A/N:
Yrieum [I-ri-yum]
Hi to ellaiza005!
Happy reading, everyone!
CHASE POV
"Yesh!" sigaw ko sabay habol nang tumakbo ito palabas ng training room.
Naramdaman kong sumunod din si Quillon, baka nag-alala rin.
"Yesh... sandali..." But she just kept on running hanggang sa makabalik kami ng mismong bahay. "Yesh... please," muling pakiusap ko habang humahabol pa rin ngunit parang hindi niya ako naririnig.
Palala nang palala ang takot na naramdaman ko.
Damn! Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?!
Nakita kami nina Rekx at Rehayna na nakaupo sa balkonahe. Agad silang tumayo at bumadha ang pagtataka sa mga mukha nila. Pero sa mga oras na 'yon, wala akong ibang iniisip kundi ang maabutan si Yesha at makausap.
Tanaw ko na ang pasilyo papunta sa mga kwarto at 'pag nakarating siya roon siguradong hindi ko na siya makakausap.
Hindi pwede!
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang maabutan siya. Hinawakan ko ang braso niya at pinaharap sa 'kin. "Please... mag-usap tayo," pagmamakaawa ko. But I instantly froze when I saw the pain in her eyes. Umukit iyon sa lahat ng sulok ng puso ko. Lumuwag ang hawak ko sa braso niya dahilan upang makawala siya at makatakbong muli.
"Yesh..." humabol ulit ako pero wala na. Nakapasok na siya sa kwarto niya. Agad kong pinihit ang door knob pero nai-lock na niya.
"Yesh... Yesh, please. Mag-usap naman tayo," pakiusap ko habang kumakatok.
Paulit-ulit akong kumatok. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya. Paulit-ulit akong nakiusap. At paulit-ulit na tila nadudurog ang puso ko nang hindi niya binuksan ang pinto.
Naluluhang sinandal ko ang noo sa pinto. "Gusto kong matuto para protektahan ka, hindi para kalabanin ka." Mahinang sambit ko. "I'm sorry. Kausapin mo naman ako."
May humawak sa balikat ko. Nilingon ko iyon at nakita si Rekx na may galit sa mga mata. Nasa likod naman niya sina Rehayna at Quillon. "Come with me," utos ni Rekx.
"Pwedeng mamaya na lang?" pakiusap ko. "Kailangan ko siyang makausap. Kailangang marinig niya ang paliwanag ko."
"She won't open that door and neither will she talk to you." He dropped, and that almost shuttered my whole being. I squeezed my eyes shut but my tears were still able to escape.
But then a soft hand held mine. I opened my eyes and saw Rehayna smiling weakly at me. "Come, let's talk." Marahang hila niya sa 'kin.
Bago kami tuluyang makaalis sa pasilyong iyon, nilingon ko pa ang pinto ng kwarto niya, umaasang bubukas iyon ngunit hindi nangyari.
Dinala ako nina Rekx at Rehayna sa balkonahe kung saan namin sila nadaanan kanina.
"Sit down." Lalong nagpakaba sa akin ang makapangyarihang boses ni Rekx.
Naupo ako at pinunasan ang pisnging basa ng luha. I'm pretty sure I look like shit but what can I do? Basta pagdating kay Yesha, nagiging iyakin ako.
"Quillon told us what happened."
"I'm sorry. Wala naman akong balak kalabanin siya lalo na ang saktan siya." Huminga ako nang malalim. "I would never hurt her but I didn't know what's gotten into me. Ang naisip ko lang no'n hindi ako papayag na maparusahan si Quillon. I gave him my word at wala naman siyang kasalanan. Hindi ko intensyon ang kalabanin si Yesha and I'm sorry that I disarmed her. Hindi ko namalayan however... I'm not sorry for defending Quillon."
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Roman pour AdolescentsJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.