YESHA POV
Nakaupo at yakap ang mga tuhod sa sulok.
Sa ganitong posisyon ko nadatnan si Adriel sa kulungan niya. Sa isang buwan niyang pagkakakulong, halata na ang binagsak ng katawan nito. Kung tutuusin, hindi naman siya napababayaan. Ginamot lahat ng sugat niya bago pa siya dalhin dito. Nasa tamang oras din ang mga pagkain niya. Maayos din naman ang kulungan niya. Malinis. Maaliwalas. Pero sinigurado kong walang ibang bagay maliban sa higaan na nakalatag sa malamig na sahig.
Nag-angat ito ng tingin. Agad rumehistro ang gulat sa kanya. Pinanatili kong blangko ang ekspresyon kahit nagulat din ako sa laki ng pinagbago niya. Ang lalim at itim ng ilalim ng mga mata nito at walang kabuhay-buhay.
Mukhang hindi ang pagkakakulong ang dahilan ng pagbagsak ng katawan nito.
Simula nang araw na 'yon, ngayon pa lang ako pumunta rito. Gusto ko lang siguraduhing kontrolado ko na ang emosyon ko bago siya harapin.
"Open it."
"Pero, Miss Destiny..." Alinlangan ni Anton.
I smiled, assuring him. "I am fine, I really am."
He sighed then nodded. "Pero sasama po ako sa loob."
"Masaya ka sa nakikita mo?" Biglang tumalim ang mga tingin ni Adriel.
I remained voided of emotions.
"Nasaan ang kapatid ko?"
That's when the corners of my lips quirked up. "You mean kapatid ko---"
"Ako ang kapatid niya, hindi ikaw!!" He yelled.
Hinablot ko ang folder na hawak ni Anton at tinapon kay Adriel. "Nasaan siya? Ayan siya. Nandiyan siya. Dahil sa 'yo." Nagngitngit ang kalooban ko. Ayoko sanang makita niya kung gaano ako nasaktan pero imposible yata 'yon.
Isa-isa nitong pinulot ang mga litratong nagkalat sa sahig. Mga litratong naglalaman ng himlayan ni Aziel.
Agad umagos ang mga luha niya. Niyakap niya ang mga litrato. "Hindi... Aziel... Kapatid ko."
Umakyat ang galit sa ulo ko nang marinig ang sinabi niya. Kinwelyuhan ko siya. "Stop calling him your brother, because you're not."
"Ako ang kapatid niya." Nagngalit ang mga ngipin niya.
"Pinatay mo siya."
"It was supposed to be you---"
"You dare to call him your brother pero hindi mo siya pinaniwalaan? Kapatid mo siya pero mas nagtiwala ka pa sa uncle mo?Trinaydor mo siya." Pabato ko siyang binitiwan at muling hinagisan ng mga papeles. "Read those and tell me kung nararapat ka bang tawaging kapatid niya."
Pinulot niya ang isa at binasa. Nanlaki ang mga mata nito. Pumulot siya ng isa pa. At isa pa. At isa pa. Sunud-sunod siyang pumulot na parang may humahabol sa kanya sa bilis. "Hindi!!" Binagsak niya ang mga iyon. "Gawa-gawa mo lang mga 'yan!!"
"Paniwalaan mo ang gusto mo. Wala na akong pakialam."
"Nilason mo ang utak ng kapatid ko kaya siya namatay! Pinatay mo siya!"
"Ikaw ang pumatay sa kanya!!" I snapped. "Stop calling him your brother because you are not! Kapatid ko siya!! Kapatid ko. Kapatid ko ang pinatay mo!!" Umalpas ang mga luha ko. "Kung sana nakinig ka lang. Kung sana siya ang pinili mong pagkatiwalaan. Nandito pa sana siya."
Marahas itong umiling.
"Kung alam ko lang na ganito ang kahihitnan ng gulong 'to, sana noon pa lang kumilos na ako. Hindi sana nawala sa 'kin si Captain. Kayo ang may utang sa 'kin. Pinatay ng daddy niyo ang kuya ko. Pero inisip ko, it was your dad, not you. Not your mom. Pinag-isipan ko ang mga sinabi ni Aziel and he was right. I'm too soft-hearted. So soft that I even offered help to your mom when she was dying. Pero sa huli ako pa ang napagbintangan. Ako pa ang nawalan ulit." I clenched my fists. "Aziel may be right with me being soft-hearted but what he failed to see is that I'm also ruthless."
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Teen FictionJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.