CHASE POV
Kinabukasan na nakapasok si Yesha. Ayon kina Niko, wala naman daw naging seryosong damage sa kamay niya pero naka-bandage iyon hanggang siko.
Kaya siguro naka-oversize hoodie siya ngayon para hindi makita. Ganunpaman kita pa rin ang bendang nakapulupot sa palad nito.
Tahimik lang ang klase nang pumasok siya. May ilang nagbubulungan dahil kumalat ang nangyari.
Buti na lang walang umusyoso, alam naman kasi nila ang ugali nito at ugali ko na rin. Pagpasok ko pa lang kanina sa gate ang daming titingin tapos magbubulungan. Sa inis ko, tinapunan ko sila ng nakamamatay na tingin.
Alam kong kasalanan ko ang nangyari pero wala silang alam sa pinagdadaanan ko---namin ni Yesha.
Mayamaya ay dumating na sir Dela Cruz at agad pinansin si Yesha. Tinanong kung kumusta siya. Nagulat pa nga ito nang sumagot nang maayos si Yesha.
"Mukhang may magandang dulot rin naman pala ang injury mo." Saad ni Sir.
"Wala lang ako sa mood makipagbalitaktakan. Sulitin niyo na." Walang gana nitong sagot.
"Did you have it checked on a hospital?"
"Concerned kayo sa 'kin?"
"You're still my student and that happened inside the school premises."
"Akala ko pa naman concerned na kayo sa 'kin. Mata-touch na sana ako." Yesha said smiling.
Sir Dela Cruz chuckled. Even the class laughed. "You're even joking now. Hilingin ko na bang lagi kang injured?" He joked too.
"Ask the person who did this to me kung kaya ba niyang gawin sa 'kin 'to araw-araw."
The class fell into complete silence. Ramdam ko ang simpleng paglingon ng mga ito sa 'kin.
"It was an accident, people!" Pagtatanggol sa akin ni Bianca. "Hindi sinadya ni Chase 'yon."
"I didn't mention any name. Guilty?" Lingon ni Yesha sa gawi namin.
"Kasi it's obvious naman eh."
Yesha scoffed. "Nakakaawa ka. Ang babaw ng tingin mo sa mga bagay-bagay."
"Mas nakakaawa ka dahil hindi ikaw ang tinulungan ni Chase kahit ikaw ang nasaktan." Sagot ni Bianca.
Yesha looked at her intently. "The thing is... I don't need... and want his help. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa."
"Kaya mo? Kaya pala binuhat ka ni Aziel?"
"At 'yon ang pinagkaiba niyo." Singit ni Aziel. "I helped her not because she acted, but because I really want to help her. Alam mo kung ano pang pinagkaiba niyo, maliban sa anghel siya, at ikaw naman..." he eyed her. "...never mind." He added insultingly.
Nagpigil ng tawa ang mga kaklase namin.
Kumuyom naman ang mga kamay ni Bianca.
"Hindi niya kailangang umarte para pansinin ng mga tao. Hindi gaya mo, umarte na nga pero kahit simpatya hindi mo pa rin nakuha. Alam mo kung anong nakuha mo? Awa. Awa mula sa taong gusto mo."
"How dare you!" Sigaw ni Bianca.
Aziel gazed at me. "Why don't you ask him kung mali ba ako."
Hindi lang si Bianca ang tumingin sa gawi ko, silang lahat.
I eyed Aziel. He seems to be a different person today. Hindi na siya 'yong nerd na binubully ng mga estudyante.
Ang lakas na ng loob niya ngayon, samantalang dati, kahit inaapi na siya, siya pa ang humihingi ng tawad.
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Teen FictionJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.