DESTINY 64 - FAREWELL

237 30 26
                                    

YESHA POV

Nakabenda ang kaliwang kamay na pumasok si Ellie sa kwarto. Nag-angat ako ng tingin. Sa itsura nito, wala pa siyang alam sa nangyari pagkatapos nitong mawalan ng malay sa atake ni Adriel.

Halos mawala ako sa sarili nang makitang bumagsak silang tatlo nina Captain. Pakiramdam ko binagsakan din ako ng buong mundo. Kung hindi pa dumating sina Nay Lucy baka nakasalampak na lang ako sa daan.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong niya habang umuupo sa gilid ng kama at nakatingin sa kapatid.

Tumungo lang ako at sinubukang pigilan ang muling pagbuhos ng mga luha ko pero bigo ako.

"Yesh?" Silip nito sa mukha ko. "Anong nangyari kay Captain?" Ulit niya sa tanong.

Tumayo ako at niyakap siya. "I'm sorry, Ellie."

Inalis nito ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. "Sorry s-saan?" Fear registered in her eyes.

"Ellie—"

"Anong nangyari sa kapatid ko, Yesh?" Pilit niyang winawaglit ang takot sa mga mata.

"Ellie—" sinubukan ko siyang hawakan pero tinabig niya ang kamay ko.

"Captain, anong drama 'to?" Hampas niya sa braso ng kapatid. "Ano, mas matagal ka pang walang malay kaysa sa 'kin? Ako kaya ang tinamaan ng hayop na Adriel na 'yon. Hindi ko napansin eh." Pekeng tawa niya. "Huwag mo akong pagalitan ah. Kaya ko naman 'tong tama ko eh. Malayo 'to sa bituka. Hoy!" Sa dibdib naman niya ito hinampas. "Gising na. Wala akong makuhang matinong sagot dito sa prinsesa mo eh. Iyak lang nang iyak. Parang tanga. Gising ka na diyan tapos sabay nating dagukan."

"Ellie," yakap ko sa kanya.

Hinawi niya lang ulit ako. "Huwag kang makulit, Yesh. Ginigising ko si Captain. Natatakot na ako sa pag-iyak mo eh. Hoy, Captain!" Muling hampas niya rito. At isa pa. At isa pa.

Pero kahit anong hampas ang gawin niya, hindi gumalaw si Captain.

"Hindi na ako natutuwa! Gumising ka na diyan. Tatamaan ka na talaga sa 'kin." Banta nito.

Naghintay siya ng ilang segundo, pero wala pa rin.

Nagtatanong ang mga matang tumingin ito sa akin. Tanging pagbagsak ng mga luha ang naging tugon ko.

"Hindi..." marahas niyang iling, unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya. "Hindi gagawin sa akin 'yon ni Captain. Hindi." Hinarap niya ang kapatid at kinuha ang kamay. "No, no, no..." sunud-sunod na iling nito. "Please no, Captain. Nangako ka sa 'kin." Yugyog nito sa balikat niya. "No, no! No!!" Yakap niya sa katawan ng kapatid. "Kuya, please!! Kuya! Kuya ko!!"

Sinubukan ko siyang ilayo pero tinabig nito ang kamay ko.

"Kuya ko! Kuya ko! Kuya ko!! Hindi!!"

Durog na durog ang puso ko habang pinapanood kong halos maglupasay siya sa paggising at pagmamakaawa kay Captain.

Sapilitan ko siyang hinila palayo at niyakap. Nanlaban pa siya para makawala. Tinanggap ko lahat 'yon pero hindi siya hinayaan makawala sa yakap ko.

"Si kuya, Yesh..." parang batang sumbong nito. "Hindi ko kayang wala siya. Anong nangyari?"

"I'm sorry, Ellie."

Parang nauupos na kandilang napasalampak siya sa sahig, hindi maubos ang pagbagsak ng mga luha.

Maya-maya, parang may naisip siya. Tumayo ito at muling niyakap si Captain. "Di ba gustung-gusto mong tinatawag kitang kuya? Araw-araw na kitang tatawaging kuya Dylan, gumising ka lang. Please. Please, kuya Dylan. Huwag mo akong iwan. Huwag mo kaming iwan nina mama." Tila ubos na ang lakas na pagmamakaawa niya.

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon