CHASE POVCaptain carefully wiped Yesha's tears with his thumbs then cupped her face, looked straight in her eyes and leaned closer, their lips almost touching.
And there I was, rooted in place with heart broken into pieces I can't count.
This is my place. Our quiet place. Bakit naman dito pa?
Nanikip ang dibdib ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.
'Nasa amin siya. Nag-aayos ng kasal nila.'
'Did he tell you who got Rekx's approval? Captain did.'
'When it comes to Yesha, I have all the right.'
Don't act as if may karapatan ka sa kanya. Dahil wala. Kahit kailan hindi ka nagkaroon ng karapatan sa kanya.'
Pakiramdam ko daig ko pa ang sinasagasaan nang paulit-ulit.
Gusto kong umiwas ng tingin pero sa sobrang sakit kahit 'yon hindi ko magawa. The scene rendered me weak as hell.
Paulit-ulit na umuukilkil sa utak ko na akin ang lugar 'to. AKIN! AKIN LANG!
Hindi ko na alam ang nangyari, narinig ko na lang ang sigaw ni Yesha at pagdalo niya kay Captain na nakahiga sa lupa at hawak ang labing dumudugo.
"I'm fine, Princess." Walang emosyong aniya at tumayo. He looked at me menacingly but I don't give a fvck anymore.
I averted my gaze to Yesha. "Nakiusap ako sa 'yo, Yesh. Nakiusap ako na huwag ang lugar na 'to. Dahil ito na lang ang natitira sa 'kin. I told you not to stain the memories I have in here. Tapos maaabutan ko kayong ganito. Ano pa, Yesh?" Pilit nagpapakahinahong tanong ko kahit na nagwawala ang buong katawan ko sa galit. "May kasunod pa ba ang nakita ko?"
Captain smirked. "May kasunod pa ba? Mayroon. Gusto mo bang malaman?"
Pareho kaming napatingin ni Yesha sa kanya.
He faked a smile, obviously to anger me more. "I bought this place."
Ilang segundong hindi gumana ang utak ko. "No," I said in almost a whisper. I shook my head, not wanting to believe what he just said. Hindi pwede! 'Yon ang balak ko sa lugar na 'to, namin namin ni Yesha. Hindi lang natuloy dahil sa dami ng nangyari pero itutuloy ko pa rin dapat ang pagbili.
"I bought the place for my princess. Lagi kasi siya rito. So, I want her to have it. Lahat ng magpapasaya sa kanya, ibibigay ko. That's how much I love her. Well, actually more than that."
Natawa ako kahit na parang pinipiga ang puso ko sa sakit. I can't believe this. 'Yong plano namin dati sa lugar na 'to tinupad niya kasama ang iba.
My jaw clenched. "Fvck you." Mahina ngunit madiing sambit ko. "Ano bang ginawa ko sa 'yo para gaguhin mo ako nang ganito?" And hell I want to punch him again but I restrained myself.
I looked at Yesha. "Three years ago, you left me." Agad na namasa ang mga mata niya. Pinilit ko ang sariling huwag siyang yakapin. "Nag-flatline ako, Yesh. But I survived. You know why? Because of you." Sabay na bumagsak ang mga luha namin.
"Chase..."
Saglit akong umiwas ng tingin at huminga nang malalim. Kailangan ko ng lakas ng loob para makayanan ang makitang umiiyak siya. "Lumaban ako... kasi di ba 'yon ang sabi mo? Na lumaban ako. Na bumalik ako. Para sa' yo. Para sa atin. I heard you, Yesh. Alam kong ikaw 'yon. Kaya lumaban ako. Dahil ayaw kitang iwan. Hindi ko kaya. Sobrang mahal kita. Sobra, Yesh.
"Ikaw ang dahilan kung bakit lumaban ako. Kung bakit nakabalik ako. Kung bakit buhay pa ako.
"Pero paggising ko, wala ka na. Wala na 'yong dahilan kung bakit lumaban ako. Wala na 'yong taong nagsabing balikan ko siya. Alam mo 'yong pakiramdam na lumaban ka pero 'yong pinaglaban mo iiwan ka lang pala? Para akong pinatay ulit."
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Teen FictionJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.