DESTINY 26 - YURI (PART 2)

377 26 4
                                    


CHASE POV

"Tara!" Aya ko sa kanila at pinagsalikop ang mga kamay namin ni Yesha. Kinabigla niya iyon at tiningnan ako. I just smiled and led them to the resthouse.

Tahimik at may mapanuring mga matang sumunod ang mga kaibigan namin, naghihintay ng reaksyon mula kay Yesha. Lihim akong napangiti nang hindi niya binawi ang kamay o tumutol pero hindi rin umimik. Okay na 'yon kaysa magalit na naman siya.

I punched the code of the door and it opened.

"Wait..." ani Ellie. "Bakit alam mo ang code? Don't tell me you own this island?"

I just smiled as an answer and walked inside the 2-storey resthouse.

"So, sa'yo nga 'to?" Tanong din ni Lucas.

Nasa akin ang atensyon nila at naghihintay ng sagot. Even Yesha's eyes were questioning. But again, I just smiled, didn't confirm their speculation.

Nang makahalata silang wala akong balak sumagot, nagkanya-kanya na silang tour sa bahay, leaving me and Yesha in the receiving area.

I'm expecting her to ask again but she was just quiet and staring at the sea outside.

I stared at her as well. She looks better now but still lonely, eyes lifeless. The scenery and calm of the place didn't change her aura.

"Gusto mong maglakad-lakad sa labas?" Suhestiyon ko.

Umiling lang siya.

I can't help but feel bad. Hindi talaga ako sanay na ganito siya katahimik. Na ganito ka-down ang aura niya. Pero mas ayokong pilitin siyang maging okay. If she needs more time, I'll give it to her. Basta ako, nandito lang ako sa tabi niya hanggang sa maging okay na ulit siya.

"Chase!!" Kai shouted while running down the stairs from the second floor. "Pwede ba pumunta sa kakahuyan?"

I nodded. "You can go anywhere you like. May mga survival training course do'n."

"Talaga?" He sounded excited. "Pwede rin ba kami maglaro?"

"Yeah, sure."

"Yowwnn!!" Sigaw niya sabay hila kay Kenjie.

"Hoy!" Protesta ni Ken. "Wala akong sinabing gusto ko sumama."

Kai pouted. "Hindi ka ba nag-aalala na baka may mangyari sa 'kin? Paano kung madapa ako?"

Ken looked at him in disbelief. "Ano ka, bata? At ano ako, yaya mo?!"

"I'll go with you." Prisinta ni Ellie.

"Fine! I'll go too." Ken immediately changed his mind.

"Akala ko ba ayaw mo?" Kai asked, giving him an intriguing look.

"Manahimik ka na lang." He warned him.

"Sama rin kami." ani Niko.

"Syempre kami rin!" Johan  Daniel and Kian raised their hands enthusiastically.

"Kami na rin." Akbay ni Seb kina Dustin at Nathan. "Hindi kakayanin ni Ellie mag-isang bantayan 'yang mga baliw na' yan." Turo niya sa apat.

"Thank you." Nakahinga nang maluwag na sagot ni Ellie.

"Kailan ka pa naging nanay nila?" Niko asked, almost laughing.

"Because I brought you all here in Cebu. Anumang mangyari sa inyo, sagot ko. Sa inyo ay wala akong problema. Pero sa apat na 'yan," turo niya kina Kai na nasa labas na at nag-uunahan sa kakahuyan, "kinakabahan talaga ako."

That made us laugh. She has a point. Gano'n din ako 'pag may lakad kami. Silang apat ang nagpapasakit ng ulo ko.

"Gusto mong sumama sa kanila?" Tanong ko kay Yesha nang kami na lang dalawa ulit ang naiwan.

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon