DESTINY 34 - ADRIEL YBAŃEZ

336 30 7
                                    


LUCAS POV

July 23. Birthday ni Chase. Tatlong buwan na rin simula no'ng umalis si Yesha.

Ayaw niyang mag-celebrate. Pumayag rin naman mga magulang niya. Naiintindihan daw nila. Pero nagulat na lang kami nang may dumating na catering service sa bahay. Inayos ang garden. Naghanda ng iba't ibang putahe. Nag-set up rin sila ng mini stage.

Mayamaya, isa-isang dumating ang mga kaibigan namin.

Chase sighed. "Sinabi ko nang ayokong mag-celebrate." Inis na aniya.

"Akala ko ba hindi ka magse-celebrate?" Bungad ni Kaiden. "Ayaw mag-celebrate pero may pa-invitation card pa?" Pakita niya sa isang blue green envelope.

Hinablot iyon ni Chase. Sabay naming tiningnan. Invitation card nga! Para sa birthday celebration niya. Pasadya ang card. Mamahalin ang papel. Scented pa!

Mga lumilipad na saranggola ang design. Muli kong tiningnan ang garden. Mga maliliit na saranggolang kulay blue green ang kinalat nila sa kabuuan ng garden. May mga banderitas din na saranggola ang hugis. May isang mesa rin na may mga saranggola. Pwede raw paliparin.

Mukhang blue green at kite flying ang theme.

Tiningnan ni Chase ang mga kaibigan namin, lahat sila mayroong dalang invitation.

Nangunot ang noo niya. "Who gave you those?" Tanong niya sa mga ito.

"Dineliver sa bahay. Ang aga nga eh. Who delivers invitations at five in the morning?" Sagot ni Ken.

"Sa akin din." Taas ng kamay ni Kai.

Lahat sila gano'n ang sagot.

Umiling si Chase. "They said they understand."

"You don't know about this?" Hailey asked. Chase shook his head.

"Your mom seems happy though." Niko commented. "Maybe she did it to make you happy too. It's your birthday, Chase. Malaking bagay para sa mga magulang ang birthday ng mga anak nila. Maybe this day can be an exemption? Judging from the card alone, mukhang pinaghandaan ng mommy mo."

Pinisil ko ang balikat ni Chase."He's right. Mama is happy. Maybe we can celebrate? For her? Ilang buwan na rin kasi siyang malungkot."

Binaling niya ang tingin kay Mama na abot tenga ang ngiti, nagniningning ang mga mata habang nagbibigay ng instructions sa staff. Si Daddy Race naman ay nakaupo lang sa gilid, pinapanood si Mama but also has a smile on his face. While Hunter is already flying a kite at ngumuso nang magpagewang-gewang iyon bago bumagsak sa lupa.

"Kuya!" Sigaw niya habang patakbo sa direksyon namin. "Can we invite Liam? Please?"

Chase took a deep breath. "Okay, I'll call them."

"Yes!!" Suntok sa hangin ni Hunter. "Thank you, kuya!"

Bumalik na siya sa garden at sinubukang paliparin ulit ang saranggola niya.

"Does that mean..." Dustin trailed his question.

"Let's celebrate. Tawagan ko lang sina Tita Reese. Palipad na rin kayo ng saranggola." Baling niya kina Kian. "Halata namang kanina niyo pa gusto. Huwag na kayong magkunwari---"

Hindi pa natatapos ni Chase ang sasabihin, tumakbo na ang apat sa garden. Sumunod na rin sina Niko, Hailey, Dustin at Nathan.

"Are you sure okay lang sa 'yo?" Seb asked him.

"Okay lang. Alam ko namang apektado ang pamilya ko sa inaasal ko. Ayokong nalulungkot sila dahil sa 'kin pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Pinipilit ko naman pero ang hirap talaga."

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon