DESTINY 29 - S. H. I. T STARTS

314 31 10
                                    


LUCAS POV

Dahil lahat kami nakainom, kina Chase na kami natulog. Pesteng yawa lang dahil lahat din kami nasa kwarto ko. Pati si Chase dahil si Yesha ang nasa kwarto niya.

Hiyang-hiya naman ako sa apat na siraulong miyembro namin. Sila ang ang nasa kama, ako nasa sahig. Kahit anong pilit kong paalisin sila, daig pa nila ang tuko na hindi talaga maalis doon.

"Kasya pa naman, dito na lang tayong lahat." Umusog si Kaiden at tinapik ang espasyo sa pagitan nila ni Kian, espasyong kahit sanggol hindi kasya.

"Hindi na." Higa ni Dustin sa sahig. "Mas gusto ko na rito. Baka magkapalit pa tayo ng mukha."

"Swerte naman ng makakapalit ko." Tawa niya.

Nagkanya-kanya na kami higa sa sahig.

"Chase," maya-maya'y tawag ko. "Nakausap mo ba si Yesh?"

"Paano ko kakausapin eh lasing na lasing. Kita mo nga't kung anu-anong pinaggagawa."

"Na gustong-gusto mo naman." Sabad ni Kai.

"Ulol! Anong gustong-gusto? Pinagbabawalan ko nga, di ba? Kayo ang kumunsinti sa kanya. Sinama niyo pa sa kabaliwan niyo."

"Baliw din naman siya." Tawanan nila.

Hindi ko akalaing gano'n pala malasing si Yesh. Makulit rin siya no'ng nag-inuman kami dati pero ibang level ang ngayon. Kawawa si Chase sa kanya.

Binuhat na siya ni Chase kanina dahil hindi na makausap nang matino. Tinatanong niya siya tungkol sa sinabi niyang kapatid niya si Yuri pero wala na, nakasandal na lang siya sa dibdib ni Chase at paulit-ulit na sinasabing, "siraulo ka, bakit ka nagseselos sa kapatid ko?"

At ang kulit niya. Pulang-pula si Chase sa mga pinaggagawa niya. Binuhat siya nito, bridal style. Ikinawit nito ang braso sa leeg niya at nilapit ang mukha sa kanya at nginitian nang pagkatamis-tamis. Tapos hahawakan siya sa pisngi at panggigigilan iyon. O di kaya'y kukurutin ang ilong niya. Mamaya balik sa pisngi at kukurutin 'yon sabay sabing, "ang cute-cute mo talaga 'pag namumula ka."

'Pag susuwayin siya ni Chase, lalo siyang naglulumikot kaya hinayaan na niya lalo na no'ng paakyat silang hagdan.

"Sa tingin niyo, totoo ang sinasabi niyang kapatid niya si Yuri?" Tanong ko.

"Lasing siya." Komento ni Seb.

"Baka sinabi lang niya para hindi na magselos si Chase?" Ani Nathan.

Si Chase ay tahimik lang. Parang ang lalim ng iniisip.

"Naniniwala ka sa kanya?" Curious kong tanong.

"Naisip ko lang, wala rin kasi siyang sinabing ex niya si Yuri. Pati si Ellie, walang sinabing gano'n. Nag-assume lang tayo."

Binalikan ko rin ang mga nagdaang buwan. Tama siya, wala silang sinabi.

"Kung sabagay," ani Ken. "Ang alam natin ang may kuya si Ellie. Pero pati pala siya? Kung pagtatagpiin mo nga naman, hindi malayong totoo 'yon. Kaya siguro gano'n na lang si Captain kay Yesha, kasi nga best friends pala sila ng kuya niya."

"At dahil best friends sila, sa kanya ibinilin si Yesha."

"Baka naman nabanggit nila, hindi niyo lang napansin." Naagaw ni Nathan ang atensyon namin. "Sina Ellie kasi laging sumasagot 'yan sa mga tanong natin pero hindi direkta. Parang laging kailangan mong gamitan ng utak. Parang puzzle na kailangan mo munang buuin bago makuha ang sagot."

Napaisip ulit ako. Binalikan ko ang pag-uusap namin no'ng tinanong ko siya kung ano ba ang nangyari kay Yuri.

'Iba man ang pagmamahal na meron si Yuri para kay Yesh, iba man ang relasyon na meron sila...'

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon