko ang takot.

Marahil dahil tulad ko, alam din niyang nauna ako. Pero hindi niya alam na kahit anong gawin ko, hindi ako ang pipiliin ni Yesha.

Ang sarap sapakin ng lalaking 'to. Baka sakaling pag naalog ang utak niya, makita niya kung gaano siya kamahal ni Yesh.

Akmang kukunin niya siya pero lumayo ako. Isang pekeng ngiti ang ibinigay ko, "ako na. Tutal nasa akin naman na siya." Makahulugan kong sabi.

Sa pag-igting pa lang ng panga niya, alam kong nakuha niya rin ang ibig kong sabihin.

Nilampasan ko siya at pumasok sa loon ng bahay. Napailing na lang ako at nangingiti sa reaksyon niya.

Pag pinagpatuloy ko 'to, baka pira-piraso na ako bago pa matapos ang bakasyon namin. Tangina, Chase. Kailan ka ba kikilos?

Pagpasok ko sa kwarto kung saan kaming lahat matutulog, tumigil silang lahat sa ginagawa. Napatingin sa amin. Si Ellie dahan-dahan pang tumayo. Kulang na lang sugurin ako.

The overprotective best friend.

"Bago ka mag-ala amazona, nagkwentuhan lang kami sa tabing-dagat tapos nakatulog siya."

"Nagkwentuhan?"

"Mmmm... Saan ang pwesto niya?"

"Diyan sa dulo." Turo niya sa matttress na pinakamalapit sa glass wall.

Maingat kong inihiga si Yesh sa pwesto niya at kinumutan.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Inayos ang buhok. Hinaplos ang pisngi. Hinawakan ang kamay. "Bakit hindi na lang ako?" Mahinang tanong ko.

"Tangina." Rinig ko bulong ni Seb na nasa likuran ko. Ramdam kong lahat din sila ay katabi niya at narinig ang sinabi ko.

"Una at huling outing na ba natin 'to?" Tanong ni Dustin.

"Pucha! Hindi pa nga tayo nakakapag catch up. Balik na ulit tayo sa dati?" Dismayadong ani Johan.

"Magpapaalam na ba ulit kami sa isa't isa?" Tanong rin ni Nathan.

"Nagkwentuhan lang kayo, ganito na kinalabasan?" Hindi makapaniwalang ani Ken. "Where's Chase? Did he see you?"

"Of course. He was waiting for us outside. And probably was watching us."

"Fvck."

"Napag-usapan niyo na 'to, di ba? Why the sudden change?" Nag-aalala nang tanong ni Kai.

Narinig kong pumasok si Chase sa kwarto. Lihim akong napangiti. May my soul rest in peace.

"Akala ko kasi tanggap ko na. Akala ko mawawala din 'yong nararamdaman ko. But I was wrong. I love her more than I thought I do. I love her so much that I can't give her up without a fight. A good damn fight. Titigil lang ako pag si Yesha na mismo ang nagpatigil sa akin. Besides, hindi pa naman sila ni Chase di ba? Ni hindi pa nga ata siya nagpo-propose. Tsaka, nauna naman ako sa kanya. Bago niya nagustuhan si Yesh, ako muna. So, why would I back down if in the first place, she was originally mine?" I asked with full conviction.

"Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kian.

I faced them and showed the serious Lucas Ledesma. "Yesha is never a joke to me, Kian. Never."

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon