DESTINY 59 - TRAINING WITH CAPTAIN (PART 2)

301 29 13
                                    


Hi to louizatulin. Thank you for the support. Love lots!



Happy reading everyone!


CHASE POV

Naging routine ang mga sumunod na araw namin. Pinag-iigib pa rin niya ako mula sa balon sa kakahuyan at dadalhin sa ikatlong palapag ng bahay. Hindi na panlinis ng bahay pero kailangan kong punuin ang limang drum. Pagkatapos no'n ay kailangan kong magpaakyat-baba sa hagdan na may 100 na baitang habang may hila-hilang gulong na nakatali sa baywang ko. Mahirap kung paakyat dahil mabigat at mahirap din kung pababa. Minsan napabilis ang takbo ko at nauna ang gulong sa 'kin kaya nahila ako at gumulong din ako pababa ng hagdan. Ilang sugat din ang natamo ko roon.

Ang hinayupak na captain, pinagtawanan pa ako. Hindi pa nakuntento, kinuhanan pa ako ng video! Sa tuwing malulungkot daw siya, papanoorin niya. Tangina talaga siya!

Simula no'n, natuto na akong kontrolin ang bilis at lakas na dapat kong gamitin sa bawat ginagawa ko. Bwisit ang trainer ko pero bilib talaga ako sa mga pinagagawa niya. Sa unang tingin, parang pinapahirapan niya lang talaga ako but I really am learning from those activities.

Gano'n na siguro siya, hindi niya gawaing sabihin kung anong matututunan ko sa mga pinapagawa niya. He wants me to figure it out on my own which I think is great. Hindi lang ang pisikal na lakas ko ang nahahasa, maging ang talas ng pag-iisip.

Sa ngayon ay naka-focus kami sa hand-to-hand combat and when he said he won't hold back, he really didn't.

"Being stronger than your opponent is not enough. You should also be quicker and smarter." Anito at napaatras ako habang sapo ang tiyan at napangiwi sa lakas ng sipang pinakawalan nito. "Malakas ka pero madaling mabasa ang susunod mong gagawin. Try again. This time, huwag ka lang basta sumugod, pag-isipan mo rin ang mga atake mo at basahin rin ang mga atake ko. Huwag basta sugod at salag lang. Huwag puro lakas, gamitan mo rin ng utak."

Ilan pang sunud-sunod na mga sipa at suntok ang natanggap ko at halos mawalan ako ng hininga nang patamaan ako nito ng dalawang magkasunod na suntok sa dibdib at sipa na tumama sa panga ko dahilan upang bumagsak ako sa lupa.

Habol ko ang hininga habang pilit na winawaksi ang sakit na natamo.

"I told you, Yesha's words are not in effect here. Get up, Alcantara. No one will pick you up from there. Yesha is not coming to save you. Like she always does."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig at kumulo ang dugo. Parang nagkaroon ako ng panibagong lakas para makatayo agad at magpakawala ng sunud-sunod na mga suntok, hindi siya binigyan ng pagkakataong makaganti ng atake. Nang mapaatras siya sa dami ng suntok na natanggap, kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para hilahin siya at ibalibag saka inapakan ang leeg niya.

"You're exhausted." Puna nito, parang balewala ang ginawa ko sa kanya pero tulad ko, dumudugo rin ang labi nito.

Sa araw-araw na ensayo namin, mas marami akong natanggap na mga atake pero hindi naman lumilipas ang isang araw na hindi dumapo ang kamao ko sa katawan niya. Marami man akong tama pero sinigurado kong gano'n din siya.

I smirked and pressed my foot harder on his neck. He didn't hold back giving me all those attacks then so am I. "Yes, I'm exhausted pero kaya ko pa. My body is still far from giving up. You trained me, nakalimutan mo na? Ikaw ang nagpalakas ng stamina ko. I must say effective ang mga pinagawa mo."

Mabilis na bahagyang bumangon ito at hinila ang mga kamay ko sabay sipa sa likuran ko. Sa isang iglap lang, tumilapon ako sa ulunan niya at siya na ang nakaapak sa leeg ko. At tulad ng ginawa ko, diniinan niya rin iyon. "Hangga't nakakagalaw pa ang kalaban mo, huwag kang pakampante. Kahit sino pa ang kalaban mo. Kahit pa ako."

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon