A/N: This is the edited version.
Sa Chapter 34 pinakita ano nangyari sa side ni Chase after the hospital incident.
Ito naman ang nangyari sa side ni Yesha.
Nauna ko lang pinakita ano nangyari sa side nila Chase pero simultaneous po itong nangyari.
Happy reading!
CAPTAIN POV
Parang ilang buwan pa lang ang nakakalipas nang mangyari ang ganitong senaryo. 'Yong nakaupo siya sa tabi ko dahil kailangan ko siyang iuwi. But this time, hindi ko siya kailangang pilitin dahil siya mismo gusto na ring umuwi.
And this time, mas malala ang sakit sa mga mata niya.
"Yesh?" Malumanay kong tawag. 'Yon pa lang ang sinasabi ko pero bumuhos na ang mga luha niya.
"I almost lost him." Halos bulong na lang na aniya.
"He's okay now. Gagawin natin lahat para maka-recover siya agad."
"Hinahanap niya ako. Ayoko siyang iwan. Masasaktan siya 'pag nalaman niyang umalis ako. Ayoko siyang masaktan. Ayaw na ayaw kong nasasaktan siya lalo na kung dahil sa 'kin."
I sighed. "Should we go back? Just tell me and I'll instruct them to turn this car around instantly."
Umiling siya. "Ayoko siyang iwan but I still think I need to get away. Baka lalo lang siyang mapahamak 'pag nasa malapit ako. Maybe I really bring danger? Baka tama sila na kung sinuman ang mapalapit---"
"Yesh!" Sita ko. "You know that's not true! Hindi mo kasalanan---"
"Ulit? Hindi ko na naman kasalanan na may sumalo ng para sa akin? Na may muntik na namang mawala nang dahil sa akin?" Ramdam ko ang galit niya sa sarili niya. "Ano bang meron ako na pati buhay nila sinasakripisyo nila para sa akin!"
Napabuntong-hininga na lang ako. What happened to Chase really took a toll on her.
"Why are they choosing me instead of themselves?"
"They love you."
"They love me pero kapalit no'n iiwan nila ako? Ano bang kulang sa akin na okay lang sa kanilang iwan ako?"
I held her hands. "Princess, hindi gano'n 'yon. Syempre ayaw ka rin nilang iwan."
"Pero 'yon ang nangyayari. At ang sakit-sakit. Ang hirap-hirap. Sa mismong mga kamay ko nawala si Yuri. At sa mismong harapan ko rin nag-flat line si Chase.
"Kung 'yon ang kapalit ng pagpili nila sa 'kin, ng pagmamahal nila sa 'kin, pwes ayoko na. Ayoko na, Captain."
ELLIE POV
Mahigit isang linggo na simula ng makauwi kami. At mahigit isang linggo na ring nanatili lang si Yesha sa kwarto niya. Hindi lumalabas. Sinusubukan ko siyang kausapin 'pag dinadalhan ko siya ng pagkain pero wala talaga, iiling lang siya. O kaya sasabihin na gusto niya mapag-isa pero kadalasan hindi talaga siya umiimik. Pati mga pagkain niya halos hindi niya binabawasan.
"Let's give her time. She needs it." Payo ni Rekx.
Naluha ako. Nilapitan ako ni Rekx at nilagay ang magkabilang kamay sa mga balikat ko. "Ellie, you are her best friend. You know very well na kaya niya 'to. She's a strong woman."
"But this is Chase."
"And she is Destiny. And we are here. We all are. For her. Hindi natin siya pababayaan. For now, kailangan lang na siya muna. She needs to figure out things about herself. Pero hindi ibig sabihin no'n nag-iisa siya. Dahil nandito tayo.
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Fiksi RemajaJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.