CAPTAIN POV
Nakarating sa akin na pinuntahan nina Yesha si Chase kaya sumunod ako.
Hindi ko alam kung anong ginawa ni Yesha sa loob ng cafe pero mukhang umorder lang siya. At saglit lang, sumunod na lumabas si Chase.
I saw how he panicked looking for Yesha outside. 'Yong may pinagsamang pag-asa at pangamba sa kanya habang hinahanap niya siya.
I saw how his tears just fell from his eyes. I saw how he really miss her, how desperately he wants to see her.
And yes, nakita ko rin kung paanong nawalan na siya ng pag-asa at piniling sumuko na lang.
I saw him shout every pain he felt. I saw everything. Pati ang katangahan niya.
Wala pang limang minuto ang nakakalipas mula nang itapon niya ang singsing, tumakbo siya sa damuhan at hinahanap iyon.
Never in my life have I wanted to shower someone with curses with his stupidity until now.
Limang oras. Limang oras na niyang hinahanap iyon dahil sa katangahan niya. At limang oras ko na rin siyang pinapanood.
Sa loob ng limang oras na 'yon, hindi siya kahit isang segundo tumigil o nagpahinga. Tirik na ang araw at napakainit pero tuluy-tuloy siya sa paghahanap. Para bang hindi siya napapagod pero kanina lang sinabi niyang hindi na niya kaya.
Stupid. As always.
Ano nga ulit ang nakita ni Yesha sa kanya?
I tap my finger on my legs. Should I help him? Mukha talaga siyang tanga eh. At nakakaawa na rin. Parang hindi pa naman siya sanay sa arawan. Tagaktak ang pawis, nanginginig na ang mga tuhod. Halata na ang pagod sa kanya. But determination is evident on him.
Kung sana ang determinasyon na 'yan ang ginamit niya kanina eh di sana hindi siya nahihirapang maghanap ngayon. Siguro ngayon, kasama na niya ang taong matagal na niyang gustong makasama.
Or maybe it's the universe's way of telling na hindi talaga sila pwede.
Isang segundo na lang eh. Patakbo na si Yesh sa kanya. But just in the nick of time, sumuko siya. Sinukuan niya siya. How stupid is that?
Nasaktan na naman ang prinsesa ko.
Bakit ko nga ulit hindi pa pinapalaunan ng palaso ang hayop na 'to?
Nilabas ko ang hinahanap niya mula sa bulsa. Hinawakan iyon gamit ang hinlalaki at hintuturo at tinapat sa araw. Light reflected on it. Indeed it's a beautiful ring. Simple pero maganda pa rin. Walang anumang arte. Tanging pangalan lang ni Yesha ang disenyo.
Kung ako ang tatanungin, it can mean he doesn't nees anything except her.
So why the hell did he throw it? I sighed. How stupid can you get, Alcantara?
No'ng nakita kong tinapon niya iyon, tiningnan ko kung saan banda bumagsak. Ginamitan ko rin ng physics. Simple trajectory lang naman ang kailangan eh. Kaya mabilis kong nahanap.
Hindi gaya ng istupidong 'to. Hindi ginagamit ang utak. Meron ba siya no'n?
I took a deep sigh before walking towards him. Nakayuko pa rin siya at naghahanap. Ang sarap bigwasan!
"Is this what you're looking for?" Iniabot ko ang singsing.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Shock was all over him, obviously not expecting to see me. Dahan-dahan rin itong napatayo, nakatingin lang sa akin.
"Is this what you're looking for?" Ulit ko. "Kasi kung hindi, aalis na ako."
Itatago ko na sana iyon pero hinablot niya at mabilis na nilagay sa bulsa.
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Teen FictionJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.