DESTINY 69 - THE LETTER

286 27 17
                                    

CHASE POV

I tried to make something out of the place we're standing... but nothing. All I can see were  trees.

Alas kwatro pa lang ng umaga kanina nang pumasok sa kwarto ko si Ellie at minadali akong magbihis. Hindi pa ako nakaka-oo, lumabas na siya at sinabing hihintayin na lang ako sa labas. Naguguluhan man, sumunod na lang ako. Malakas siyang mang-asar pero hindi naman niya ugaling mangbwisit nang gano'n kaaga para sa wala.

Tahimik kaming umalis ng Regyia. Tinahak ang daan patungong Abgan. Nakarating kami sa isang masukal na kakahuyan sa dulong parte niyon.

Walang imik siyang tumuloy kaya sumunod din ako. Ilang mga halaman at sanga ng puno ang sinabitan ng damit ko, halos masira na nga ito. Nakailang tapilok din ako at muntik nang humalik sa lupa. Wala naman siyang pakialam at tuluy-tuloy lang sa paglalakad. Naiirita na ako dahil wala akong ka-ide-ideya kung saan niya ako dadalhin. Ang bilis pa niya na akala mo may humahabol sa kanya. Buti sana kung pareho naming gamay ang lugar kaso hindi. 'Pag ako hindi nakahabol sa kanya, paniguradong aabutin ako ng siyam-siyam para makalabas sa kakahuyan na 'to.

Matapos ang nasa tatlumpung minutong paglalakad at paghawi sa mga halaman at sanga ng puno, huminto siya. Sa tingin ko ay dulo na iyon ng kakahuyan dahil sa 'di kalayuan ay bangin na. Mas kaunti na rin ang mga puno.

"You brought me here because?" Salubong ang kilay na tanong ko.

Paglingon ko sa kanya, nakatingin lang siya sa harap. Sinundan ko ang tinitingnan niya at doon ko lang napansin na dagat pala iyon. Nasa Abgan nga pala kami at ito ang boundary kaya kitang-kita ang malawak na karagatang nakapalibot sa Ysla.

Hindi ko namalayang nakatitig na rin ako at napapangiti sa pagtama ng liwanag ng buwan sa tubig at sa marahang pagsayaw ng tubig. Parang may ritmo ang dagat at napakapayapa nitong panoorin. Nakagagaan ng loob.

Isa ito sa nagustuhan ko sa Ysla Ryeshia. Ang dami nilang magagandang tanawin na nakapagbibigay ng kapayapaan sa magulong isipan at kalooban.

You will find serenity just by looking at those places. A blissful smile formed in my lips. I think this will be my favorite spot in the island.

"This was where Yuri died." That erased the smile and the serenity I'm feeling. It took me seconds to avert my gaze to her. "Ang tinatapakan mo ay mismong binagsakan niya." Dagdag pa niya.

Unti-unting gumapang ang lamig mula sa mga paa ko pataas.

She turned to me and smiled. "Did I scare you?"

"Binibiro mo na naman ba ako? Because I'm telling you, it's not a good joke." Madiing saad ko.

Her smile turned into a smirk. "Who says I'm joking?" Muli siyang tumingin sa harap. "Hindi kita binibiro. Dito talaga siya namatay." Sadness filled her voice.

I took a deep breathe. "Okay, dito siya namatay. But why did you bring me here?"

"Aalis kami ni Yesh bukas."

"I know. Sinabi sa 'kin ni Rekx."

Tumango lang siya. Ilang segundo pa bago siya nagsalita ulit. "This is Yesha and Yuri's favorite place. Dito sila madalas tumambay. Papanoorin nilang lumubog ang araw hanggang sa lumabas ang mga bituin. Tapos stargazing na sila." She smiled as if remembering those times. "At ganoon din no'ng araw na nawala si Yuri. Saktong palubog ang araw."

That's why she disliked sunsets.

"At ang mga bituin ang huling nasilayan nila bago tuluyang nawala si Yuri."

Parang may kumurot sa puso ko. Ayokong isipin kung paano siyang nasaktan no'ng araw na 'yon. "Why are you telling me this?"

Muli niya akong hinarap at ngumiti. "I thought you wanted to know her more? Kaya ka nga pumunta rito, di ba?"

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon