ELLIE POV"Pwede akong makiupo?" Tanong ko kay Yesha sabay pabiro siyang tinulak. Hindi ko na hinintay na sumagot siya at naupo na ako.
Pati rito sa paborito nilang lugar ni Yuri pinaglagyan na rin niya ng duyan.
Dito nag-uumpisa ang bawat araw niya. Gumigising siya nang maaga at pupunta rito tapos papanoorin ang pagsikat ng araw. Saka niya gagawin ang mga dapat sa buong maghapon.
Ni-request nito kay Rekx na bigyan siya ng mga trabaho na may kinalaman sa tungkulin niya kahit na anim na taon pa bago niya dapat gampanan ang mga iyon. Mukhang lulunurin na naman niya ang sarili sa trabaho. It's her way of distracting herself. It's her escape.
May mga araw din na nanonood siya ng ensayo ng sandatahan. Nag-oobserba pero hindi nakikialam. Hinahayaan niya kami ni Alon. Pero kahit gano'n, sa tuwing nanonood siya, hindi makapag-focus ang mga trainees.
Hindi kasi gaya sa ibang lugar na siya si Yesha. Dito, siya si Destiny. At iba ang dating ni Destiny. Malayong-malayo sa makulit na Yesha.
"Tapos ko na 'yong inutos mo." Imporma ko.
"Good." Aniya lang.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" Nag-umpisa nang sumilip ang araw mula sa dulo ng dagat.
"A month has already passed, Ellie tinatanong mo pa rin talaga ako niyan?"
"Baka lang kasi nagbago na isip mo." I am actually hoping na magbago pa ang isip niya.
Umiling siya. "Buo na ang desisyon ko."
Hindi na ako nagsalita.
"Bakit?" Bungad ko nang ipatawag niya ako sa office niya.
Kakaayos lang niya sa office niya. Dahil nga sa nag-request siya ng trabaho, kailangan may office na rin siya. Tinanong siya ni Captain kung gusto ba niyang gamitin ang dating office ni Yuri na siyang ginagamit niya ngayon pero tumanggi siya. Aniya opisina raw 'yon ng Captain kaya nararapat lang na siya ang gumamit.
Simple lang naman ang office niya, as usual, maraming libro. Hilig niya iyon. May isang mahogany table, bookshelves sa likod no'n at dalawang upuan sa harap nito.
May sofa set sa left side at cleopatra naman sa right. Tapos bookshelves na ulit sa tabi no'n.
Pero hindi gaya ng kwarto niya sa Batangas na lively ang kulay, ito parang masyadong seryoso ang dating.
More on black and gray ang mga gamit sa loob. Buti na lang may mga paintings na nakasabit. Sunrise na siya mismo ang may kuha. May mga halaman rin naman kaya kahit paano may buhay pa rin naman ang opisina niya. Pero kung ako ang tatanungin, hindi ito ang design na nababagay sa kanya.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nawala na ang bubbly attitude niya. Nabawasan na rin kasi ang kakulitan niya. Pati pagngiti, bihira na.
Okay kung sa okay siya, pero 'yong mga mata niya, walang ningning.
Hindi masaya, hindi rin malungkot. Blangko. 'Yon ang nakikita ko.
Paano nga naman magniningning ang mga iyon eh wala ang taong nagbibigay ng kakaibang buhay sa mga mata niya?
Hindi naman siya nagmumukmok o umiiyak pero minsan naiirita ako kasi hindi naman siya 'yan. Alam kong pinipilit niyang magpakatatag dahil kailangan pero hindi ko talaga maiwasang mainis.
Binuksan niya ang drawer sa ilalim ng mesa niya. May kinuhang papel mula roon saka nilapag sa mesa.
"Ano' to?" Tanong ko at binasa.
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Roman pour AdolescentsJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.