CHASE POVKasama ko ang Chasers sa garden at nag-aagahan. Bigla na lang dumating ang mga ito nang walang pasabi. At wala ring pasabi na nagsikuhaan ng pagkain sa kusina at kanya-kanyang dala sa garden. Feel at home ang mga walanghiya. Sanay naman na ang pamilya ko kaya hinayaan na sila.
"Ayaw mo kumain?" Tanong ni Ken.
Pinaglaruan ko lang ulit ang cereal na nasa harap ko.
"Ohhh... may problemado." Pang-aasar ni Kai saka sumubo sa cereal niya.
"Bakit kaya?" Kunwaring himas ni Lucas sa baba niya sabay mapang-asar na nginitian ako.
Matalim ko siyang tiningnan. "Bakit nga pala nandito ka? Di ba sabi ko huwag kang magpapakita sa 'kin?!"
Tinawanan niya lang ako. "Bakit, anong ginawa ko?" Tatawa-tawang aniya saka sumubo sa sandwich na siya rin ang gumawa kanina.
"Wala naman. Nagalit lang naman siya sa 'kin!" I spit sarcasm.
Tumawa lang ulit siya. "Ahh talaga?"
"Gago ka!"
"Hala! Sinunod ko lang utos mo."
"Wala akong matandaang sinabi kong mag-imbento ka ng kwento at sabihing naliligo ako ng isang galong pabango! Tanginang 'yan!"
Humagalpak siya ng tawa. "Sayang sana nakita ko itsura mo!"
"Teka!" Ani Kian. "Hindi kami maka-relate."
"Oo nga naman. Ang daya. Sampu tayo rito. Huwag kayong nagsosolo!" Segunda ni Daniel.
"Is this about Yesha?" Tanong ni Seb.
"Nagtanong ka pa." Sagot ni Ken. "Si Yesha lang naman ang may kakayahan na paproblemahin si Chase nang ganyan."
"What about her?" Muling tanong niya.
"Ano nga bang nangyari?" Curious ding tanong ni Lucas.
Isang matunog na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago kinwento sa kanila ang pagpapalabas na ginawa ni Yesha sa 'kin. Mula sa pagdating ko hanggang sa pagtawag niya kay Lucas at sa huli nga ay binalibag sa mismong mukha ko ang pinto.
5...
4...
3...
2...
1...
Inabot sila ng mga limang segundo bago lintik na nagsipagtawa! At syempre ang apat na siraulo naming miyembro, ayun nasa damuhan at literal na gumugulong kakatawa, hawak-hawak pa ang tiyan.
Alam ko namang wala akong mapapala sa mga 'to, bakit ba naisipan ko pang ikwento?
Mga walanghiya na, mga bwisit pa!
Pare-pareho kaming natigilan nang dumating si Yesh sa garden. She stood frozen and eyed each one of them. Gano'n din ang ginawa ng Chasers. Nagulat sila na nasa harap nila siya. Hindi ko nga pala nabanggit na dito siya natulog.
"Yesh..." Ani Lucas. Tiningnan nito ang suot niya. Maging ng iba nakatitig sa suot niya. "You spent the night here?"
A flush crept her face. Bigla na lang itong tumalikod at mabilis na pumasok sa loob.
"Yesh!" Sigaw ko pero parang wala siyang narinig. I sighed.
"She spent the night here?" Lucas inquired. "And she's wearing your clothes. Hindi mo sinama sa kwento mo 'yon."
"May mga bagay na dapat sa amin na lang dalawa."
"Like what?" Kai prompted. "What else did you not tell us?" Ngisi niya. "Ilang beses ko na rin kayong naabutang... you know." Kindat niya.
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Novela JuvenilJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.