DESTINY 4 - PAIN AND MISERY

593 41 12
                                    

A/N: Ito na pinakatamatagal na wala akong update... Sarehh.. Ayaw gumana ng aking neurons. Tapos nung gumana ganito pa yung kinalabasan. Title pa lang obvious na ✌️😅 Pero baka hindi naman. Hindi naman ako gaano naiyak nung sinusulat ko to. 😉

Hi to:
alpagwapame

Enjoy reading, my CHASERS!


ELLIE POV

Nagmadali akong bumaba ng kotse at hinablot ang katana kong nakalagay sa likod nang makita ang limang sandatahang nakaharang kina Chase. At mas binilisan ang pagtakbo nang makita ang isang palasong pinakawalan nila.

Takte! What the hell are they doing? Magwawala si Yesha 'pag nagalusan 'yan!

Tumalon ako at hinablot ang palaso sabay gulong pababa. Marahas kong itinapon iyon habang naglalakad palapit.

"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Chase. Tumango naman siya.

"Good. Stay behind me. Hindi ka pwedeng masaktan."

Baka mapatay ako ni Yesha 'pag nangyari 'yon.

Hinarap ko ang sandatahan.

Takte! Mukhang mapapalaban ako. Akala ko 'yong mga feeling gangster ang makakaharap ko kaya chill chill lang akong nag-drive papunta dito dahil alam ko namang sisiw lang sa Chasers 'yon.

Hindi ko akalaing ang grupo ni Quillon ang makakalaban ko. Isa sa mga grupong nakatalaga kay Rekx, pinakamagagaling sa lahat ng magagaling sa sandatahan.

Napabuntong hininga ako. Sampung may saltik ang kailangan kong protektahan.

"Sino ang mga 'yan?" Tanong ni Ken.

"Huwag niyo na alamin," sagot ko.

"Paanong hindi namin aalamin? Pinana nila ang kaibigan namin!"

"It's not like it's the first time. Sanay na 'yan."

"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Lucas.

"You haven't it tried it yet?" Tanong naman ni Chase.

"Why the hell would I try it?"

Sa halip na sumagot, narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga niya. "May nilabag na naman ba ako?"

I don't think so. This is something else.

"Nilabag saan?" Naguguluhan na ring tanong ni Seb.

"Better not to ask anything," sagot ko.

"Paanong hindi kami magtatanong--"

"Because I'm here. Alam kong nag-aalala kayo sa kaibigan niyo but I'm here, okay? Ako ang bahala."

Ngayon alam ko na kung bakit hindi ako pinabalik. Bilib na talaga ako kay Captain. He saw this coming. Alam niyang manganganib si Chase.

Tch! Kunwari pang galit. Concern din naman pala.

"No," mariing sagot ni Ken. "You think we're just gonna watch? Lilima lang 'yan, sampu kami."

"Lilima 'yan pero hindi niyo alam kung ilang tao ang katumbas ng isa. Kung gusto niyo talagang makatulong, makinig kayo sa'kin. Huwag kayong makialam. Ako nang bahala."

Lumapit sina Quillon ngunit huminto rin ilang metro ang layo sa amin.

Bahagya silang yumukod upang magbigay galang.

Tinanguan ko lang sila. "What brings you here, Quillon?"

"We're here for an assignment pero nangialam po kayo. I suggest you move aside, Miss Ellie."

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon