DESTINY 47 - PLAY THE GAME

273 23 6
                                    

CHASE POV

"Lucas! My best friend!!" Baling ni Captain kay Lucas sabay tulak kay Kaiden na siyang katabi nito saka siya ang naupo sa pwesto nito at inakbayan si Lucas.

Naningkit naman ang mga ni Kai.

"Best friend," ulit ni Captain. "Samahan mo naman ako." Hindi maipinta ang mukhang napatingin sa 'kin si Lucas.

I just shrugged.

"Sige na, best friend. Sige na, sige na." Yugyog nito sa balikat niya.

"S-saan ba?"

"Ayun! Best friends talaga tayo eh. Tara!" Hila niya patayo sa kanya.

"Ha? Sandali lang, tinatanong ko pa lang kung saan." Muli itong tumingin sa akin, naghihingi na ng tulong.

I just shrugged again and mouthed, 'goodluck.'

Wala na siyang nagawa nang mahila siya ni Captain.

"Ayy wait lang pala." Bigla umikot Si Captain na muntik nang kinasubsob ni Lucas. "Ellie, hatid mo si Yesha sa classroom niya. Baka kung sino pa maghatid sa kanya eh."

"Same class kami, Captain." Imporma ko. Halata namang ako ang pinaparinggan eh. Hindi na lang diretsa.

"Wala akong paki basta hindi mo siya pwedeng ihatid. At ikaw naman," baling niya kay Ellie. "...malaman-laman ko lang na may maghatid sa 'yo, bukas na bukas din may paglalamayan kayo."

"Ahmmm..." alanganing taas ng kamay ni Nathan. "I just want to inform you na same class kami pero hindi ko siya hinahatid, sadyang sabay lang kaming pumapasok. Mapilit siya eh."

Face palm si Ellie!

"Yeah, I know that, Nathan. Okay lang kung ikaw. Basta huwag 'yong dalawa diyan na may ibang pakay."

"Sure ka ba? Matutuwa pa ako 'pag kinausap mo siyang huwag nang sumabay sa 'kin."

Pareho kaming natawa ni Yesha.

Captain gave us a flat face. "Kailangan sabay pa? Ikaw," tingin niya sa akin. "Gusto mo bang pag-awayin ko kayong dalawa? Kaya ko 'yon."

"Ikaw, gusto mo bang paliparin kita ngayon? Kaya ko 'yon." Panggagaya ni Yesha sa kanya sabay tayo.

"Princess naman... huwag gano'n."

"Ewan ko sa 'yo! Magsama kayo ng mga bago mong best friends. Wala akong pakialam basta huwag mo rin akong pakialaman. Tara!" Aya niya kay Ellie.

"Saan ka pupunta?" Harang sa 'kin ni Captain nang tumayo rin ako, hila-hila pa rin si Lucas na nagtitimpi na lang.

"Sa room, may klase pa ako...kami pala." I answered in a matter of fact tone.

"Hindi! Magpa-late ka."

Tinawanan ko lang siya at tinalikuran na.

"Chase..." tawag ni Lucas.

"Oh?" Lingon ko.

He gave me a knowing look.

"Ikaw daw best friend niya eh. Bye." Pang-aasar ko.








"But that's unfair!" Bianca argued.  Ilang araw na niya akong kinukulit. Lagi ko kasi siyang tinatanggihan 'pag nag-aaya siya. Ayoko rin makasama siya at hindi gaano kinakausap. Kung ako lang, I would ignore her totally. Pero naging kaibigan din naman namin siya ni Lucas. "Hindi ko naman kasalanan na nasaktan siya. It was you who pushed her."

I got a glimpse of Yesha, nag-aayos lang ito ng gamit niya. Last subject na rin kasi namin pero nasa loob pa karamihan ng kaklase namin. Hindi pa nakakalabas, nakaabang sa away namin.

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon