Hi to:
its_babymaxie_Happy reading everyone!
CHASE POV
Napailing na lang ako habang nakasunod kay Captain. No ending of lives daw pero pinalipad niya ang limang humarang sa amin.
I heaved a sigh. Pakiramdam ko hindi naman ako kailangan dito. Kahit siya lang, kayang-kaya na niya. Para lang siyang naglalaro habang magkakasunod na sipa at suntok ang pinapakawalan sa lahat ng sumusugod sa amin. Pero lahat kung hindi namimilipit pagbagsak, eh hindi na makagalaw.
Sinama lang ata niya ako para makapagyabang.
Muli siyang umatake at magkakasunod na suntok sa tiyan at dibdib ang binigay niya sa isang sumulpot pagkatapos ay hinampas niya sa pader.
Pakiramdam ko pareho ako ng dala naming katana—pang-display lang.
Nilingon ako nito. "Wala ka bang gagawin?" Inis na tanong niya.
Kumurap-kurap ako, hindi naintindihan ang sinabi niya. "Ahhh...sorry sorry." Sagot ko matapos ang ilang segundo saka pumalakpak. "Okay na? O kailangan sabihin ko pang ang galing mo?" Sarkastikong tanong ko.
"Tangina, Alcantara. Ano ka, audience?"
"Ano bang gusto mong gawin ko?"
"Tumulong ka kaya?"
I gave him a flat face. "Captain, lahat ng sumulpot sa harapan mo, walang nakalusot. Lahat tinumba mo. Anong kakalabanin ko, hangin?"
Nagkaroon ng gatla sa noo niya at bahagyang tinabingi ang ulo pakanan. Hindi pa ata namalayan ang ginawa niyang pag-atake.
Tinuro ko ang mga nasa benteng nakahundasay sa likuran namin. "Lahat 'yan ikaw ang nagpatumba."
"Ahh talaga?"
Napailing na lang ako. Kung hindi ko lang alam ang kakayahan niya, magtataka talaga ako kung paano siya naging Captain.
Nagpatuloy pa kami hanggang sa makarating sa second floor. At bilib talaga ako sa galing niya. Pati loob ng building ay kabisado nito. Pinag-aralan daw niya ang blueprint. Ayon sa kanya, nasa ikatlong palapag ang mga armas nila. Nasa ikaapat naman ang opisina nina Adriel at uncle nito. Siya na raw ang bahala sa third floor, ako sa fourth.
"Hindi ka pwedeng mabangasan, naintindihan mo? Ayoko nang mawalan ng partner so don't die on me. Ako lang ang pwedeng gumawa no'n sa 'yo. Hindi nila ako pwedeng unahan. Ako lang dapat." Bilin nito bago kami maghiwalay.
"Ingat ka rin." Pekeng ngiti ko sa kanya.
"Ang sweet mo talaga, best friend slash partner."
Iniwan ko na lang siya. Puro talaga kabalbalan ang alam.
Hindi pa ako tuluyang nakakaapak sa ikaapat na palapag nang makasalubong ko ang limang lalaki sa hagdan. "Hi!" Bati ko sabay hila sa paa ng isa, sinapak sa panga saka tinadyakan sa dibdib bago hinulog.
Sumugod ng suntok ang dalawa at nagpaikot ako sa railings sabay tadyak sa kanila pareho na nagpabasak sa kanila. Sumipa ang isa pang kasama nila at hinila ko lang ang paa niya saka binalibag sa dalawang nakahundasay sa hagdan.
Hinugot ng panghuli ang katana niya at inundayan ako. Humilig lang ako sa kanan upang makaiwas at inagaw ang katana niya sabay malakas na hinampas ang hawakan sa panga niya. Sa lakas ng hampas umikot pa siya bago tuluyang nahulog sa ikatlong palapag.
Pinalibot ko ang tingin sa ikaapat na palapag. May dalawang receiving area, at isang mini bar sa gilid. Mas marami na rin ang mga tauhan nilang nagbabantay.
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Teen FictionJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.