DESTINY 63 - DOWNFALL

259 31 10
                                    

CHASE POV

"Nasaan ang mga bantay mo?!!" Sigaw din ni Aziel, mas galit pa kaysa sa 'kin.

"You planned this?"

"Damn it, Chase! I just laid my uncle's plans to you. Nasaan ba ang mga bantay mo?" Ulit niya sa tanong niya. Lumingon siya sa likod at pinaatras ang sasakyan.

"What are you doing?"
"Itinatakas ka. Hindi ba halata? Sinabi ko na, di ba? Hindi ka pwedeng makuha ng uncle ko. Fvck!!" He cursed as another van blocked the way.

"You didn't plan this?"

"Mukha bang plinano ko 'to? Umiba ako daan dahil napansin kong may sumusunod sa atin. But kuya knows me too well." He shook his head in frustration. "He knows I would resort to this route kaya nakaabang na sila!" Hinampas nito ang manibela. "Fvck! Bakit ba ang tanga ko!" Ilang beses itong huminga nang malalim. "May mga bantay ka naman, di ba? I can stall kuya while you flee with them."

"Wala akong bantay. Tinakasan ko sila." I informed him.

"What?! Siraulo ka ba? Bakit mo sila tinakasan?! Kaya nga malakas ang loob kong papuntahin ka sa malayo dahil alam kong may mga bantay ka. Chase naman! How can you be this stupid? There's a reason Yesha assigned them to look after you!" Hinilot nito ang sentido. "Dito ka lang. Kakausapin ko sila. 'Pag sinabi kong tumakas ka, tumakas ka na. Use my car."

"Paano ka?"

"Kapatid ko pa rin siya. Hindi siya papayag na masaktan ako. Pero ikaw, they won't spare you. So please, listen to me. I'll distract and stall them, then you flee."

Wala na akong nagawa nang bumaba siya.

"Kuya..."

"Thank you for bringing him to us."

"Stop this, kuya. Hindi sina Chase ang kalaban natin."

"Move aside, Aziel. Kami na ang bahala sa kanya."

"Kuya—"

"Aziel!!" Adriel shouted angrily. "Akala mo ba hindi ko alam ang nangyayari sa 'yo? Ako ang kapatid mo, hindi ang babaeng pumatay sa mama natin—"

"Yesha didn't kill her, Uncle Leandro did—"

"Adriel," singit ng uncle nila sa usapan. "He wouldn't listen to you anymore. Ang babaeng 'yon na ang pinaniniwalaan niya."

"You traitor! Ikaw ang pumatay kay Mama. At 'yon din ang gagawin mo sa amin 'pag nakuha mo na ang gusto mo. I already know everything! Sa 'yo na nakapangalan ang mga properties namin, pati mga tauhan namin nakuha—"

"Stop this nonsense, Aziel. Susunod ka sa sinasabi ko sa ayaw at sa gusto mo." Sumenyas si Adriel sa mga tauhan niya. "Get him in the car at huwag niyong hahayaang makalabas kahit anong mangyari."

Agad na pinatumba ni Aziel ang lumapit, inagaw ang katana nito sabay hinampas sa katawan ng isa pa. "I will not let you get my friend. And I...will definitely not let you use him against Yesha." Madiing aniya.

Bumaba ako at pinulot ang katana ng pinatumba niya.

"What are you doing? Bumalik ka sa loob—"

"I can fight, Aziel. Besides, friends don't abandon each other, they fight together." Pinaikot ko ang katana ko at pumorma. "Shall we, my little brother?"

A smile formed on his lips, "sure, kuya Chase."

With that, sabay kaming sumugod. Throwing punches and kicks while slashing our swords.

Minutes past, and we stood with our backs against each other, both breathing raggedly. Aziel was right, nasa uncle niya ang magagaling nilang tauhan. Hindi gaya ng nasa HQ nila, mas malakas at mabilis ang mga ito. Kung hindi ako nagsanay, malamang kanina pa ako hindi humihinga. They obviously were in to kill. Kahit nga si Aziel, walang pakundangan kung atakihin nila. May mangilan-ngilang galos na kami pero iilan pa lang ang napatumba namin.

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon