A/N:
Cleyeus [kle-yus]
Rygilia [Ray-ji-li-ya]Pabasa pala ako ng author's note sa baba. May konting announcement lang. Salamat.
Happy reading!
CHASE POV
Gusto ko pa sanang makausap siya pero hinayaan ko na nang sabihin niyang pagod na siya at gustong magpahinga.
Ramdam ko rin kasi 'yon. Hindi physically kundi emotionally. 'Yong mga mata niya sobrang lungkot. Parang sobra-sobra na 'yong sakit na nararamdaman niya. 'Yong parang hindi na rin niya kaya pero pilit siyang nagpapakatatag. 'Yong gusto na rin niyang iiyak lahat pero ayaw niyang makita ng iba. Nawala 'yong masayahin at makulit na Yesha'ng araw-araw kong nakakasama.
Naupo ako sa tabi niya sa quiet place namin. Ilang araw na pero gano'n pa rin siya. Pagod. Pumapasok pero tumatagos lang ang tingin niya sa board at sa lec. Hindi gaanong kumakain at nagsasalita. 'Pag nagtanong naman ang mga kaibigan namin, magpipilit lang siya ng ngiti at sasabihin ayos lang siya kahit halata namang hindi.
Hinawakan ko ang kamay niya. Hinaplos iyon. "Pagod ka na?" Mahinang tanong ko.
"Hindi pa rin ako titigil." Sagot niya. "Pero kailangan kong magtiwala ka sa sa' kin."
"Why did you request to go home? Because of me?"
"Yes."
"Hindi ko maintindihan, Yesh."
"Hindi ka niya titigilan."
"Kaya nagdesisyon ka na lang? Yesh, dalawa tayo rito, di ba? Bakit nag-decide kang mag-isa?"
She looked at me pleadingly. I know she's tired and probably doesn't want any arguments right now but I can't hold it in any longer.
"I understand that it's for me. But Yesh, it's always been me. Always for me. When will that become for us? Dalawa tayo rito so dapat dalawa tayong nagde-decide.
"Tapos malalaman ko nagdesisyon ka na. At gano'n kabigat, Yesh. Kailan ko malalaman na nagdesisyon ka na pala. 'Pag aalis ka na? O pag nando'n ka na? Paano na ako? Para saan pa na lumalaban ako? Naisip mo ba 'yon?"
"You also decided on your own. Why did you accept his offer? Hindi mo siya kilala. May kapalit 'yon."
"Anong gusto mo? Palagi na lang akong nakatago sa likod mo?"
"This is not the right time para pairalin natin ang pride, Chase."
"You think it's just about that?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Did it ever cross your mind na baka gusto ko rin kasing protektahan ka? Did it ever cross your mind na nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ka? Did it ever cross your mind na halos mamatay-matay ako 'pag nalalagay ka sa alanganin ng dahil sa' kin? And lastly, Yesh, did it ever cross your mind na kasi mahal kita. Sobra. Sobra na gusto kong makasama ka. Nang hindi nag-aalalang baka may sumugod na naman sa 'tin. Na may sasaluhin ka na namang palaso para sa' kin. Na baka umalis ka na naman.
"Yesh, do you also have any idea how that pains me? Ang hirap na sa tuwing matutulog at magigising ako, iniisip ko kung makakasama pa ba kita o baka kinuha ka na nila. Ang hirap na 'pag kasama kita, natatakot akong baka magpaalam ka na lang na aalis ka na. Na kailangan mo na akong iwan. Do you know how it feels to live in fear everyday?"
Rumehistro ang gulat kay Captain nang makita ako sa tinutuluyan nila kasama si Rekx at ang sandatahan.
"Are you out of your mind? Anong ginagawa mo rito?" May galit at pag-aalala sa boses nito. "Does Yesh know---"
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Ficção AdolescenteJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.