DESTINY 54 - USED AS A BAIT

293 28 17
                                    

A/N:

Hi to @JheniferPeralta
Thank you for supporting my story!


Happy reading everyone!


CAPTAIN POV

Nasa sampung armado ng mga pana ang humarang sa daraanan ko. Natatawang napailing na lang ako.

Lumabas ako ng kotse, sumandal sa bumper at humalukipkip. "Yes?" kaswal kong tanong.

Ngumisi ang nasa pinakaharap, ito marahil ang leader nila. Kasunod ang paglipad ng tatlong palaso sa direksyon ko.

Kalmadong hinuli ko ng kanang kamay ang isa, sa kaliwa naman ang isa pa at sa pangatlo, umapak ako sa bumper ng kotse saka pabaliktad na tumalon at sinipa iyon pabalik sa gawi nila.

Pagbagsak ng paa ko sa lupa, siya ring bagsak ng isang tauhan niyang tinamaan ng sinipa kong palaso. Sapul ito sa puso. A corner of my mouth lifted.

A muscle in the leader's jaw twitched.

I just shrugged, annoying them more.

Muli akong sumandal sa bumper ng kotse ko saka ngumisi.

Sumenyas ang leader at sabay-sabay silang sumugod.

Tumayo rin ako at prenteng naglakad palapit, baka magasgasan pa kotse ko.

Mabilis kong naiwasan ang unang sumuntok at gumanti. Sa mismong puso. Ilang segundo itong naestatwa bago walang buhay na bumagsak sa lupa.

Gano'n ang ginawa ko sa lahat ng sumugod. Iiwas at gaganti ng atake. Atakeng ikatitigil ng paghinga nila.

Ang prinsesa ko ang pakay niyo at hindi ko hahayaan makalapit kayo sa kanya kaya pasensyahan tayo. Kung kailangan kong maging mas masahol pa sa demonyo, gagawin ko. Magkita-kita na lang tayo sa impyerno.

Sa huli, kami na lang ng leader nila ang natira. Nasa dalawang metro ang pagitan namin, nakatitig sa bawat isa.

"Takbo," bulong ko.

He smirked before moving a few steps backwards and eventually run.

I followed, taking my time. Naabutan ko siya sa isang bakanteng lote. Naglakad ako papunta roon at tumayo sa gitna.

And again, he smirked. "Sabi nila, magaling ka."  Ipinilig nito ang ulo sa kanan. "Pero parang hindi naman."

I remained emotionless.

"Kasi kung magaling ka talaga, bakit ka sumunod dito? Hindi mo ba naisip na baka may mga kasama pa ako?" As if on cue, naglabasan na nga ang mga kasama niya. Siya naman ay nang-uuyam na tumawa nang malakas.

I remained stoic which made him stopped laughing.

Naglakad ito palapit. "Nakakabwisit ang pagmumukha mo. Huwag kang magkunwaring hindi natatakot. Napapaligiran ka namin. Nasa mga kamay ko ang buhay mo. Tatanga-tanga kasi. Sumunod ka pa. Pinadali mo ang trabaho ko."

A devious smirk crept my face. "Kaya nga rito ako sa gitna tumayo para mas madali niyo akong mapalibutan. Nakakahiya naman eh, baka mapagod pa kayo kung hanggang do'n lang ako sa bukana. You're welcome." I faked a smile.

Unti-unting nawala ang ngisi sa labi niya at umigting ang panga.

I narrowed our distance. "Hindi mo ata ako kilala. I. Am. Captain Dylan Seoh." Makapangyarihang sambit ko ng pangalan habang pinupukol siya ng nakamamatay na tingin. "Utusan mo na silang umatake, tutal tatanga-tanga naman ako, hindi ba?" Hamon ko.

At kahit nakatalikod, hinuli ko sa kamay ang isang palasong pinakawalan nila. At sa isang iglap, nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa 'kin saka sa palasong nakatutok na sa puso niya.

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon