ELLIE POV"Tulala sa isang tabi at hindi mapakali---"
One deathly stare made Yesha from singing---or rather annoying me.
She pursed her lips, obviously suppressing her laughter.
Hindi ko na lang pinansin.
Binagsak nito ang katawan sa katabing bean bag kung saan ako nakaupo. "Mas maganda mag-stargazing sa labas." Aniya.
I sighed. "Yesh, pwede ba? Saka ka na mang-asar?"
"It's Seb, isn't it?" She asked. "He's still not talking to you?"
I sighed again.
"I'll take that as a yes. Hindi pala ako nag-iisa."
"You mean hindi nag-iisa si Chase. Dahil ikaw ang hindi kumakausap sa kanya."
"Excuse me?" Taas niya ng kilay. "Pareho lang kami."
"Dahil hiniling mo."
"Excuse me ulit. Wala akong hiniling na gano'n. Teka nga lang... bakit sa akin na naman napunta usapan? Ikaw tinatanong ko ah!" Angil niya.
Bahagya akong natawa at napailing. "Ramdam ko lang si Chase. Ang hirap pala ng hindi ka kinakausap. 'Yong parang hindi ka nakikita kahit magkaharap lang kayo."
"Wow! So ako hindi mo ramdam? Ano, kay Chase ka na kampi? Gano'n din naman siya ah. Hindi rin niya ako kinakausap."
"Pagkatapos ng sinabi mo sa cafe? Talagang ine-expect mo na kakausapin ka pa niya?"
"Bago pa nangyari 'yong sa cafe gano'n na kami---teka nga! Iniiba mo na naman usapan eh!"
Tuluyan na akong natawa. Minsan talaga shunga rin ang bruhang 'to eh.
"Hindi ka ba nahihirapan?" I seriously asked.
Siya naman ang bumuntong-hininga. "Mukha bang hindi?"
"Sa mata nino?"
"Nilang lahat."
"Mata nila 'yon, bakit sa 'kin mo tinatanong?"
"Anak ng! Ang tinong kausap." Reklamo niya.
Natawa ulit ako. Ewan ko ba. Seryosong namomroblema ako kay Seb pero hindi ko alam kung bakit ayokong pag-usapan.
I stared at my best friend. Wala naman akong ibang makakausap maliban sa kanya.
"Pwede na rin siguro kitang pagtyagaan."
"Nakakahiya naman. Siya sige!" Hampas niya ng kamay sa ere. "Kung 'yan ang ikasasaya ng puso mo. Sige, pumapayag na akong pagtyagaan mo ako."
"Kailan niya ako kakausapin?"
"Siya 'yon. Bakit sa 'kin mo tinatanong?"
"Takte! Sabi ko na nga ba isang malaking pagkakamali na ikaw kinausap ko."
She laughed loudly. "Eh di sige. Wait lang tawagan ko si Captain."
Nanlaki ang mga mata ko nang tawagan niya talaga.
Inagaw ko ang phone niya pero mabilis niyang naiiwas.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Isa. Yesha."
She put it on louder speaker.
"Dalawa. Destiny."
"Yes, Princess?" Bati ni Captain.
"Yesha. Destiny. Vera." Bulong ko.
"Hi, Captain! How are you?" She answered but was looking at me.
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Fiksi RemajaJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.